Day 38( assurance of faith)

9 0 0
                                    

Good day po
Welcome po sa Day 38 ..
let's start our devotion po..
Bago yan let's pray po ..
Pray

Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏

Ang verse po natin ngayon ay

Mga Hebreo 11:1
Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.

Mga bagay na di natin nakikita. tayo'y naniniwala sa Diyos ay dapat buong puso na magtiwala sa kanya . sapagkat ang nagagawa ng Diyos ay di kayang gawin ng tao.
May mga bagay na mapapatanong ka na bakit ganun bakit ganto? naging tapat naman ako sa Diyos at umiiwas sa kasalanan ngunit nahihirapan sa buhay.

Isipin nalang natin ang isang tao na nalumpo. hindi kayang igalaw ang kamay at paa.. maraming mga tao na nananalig sa Diyos ngunit may pagsubok na binigay na sadyang matindi. at di kayang tulungan ang sarili. kunwari ang tulad mo ay naganyan di ko alam kung sisisihin mo ang Diyos oh magtatampo ka at mapapatanong ka na marami naman masamang tao ngunit bakit sa akin binigay ang gantong pagsubok.

ngaun kapatid di natin alam ang pamamaraan ng Diyos . kaya siguro maraming namumuhay sa kasalanan na di man lang tinatapik ng Panginoon at lalo pang gumaganda ang buhay sa gawang kamalian.

gayon nakita natin na ang katotohanan. may kaparusahan walang hanggang at may buhay na walang hanggan. dyan natin makikita ang kapangyarihan ng Diyos sa mga tao na nahihirapan ng matindi ngunit namumuhay na matuwid.

kaya manatili nawa sa inyo ang pag asa anuman ang mangyari. magtiwala kayo sa pag ibig ng Diyos .hindi ito ang tunay na buhay.
minsan dahil sa pagsubok nakikilala natin ang kapangyarihan ng Diyos . kaya manalig lang tayo sa kanya hanggang wakas.

1 Corinto 13:13
Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.

Mga Taga-Galacia 5:5
Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran.

Jeremias 17:7
Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.

Mga Taga-Roma 5:4
At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:

Mga Taga-Colosas 1:5
Dahil sa pagasa na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng evangelio,

1 Tesalonica 1:3
Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo;

Basahin nyo ang mga berso nato mga kapatid ah.. ngaun manampalataya lagi tayo sa Panginoon. At mapalad tayo kung sa Panginoon ay nagtitiwala tayo ng lubos.

Mga kapatid habang nabubuhay kayo sa mundong ito na nakilala nyo ang Panginoon Hesus Kristo na inyong tagapagligtas wag na kayong bumalik sa dating maling pamumuhay .
kapag alam n'yong mali wag n'yo na itong gagawin .
mamuhay kayo sa kalooban na ng Diyos upang maging ganap ang pagpalala sa inyo.

Maging totoo kayo sa inyong kapwa maging tapat. pagkat ang katapatan n'yo sa iba ay katapatan nyo sa Diyos. kung alam ng mga tao na mamumuhay kayo sa pagkukunwari wala sa inyong magtitiwala.

Ang ating katawan ang templo ng Diyos. kaya habang nabubuhay tayo sa mundong ito panatilihin natin maging malinis pagkat binago na tayo ng Diyos .
Kaya maging matyaga kayo at maging masigasig sa kamay ng Panginoon .at wag ng lalayo pa hanggat kayo'y may hininga .

Mga Taga-Roma 8:24
Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita?

Santiago 1:3
Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.

Mga Hebreo 6:19
Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing;

Mga Taga-Efeso 4:5
Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,

1 Tesalonica 5:8
Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.

Isuot nyo ang baluti na galing sa Panginoon
at maging matatag kayo anuman ang hamon
sa kamay ng dimonyo wag kayong magpapalamon
magsisi na ng lubos sa Panginoon hanggat may panahon
Dito sa ating mundo marami mang pagsubok ang darating
sa kamay ng PANGINOON lahat ng itoy ating kakayanin
ngaun mga galit sa puso ay ating ng tanggalin
at mga nagkasala sa ating ay ating patawarin.n...
anuman ang hirap mo ngaun kapatid ika'y magtiwala
at lalong lakasan mo ang iyong pananampalataya
ikaw ay maniwala hanggat may hininga
pagkat ang Panginoon ang magbibigay satin ng pagasa.
wag tayong makiayon sa takbo ng mundo to.
pagkat makakanlong tayo sa kamay ng dimonyo
bago na tayong nilalang pag tayo na ay na kay Kristo
kayat kalooban na ng Diyos ang ipamuhay nating sa mundo .

2 Corinto 5:7
(Sapagka't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin);

Awit 71:5
Sapagka't ikaw ay aking pagasa, Oh Panginoong Dios: ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.

Awit 62:5
Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang; sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.

1 Corinto 2:5
Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios.

may nais ba kayong idagdag??

Father ..
Maraming salamat po sa salita nyo po na pinaalala sa amin ngayon sa pamamagitan ng iyong abang lingkod .
Nawa po ay patuloy nyo pa syang gamitin at tulungan nyo po nawa kami na maisabuhay namin ang iyong salita .
At di lamang hanggang sa pakikinig o pagbabasa..

Patawad po sa nagawa namin na pagkakamali..
Inaasa po namin sayo lahat .
Sa pangalan ni Jesus amen

How to become a True ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon