Day 57 ( Pananampalataya sa Oras ng Kahirapan..

12 0 0
                                    

Good evening po let's start our devotion po pero bago yan let's pray po

Pray

Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏

Ang verse po natin ngayon ay

Santiago 1:3
Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.

Ang tapic natin mga kapatid ay
tungkol sa ..Pananampalataya sa Oras ng Kahirapan..

Marami sa mga tao na bumitaw sa pananampalataya dahil sa oras ng kahirapan. dahil sa kahirapan ang iba'y kumapit sa patalim . upang makaamon sa hirap ng buhay.

at may ibang dahil sa kahirapan nakuhang humarap sa Panginoon upang tumawag.

Mga kapatid. minsan sinusubok tayo ng Diyos kung hanggang saan ang ating pananampalataya sa kanya kung hanggan kaylangan tayo magiging matatag at tunay na nananampalataya sa kanya.

Lagi n'yong isipin mga kapatid na sinusubok lang tayo sa mundong ito. at ito ang katotohanan na ang tunay natin bayan ay ang kalangitan. kaya magpakatatag kayo sa pananampalataya sa Diyos at maging mabuti sa kapwa upang magtagumpay kayo sa inyong hinaharap ..

Mga Taga-Roma 5:4
At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

2 Timoteo 3:1
Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.

Santiago 2:17
Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.

1 Tesalonica 1:3
Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo;

Mangangaral 7:14
Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka: oo, ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa, upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya.

Mateo 24:10
At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa.

Ganyan ang buhay sa mundo.. daranas tayo ng paguusig paghihirap at pagkabigo at panghihina ng laman. at iba pa upang malayo din tayo sa Panginoon..

ngaun sana'y paniwalaan n'yo ito pagkat Diyos ang nagsalita nito sa inyo na hindi kayo mabibigo sa paglapit n'yo sa Diyos. kahit ang hamon ng buhay ay sadyang humahampas , maging matibay kayo sa kanya pananampalataya.

Hindi natin alam ang buhay. Diyos ang may alam ng buhay natin. kaya dapat natin pahalagahan ang iniwan n'yang batas.
laging gawin natin ang lahat ng makakaya na maging matuwid tayo sa paningin ng Panginoon.

Sino nga ba ang pinagpala sa mundo? dibat sabi ng mundo ay ang kayamanan?
ngunit sabi ng Diyos, ang pinagpala ay ang sumusunod sa kalooban niya.
hindi ang nakikinig at hindi ang yaman kundi ang sumusunod sa kanyang utos.

Kaya mga kapatid wag kayo na tagapakinig lang ngunit walang gawa. kung ganyan ang gawain nyo mas hangal pa kayo sa hangal na walang nagturo na namumuhay sa kasalanan.

ngunit ikaw na nakikinig ay dapat ng matakot sa Diyos . Pagkat nalaman mo ang katotohanan sa kanya.

gayon lagi kong paalala sa inyo. maging mainit kayo sa pananampalataya. kung alam n'yong nanlalamig na kayo ito ang katakutan nyo. kaya lumapit lagi kayo sa Diyos at basahin lagi ang kanyang salita

2 Pedro 2:21
Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.

Awit 37:5
Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.

Lucas 18:8
Sinasabi ko sa inyo, na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?

2 Pedro 1:12
Kaya't magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito, bagama't inyong nalalaman, at kayo'y pinatitibay sa katotohanang nasa inyo.

Lucas 17:5
At sinabi ng mga apostol sa Panginoon, Dagdagan mo ang pananampalataya namin.

1 Corinto 16:1
Magsipagingat kayo, mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, kayo'y mangagpakalalake, kayo'y mangagpakalakas.

Awit 56:3
Sa panahong ako'y matakot, aking ilalagak ang aking tiwala sa iyo.

Tingnan natin mga kapatid ang sinabi ng Panginoon para satin may alam ng tunay na buhay. sapagkat magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran kaysa pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila..

kaya't maging matatag kayo mga kapatid at wag na kayong lalayo pa sa presensya ng Panginoon.
at kung alam mo sa isang bagay at sa isang tao na nalalayo ka sa Panginoon dahil sa kanya.
lumayo ka kung alam n'ya ang katotohanan.

Mas maganda ng layuan ka sa paglapit mo sa Diyos. kesa lapitan ka nila sa paglayo mo sa Diyos.

Ang wangis ng ating Panginoon ay isang ilaw sa ating landas na madilim.. hindi tayo mapapatibong kung sa kanya lang tayo lalakad.
maging manatili kayo at maging mamukadkad sa kanyang piling.

ipukol nyo ang inyong paningin ay sa kanya lamang ang una at wala ng iba pa.
upang tayo'y nasa tunay na kalayaan.
Marcos 11:22
At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Dios.

Mga Taga-Roma 1:17
Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

Mga Taga-Filipos 2:16
Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan.

1 Timoteo 4:10
Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya.

Awit 62:8
Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan; buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya; Dios ay kanlungan sa atin.

Mga Hebreo 13:7
Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.

Lagi n'yong basahin ang kanyang salita mga kapatid, upang laging malakas ang inyong pananampalataya sa kanya. kapag binabasa mo ang salita n'ya, Diyos ang kinakausap nyo.

May nais ba kayong idagdag?
Panginoon,
maraming salamat po sa aming devotion ngayon na itinuro mo sa amin, patawarin mo po kami sa nagawa namin na pagkakamali, naniniwala kami na ito ay magbibigay sa amin ng kaalaman at katotohanan sa buhay.
Panginoon lagi n'yo po kaming gabayan at ilayo sa tukso pati sa masama, imulat N'yo po kami sa katotohanan at kalooban N'yo po ang laging masunod sa aming paglakbay sa buhay. ito po ang aming hinihiling sa pangalan ni Jesus Amen 🙏
....

How to become a True ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon