Good evening po..
Let's start our Devotion po ..
Before that let's pray first 🙂Pray
Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏
Ang verse po natin ay nasusulat sa
1 Mga Taga-Tesalonica 5:12-23
[12]Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon.
[13]Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa.
[14]Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Pagtiyagaan ninyo silang lahat.
[15]Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.
[16]Magalak kayong lagi,
[17]palagi kayong manalangin,
[18]at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
[19]Huwag na ninyong hadlangan ang Espiritu Santo.
[20]Huwag na ninyong bale-walain ang anumang pahayag mula sa Diyos.
[21]Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti.
[22]Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.
[23]Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.Alang-alang sa Panginoon mga kapatid igalang natin ang nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa Panginoon. Taasan natin ang ating respeto sa kanila pagkat ito ang nararapat pagkat ito ang sabi ng Panginoon natin lahat.
At kung wala kaman galang tulad ng dati hubarin mo na yan at magbago ka na . Baguhin mo na ang ugali mo. at sumunod na sa mga kalooban ng Diyos natin lahat.
Mamuhay masaya na puno ng kagalakan na ang Panginoon ang ating ilaw.
Sa tanglaw ng Panginoon ay wag na tayong aalis pa. upang manatili sa ating buhay ang pag-ibig at kapayapaan .
At magbigay tayo ng lakas ng loob sa mahihina ang pananampalataya .. wag natin silang lalayuan kung alam mo na naliligaw ang taong ito. Hindi natin kaylangan ng banal .kaylangan natin turuan ang mga di nakakakilala sa Diyos na buhay.
tulad ng bigkas ng Panginoon Hesus. Hindi makakaakay ang kapwa bulag sa kapwa bulag. maging matyaga kayo upang mapatunayan na sundalo kayo ng Panginoon na handang ibuwis ang buhay para sa kanya.Huwag n'yong paggantihan ang gumawa ng kasalanan sa inyo. ipasa Diyos n'yo nalang ang lahat.
ngaun ang pulso nyo ay gumagana pa kaya pagkakataon ito para mamulat kayo sa katotohanan.
at sumunod na sa kalooban niya at hindi sa kalooban ni satanas.
sa mga nakipagkaisa na kay Cristo , kayo ay bago na kaya wag na ninyong dungisan pa ang inyong pagkatao.
Wag natin laging sasadyain ang pagkakasala na alam na natin na mali. maging totoo kayo sa kapwa n'yo at pagsabihan nyo sa mali nilang ginagawa.
at n'yo ikatuwa ang mali.2 Mga Taga-Corinto 7:9-11
[9]Ngayon ay nagagalak na ako sapagkat ang kalungkutang iyon ang ginamit ng Diyos para akayin kayo na pagsisihan at talikuran ang inyong pagkakasala, kaya't hindi kayo napasamâ dahil sa amin.
[10]Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng mundo ay humahantong sa kamatayan.
[11]Tingnan ninyo ang ibinunga ng kalungkutang buhat sa Diyos, naging masikap kayo at masigasig na ipakilalang kayo'y walang kasalanan tungkol sa mga bagay na iyon. Namuhi kayo sa inyong sarili; nagkaroon kayo ng banal na pagkatakot; nanabik kayo sa aking pagdating; nagkaroon ng malasakit at hangaring maparusahan ang nagkasala! Ipinakita ninyo sa lahat ng paraan na kayo'y walang kinalaman sa mga bagay na iyon.Ang tunay na nasa Panginoon ay hindi lang sa bibig binubuga kundi sa gawa.
ipakita n'yo sa gawa ang pagmamahal n'yo sa Panginoon. Lagi kayong magmalasakit sa mahihina na tayo. wag n'yong hayaan ang inyong isip na tangayin kayo ng makamundong bagay .kay satanas yan. pag nagpatangay kayo sa mga makamundong bagay baka ang taong nangangaylangan ng tulong talikuran mo ng harapan oh magbingibingihan ka .Upang hindi kayo matangay ng makamundong bagay. painitin nyo ang inyong Espirituwal na katotohanan sa inyong puso at isip at kaluluwa. pano mo magagawa un? manalangin ka lagi at higit sa lahat basahin mo ang bibliya upang maging mainit lagi ang pananampalataya nyo sa Panginoon.
Ang ating katanungan sa bibliya makikita.
Bigyan nyo ng oras ang pagbabasa at laging makinig ng mga aral na tungkol sa Diyos. Hindi aral na tungkol sa relihiyon. tungkol sa Diyos.Mga Taga-Colosas 3:13-17
Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.Bilang magkakapatid kay Cristo. wag kayo magpagalingan sa pangangaral at magpagalingan sa pagtuturo ng salita ng Diyos. baka ayan ang dahilan para magtalo kayo at mapunta sa salitaang di na maganda..
Ipangaral mo lang ang salita ng Panginoon sa taong walang alam at nahihinaan ng loob. walang impusible sa Panginoon para di n'ya maunawaan ito. kung gusto ng Diyos na magagawa nya .At magagawa n'ya ang bagay na di kayang magawa ng tao.
Meron taong napakagaling sa bible pero sa pamumuhay bagsak. at meron may mga kaunti lang ang nakakaalam ng salita ng Diyos pero may takot sa Diyos kaya't takot sa paggawa ng kasalanan.
manatili nawa sa inyong puso ang presensya ng Panginoon. pagkat ayan ang kaylangan ninyo . kaylangan nyo maging banal. magiging banal lang naman kayo kung lagi n'yong pagbubulayan ang kanyang salita.
Pagkat ang kanyang salita ay nagpapalakas ng Espirituwal na katotohanan na kaylangan na meron tayong ganyan hanggat tayo ay nabubuhay.Mga Taga-Galacia 5:22-23
[22]Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,
[23]kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.Lord maraming salamat po sa aming bible study namin ngaun gabi sana po ay may natutunan kami. Lord lagi n'yo po kaming gabayan at ilayo sa tukso at masama at imulat nyo po kami sa katotohanan at kalooban n'yo po ang lagi masunod sa paglakbay namin sa buhay. Lord patawad po sa mga nagagawa namin mga kasalanan kayo napo ang bahala samin Panginoon sa pangalan ni Jesus 🙏
BINABASA MO ANG
How to become a True Christian
SpiritualBago ka lang ba sa Christianity? at gusto mo mag grow sa iyong kaalaman patungkol sa ating Panginoon? o hindi kaya ikaw ay isang aspiring Christian leader na gustong mag turo at mag salita para sa Diyos? kung ganun... ay bagay sa'yo ang librong ito...