Day 6 (The importance of devotion)

43 0 0
                                    

Good day brothers and sisters,
welcome po sa Day 6
ang topic po natin ngayon ay the importance of devotion
pero bago tayo magsimula ay manalangin muna  tayo sa pamamagitan ng panalangin na tinuro sa atin ng ating Panginoon.

Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. patawarin mo po kami sa aming kasalanan, gaya naman namin na nagpatawad sa mga nagkasala  sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏

Our verse is in Roma 5:1-5

Mga Taga-Roma 5:1-5 RTPV05

Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian. Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.

RTPV05: Magandang Balita Bible

Bago natin pag uusapan ang kahalagahan ng devotion sa buhay natin ay pag uusapan muna natin ang God's grace o ang grasya ng Diyos!!!
Ano nga ba ang God's grace..
well ang kapag pag uusapan natin ang grace ng Diyos ang ibig sabihin nito ay walang simuman sa atin ang karapat dapat na tumanggap dito dahil tayong lahat ay may mga kamalian at pagkukulang sa Diyos, at tayong lahat ay hindi karapat dapat sa Diyos, sa madaling sabi ay tayong lahat ay umaasa lamang sa grace o sa habag ng Diyos kaya walang sinuman sa atin ang may karapatang magmalaki o magsabi na.. mas better s'ya o mas rigtheous s'ya sa paningin ng Diyos ayaw rin N'ya ng ganoong tao, dahil gusto parin ng Diyos na magpakumbaba tayo at sa Kanya lamang dumepende at hindi sa ating sarili...
Ang ibig sabihin nito kapatid ay magkaroon tayo ng daily devotion dahil ito ang senyales na tayo ay nakadepende sa Diyos..
ang ating devotion ay ang ating personal time sa Diyos, ibig sabihin dapat ay maglaan tayo ng specific time kung saan tayo ay mananalangin, mag memeditate tungkol sa kanyang salita at higit sa lahat ay magpupuri..
      
Napapansin n'yo ba mga kapatid, na kapag hindi kayo nakakapag devotion ay nakaka ramdam kayo ng condemnation?
katulad ng para bang nakokonsensya tayo at tila may nagsasabi sa isip natin na hindi tayo karapatdapat na lumapit sa Diyos at makasalanan tayo para magdasal at nakakaramdam tayo ng guilt sa puso natin hanggang sa hindi natin namamalayan na tayo pala ay tuluyan ng nawala sa presensya ng Diyos at napakalayo na natin sa kanya..
iyan na kasi ang panahon kung saan nakababa ang iyong bantay..
parang kumbaga sa digmaan ay hindi ka nakasuot ng armor at wala kang dalang shield o espada kaya inaatake kana at wala ka man  lang kalaban laban...
kasi ito ang panahn na hinahayaan mo si satanas na talunin ka..
Dahil dito ay nawawalan ka na ng peace of mind, nagiging magagalitin kana  yun ay dahil hindi ka nag devotion ..
Hindi kanakakabasa ng salita ng Diyos, 
Inaamin ko na  guilty din ako d'yan minsan, yung para bang nagiging option ko na ang word ni Lord, kasi ang rason ko ay,
alam ko na yan!!!  Ilang beses ko na yan nabasa eh. halos memorize ko nga!!
katulad n'yan kapatid.. yan ang example ng pride kaya parang nawawalan kana ng passion,  kasi ako halos nabasa ko na talaga ang book ng new testament ng ilang beses kaya parang nawawalan na ako ng gana kasi paulit ulit lang naman ang word  eh, na feel n'yo na ba yun?
pero inaamin ko na mali ako dahil yun pala ay senyales ng pagkakaroon ng pride sa puso ko, dahil ang katotohanan kapatid ay dapat hindi tayo magsawa kahit paulit ulit nalang natin ito naririnig ang tungkol sa grace ni Lord, sa love ni Lord etc.
pero wag parin tayo magsawa dahil ang katotohanan ito ang dahilan kung bakit hanggang nagyon buhay parin tayo, kung bakit hangggang nag yun ay libre parin ang hangin na nilalanghap natin at ang dahilan kung bakit tayo nakakasurvive at makakasurvive pa... dahil it's all about God's grace lamang kapatid..
kaya wag mo pagsawaang pakinggan ang dahilan kung bakit ka nabubuhay.. mahalaga na meron ka talagang  pinanghahawakan na salita ng Diyos dahil iyon ang isa sa katibayan na anak ka ng Diyos!!! at iyon rin ang isa sa mga pag asa na pinanghahawakan mo para makalaban ka sa kasinungalingan ng kaaway...
at ang pag asang ito ang tutulong sa atin upang makapag tiis hanggang sa huli katulad ng sinabi sa 

Mga Taga-Roma 5:1-5 RTPV05

Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian. Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.

kaya mag tyaga tayo mga kapatid...
And l have a daily devotions ..
tandaan na ang salita ng Diyos ay ang ating daily bread at hindi cake para sa special occasion..
kasi when you say daily bread,  it means you can't live without it!!!
kaya dapat meron ka talaga na pinanghahawakan upang hindi mo mahayaan si satanas na talunin ka sa labanang ito!
Yes God's grace is always available. but it is not license to sin but a previlage for us to become holy.
tandaan,
God is holy and He want us to be like His son...
So that we will become a first fruit from all He has made!!!😊😊😊😊
lagi natin tatandaan na kung mahal natin ang Diyos ay everything will follow

Hindi maramot ang ating Panginoon...
ibibigay N'ya ang nais ng ating puso lalo na kung pinakita natin sa kanya na karapat dapat tayo rito
Hindi ba karapat dapat na purihin S'ya
nangako S'ya sa awit 37:4..
Hanapin mo sa Diyos ang iyong kaligayahan at ang pangarap mo ay iyong makakamtan..
kapag nasa Diyos ang iyong kaligayahan ay hindi mo kakalimutan na mag devotion dahil ito ang panahon kung saan ay mararamdaman mo ang kanyang presensya na magdudulot ng hindi maipaliwanag na saya..
dahil naniniwala ka na ibibigay ng Diyos ang iyong panalangin..
tandaan sinabi ng ating Panginoong Hesus sa mathew 21:22
If you believe you will receive anything you ask in prayer!!!

Always remember that the size of a goal is determined not just in the size of your brain but also in the size of your faith!!!!!!!...
***** David king******

kaya naman mga kapatid...
lagi nyo itatak sa isip n'yo..
na ang lahat ng ito ay dahil sa grace lamang ng Diyos kaya sikapin natin mamuhay ayon sa kalooban N'ya at may confident tayo na i claim lagi ang promise N'ya basta magsikap tayo lagi para sa kanya at laging isama sa ating pangarap at plano..

MAKE YOUR FAITH BIGGER!!!
CHALLENGE YOURSELF TO TRUST HIM EVEN IN THE DEEPEST WATER!!!!
I BELIEVE THAT THROUGH THE GRACE OF GOD WE CAN DO ALL THIS .
.I PRAY THAT EVERYONE HERE WILL HAVE A DAILY DEVOTION!!!!

".GOOD DAY EVERYONE AND MAY THE LORD BLESS YOU ALL."

***Let's pray po***

Ama,
Maraming salamat po sa salita N'yo po na pinaalala sa amin ngayon sa pamamagitan ng iyong abang lingkod . Patawad po sa nagawa namin na pagkakamali..
Nawa po ay patuloy N'yo po kami na  gamitin na makapagbahagi kami ng iyong salita at  nawa po ay maisabuhay namin ang iyong salita .
Hindi lamang hanggang sa pakikinig o pagbabasa..
Nawa po ay wag namin kalimutan na mag laan ng time Sa'yo lagi.
Inaasa po namin sayo lahat Ama...
Sa pangalan ni Hesus amen

.....
May nais kaba i dagdag tungkol dito kapatid?
Comment lang o hindi kaya ay message me if may tanong ka .
Maari karin sumali sa aming gc.
(True Christian group that covered with the blood of Jesus)
Just message me in my .
FB: Ruth Del Socorro(Christian vlogger) or
Email: ruthgallega1@gmail.com


Salamat po sa pagbabasa..
".I challenge you to write your reflection in your spiritual journey notebook."
topic verse:

Learning:



................................

How to become a True ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon