Day 61 (wag nang babalik)

12 0 0
                                    

Good day po..
Let's start our devotion po..
Bago yan ay manalangin muna tayo sa panalangin na itinuro sa atin ng ating Panginoon..

Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏

Ang verse natin ngayon ay

Ecclesiastico 21:6-11
[6]Landas ng makasalanan ang tinutunton ng ayaw tumanggap ng pangaral, ngunit ang may paggalang sa Panginoon ay nagsisisi nang buong puso.
[7]Bantog sa lahat ng dako ang taong magaling magsalita, ngunit halata agad siya ng marunong kapag nagkamali.
[8]Ang nagpapatayo ng bahay sa pamamagitan ng salaping inutang, ay parang nag-iipon ng bato para sa sariling libingan.
[9]Ang kalipunan ng masamang tao ay parang bunton ng kusot, hindi magtatagal at ito'y magliliyab.
[10]Parang nilatagan ng bato ang daan ng makasalanan, ngunit ang tinutungo nito'y ang daigdig ng mga patay.
[11]Ang sumusunod sa Kautusan ay nagsisikap na supilin ang kanyang mga hilig; at ang karunungan ang siyang kabuuan ng paggalang sa Panginoon.

Mga kapatid kapag ang tulad mo ay nagsisisi dapat di ka na bumabalik pa sa mga gawain mong di nararapat dati. kung alam natin na masama ang bagay na ganun wag na natin babalikan pa at buong puso tayong nagsisisi.

Kung nagsisisi ka pero babalik ka naman sa mga gawa mong nakaraan mas malala pa ang iyong kahihinatnan. kaya mga magkapatid panghawakan nyo ang inyong sinabi sa PANGINOON. lalo't alam n'yo na ang katotohanan sa buhay na ito.

Magpakatatag kayo sa kalooban ng Panginoon. ipakita nyo na karapat dapat kayo sa langit na kanyang mga anak. sa langit walang sinungaling at walang mamamatay tao at walang huwad na Kristiyano at mga gumagawa ng mga aral na taliwas sa mga salita ng Panginoon.

Maging matibay at panghawakan n'yo ang katotohanan hanggang hininga n'yo ay mapatid.

1 Timoteo 1:19
19 Panghawakan mo ang pananampala­taya at isang mabuting budhi dahil may mga taong tinanggihan ang mga ito. Ang naging bunga, ang kanilang pananampalataya ay naging tulad ng isang barko na nawasak.

Tulad ng pananampalataya ng isang tao sa isang bagay madaling bumigay. madaling matukso sa patibong ni satanas . tulad nila'y mga nakinig ngunit tumagos lang agad sa tenga nung nadala sa bagay na makamundo at di na makabalik pa pagkat ang dahilan ay saka nalang siya magbabago. pano kung bukas mawala ka na sa mundong ito?

Santiago 4:14
Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala.

kaya't hanggat may buhay tayo at nakita na natin ang tunay na tanglaw wag na tayong lalayo pa.
Panatilihin natin sa atin ang presensiya ng Panginoon sa buhay na ito.
para hindi mawala ang presensiya ng PANGINOON sa buhay mo. lagi mong pagbulayan ang salita ng Panginoon at laging makinig ng mga salitang mga maka Diyos.

marami dito sa fb na mga bible verse na video oh mga post. follow nyo un para lagi kayong paalalahanan ng mga salita ng Panginoon.
alam naman natin na ang pagbasa ng bible ay paulit ulit. pag natapos mo ang bagong tipan balik ka uli sa mateo. kung gusto mo naman un lumang tipan.

makinig lagi kayo ng mga salita ng Diyos. pero hindi lang kayo makikinig lang. gawin nyo ang salita ng Panginoon. isabuhay nyo ito. dahil kung hindi kawawa kayo ..

Mateo 7:24-27
24 "Kaya ang sinumang nakikinig at sumusunod sa aking mga sinasabi ay katulad ng isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato. 25 Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa matibay na pundasyon. 26 Ngunit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita pero hindi naman ito sinusunod ay parang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin. 27 Nang umulan nang malakas at bumaha, at humampas ang malakas na hangin sa bahay, nagiba ito at lubusang nawasak."

tulad natin ang nagtayo ng bahay na matatag kahit malaking alon ang humampas di tayo mapapabagsak kung nakikinig tayo at isinasabuhay ito.

pero kung hindi natin ito sinasabuhay kawawa tayo. tulad natin ang nagtayo ng bahay na madaling mawasak sa agos na darating.

Kaya't ngaun kapag narinig natin ang katotohanan na di natin pa nalalaman at masama ito sa buhay wag na natin itong isama sa buhay natin. Maging masaya tayo sa tangan ng Panginoon. at damahin natin ang presensya nya.

wag din kayo magpapagalingan sa mga pangangaral ng mga salita ng Diyos.
wag n'yong gawin pag ataki ang salita ng Panginoon para tirahin ang mga relihiyon. ibahagi n'yo nalang ang salita ng Panginoon.

Tito 3:9
Ngunit iwasan mo ang mga walang kwentang pagtatalo-talo, ang pagsusuri kung sinu-sino ang mga ninuno, at ang mga diskusyon at debate tungkol sa Kautusan, dahil wala itong naidudulot na mabuti.

kaya mga kapatid iwasan nyo yan. nabasa naman natin na nakasulat sa bibliya na wag tayong makikipag talo dahil iinit lang ulo natin . lalo't hangal un makikipag talo sayo.
mahilig sa ganyan un mga relihiyon ang tagapagligtas hindi ang Panginoon Hesus.
tayo ang Panginoon Hesus Kristo ang ating tagapagligtas . pagkat mas naniwala tayo sa salita n'ya hindi sa salita lang ng tao.

maraming nalilinlang pagkat hindi naman sila nagbabasa ng bibliya . kaya napakahalaga ng bible sa tao. ngaun pinagpala kayo dahil nagbabasa kayo ng BIBLE. pero mas pinagpala ang sumusunod nito.
Tandaan nyo lagi mga kapatid ang sinabi ng ating Panginoong Jesus..sa

Lucas 11:28
[28]Ngunit sumagot siya, "Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!"

May nais ba kayo idagdag???
Comment lang po

Father ..
Maraming salamat po sa salita nyo po na pinaalala sa amin ngayon sa pamamagitan ng iyong abang lingkod .
Nawa po ay patuloy nyo pa syang gamitin at tulungan nyo po nawa kami na maisabuhay namin ang iyong salita .
At di lamang hanggang sa pakikinig o pagbabasa..

Patawad po sa nagawa namin na pagkakamali..
Inaasa po namin sayo lahat .
Sa pangalan ni Jesus amen

How to become a True ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon