Good day po, welcome sa Day 23
Let's start our devotion po ..
ang topic po natin ngayon ay karugtong ng ating topic kahapon..
at ngayon ay pag uusapan natin kung paano natin malalaman ang ating hangganan o boundary
Bago yan ay manalangin muna tayo sa pamamagitan ng panalangin na itinuro sa atin ng ating Panginoon....Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏
Our verse for tonight is
1 Corinthians 6:18Flee from sexual immorality. All other sins a man commits are outside his body, but he who sins sexually sins against his own body.
Saan mo itatakda ang iyong hangganan?
bilang isang kristiyano at kung ikaw ay wala pang asawa..
natanong mo na ba ito sa sarili mo?
Saan mo itatakda ang iyong hangganan?
ang pag iwas sa ganitong bagay ay nag uumpisa sa'yo..
handa kaba? handa kabang umiwas at maglagay ng boundaries hanggang dumating na ang tamang panahon?
tandaan na pagsuko mo sa Diyos sa aspetong ito ay para rin sa ikakabuti mo dahil mapagtitibay nito ang relasyon mo kasama ang asawa mo sa hinaharap!!!
at makakapagbigay ito ng kapurihan sa Diyos!!!
tandaan na ang pag iwas sa ganyang bagay ay isang pagpapasya na dapat mong seryosohin,
dapat mong maunawaan kung bakit mahalaga ito at subukin mo ang iyong sarili, katulad ng sabi ni Pablo sa 2 Mga Taga-Corinto 13: 5,"Subukin ninyo ang inyong mga sarili, kung kayo ay namumuhay ayon pananampalataya."
yes, mahalaga na dapat lagi natin subukin ang ating sarili kung tayo ba ay namumuhay pa sa pananampalataya o nagpadala na sa bugso ng damdamin..
kaya nga kailangan natin ngayon na mag desisyon kung handa ba tayo na gawin ang bagay na ito sa Diyos, dahil kung handa ka ay dapat panghawakan mo ang desisyon na pinili mo!!!
kailangan mong panghawakan ang iyong desisyon para kung sakali na dumating ang tukso ay nakatatak na sa isip mo ang umiwas!!!!
bukod doon, kung ikaw ay isang babae ay mag iingat ka sa uri ng damit na sinusuot mo dahil baka ito ang maging dahilan para magkasala sila at makakasira rin ito sa desisyon mo na umiwas sa ganoong bagay!!!Ang pagtatakda ng mga hangganan ay isang desisyon na kailangan mong gawin sa iyong sarili at paglaon ay maari ninyong pag-usapan ng iyong kapareha. Kapwa dapat ninyong malaman kung ano ang mga hangganan
bilang mga kristiyano ay dapat natin ito pag aralan.
Dahil kahit sino ay maaring makaranas ng ibat ibang uri ng tukso!!!!!
tandaan. sinabi sa...
1 Mga Taga-Corinto 6:18
[18]Huwag kayong makikiapid. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay hindi nakaka-apekto sa kanyang katawan, ngunit ang nakikiapid ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan.Galatians 5:19
The acts of the sinful nature are obvious: sexual immorality, impurity and debauchery;Malinaw naman mula sa atin ang mahigpit na pinagbabawal ito ng ating Diyos!!!!
dahil ang masangkot sa kahalayan kasi ay may malaking kaparusahan!
Kaya mag ingat tayo at wag magpadala sa bugso ng damdaminMarkus 10:6-9
Nguni't buhat nang pasimula ng paglalang, Lalake at babaing ginawa niya sila , pinag isa sila ng Diyos ..at ang pinag isa ng Diyos walang sinuman ang dapat magpahiwalay!!!!Malinaw na ginawa ng Diyos ang lalaki at babae ..
upang magsama at lahat ng pinagsamaha ng Diyos ay walang dapat magpahiwalay .
Kaya ang kasal ay hindi laro dahil ito ay sagrado!
Lalo na ang pakikipagtalik ito ay sagrado na dapat nasa ilalim ng basbas ng Diyos ..
Wag natin gawin na laro ang sinagrado ng Diyos dahil makakamit natin ang kanyang galit kapag hindi natin ito nirespeto
![](https://img.wattpad.com/cover/280846039-288-k149790.jpg)
BINABASA MO ANG
How to become a True Christian
SpiritualBago ka lang ba sa Christianity? at gusto mo mag grow sa iyong kaalaman patungkol sa ating Panginoon? o hindi kaya ikaw ay isang aspiring Christian leader na gustong mag turo at mag salita para sa Diyos? kung ganun... ay bagay sa'yo ang librong ito...