Day 24 (Important reasons to wait)

14 0 0
                                    

Good day po
welcome po sa Day 21....
Let's start our devotion po..
ang topic natin ngayon ay pinamagatang ".Important reasons to wait."
Bago yan ay manalangin muna tayo sa pamamagitan ng panalangin na itinuro sa atin ng ating Panginoon..

Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏

Ang verse natin ngayon ay

1 MGA TAGA-CORINTO 7
Mga Katanungan Tungkol sa Pag-aasawa
1Tungkol naman sa nilalaman ng inyong sulat, sinasabi ko sa inyo na mabuti sa isang lalaki ang huwag mag-asawa. 2Ngunit para maiwasan ang pakikiapid, bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa. 3Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. 4Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. 5Huwag ninyong ipagkakait ang inyong sarili sa isa't isa, malibang pagkasunduan ninyong huwag munang magsiping upang maiukol ninyo ang panahon sa pananalangin. Ngunit pagkatapos, magsiping na muli kayo upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil.
6Ang sinabi ko'y hindi utos kundi pag-unawa sa inyong kalagayan. 7Nais ko sanang ang bawat isa ay makatulad ko. Ngunit may kanya-kanyang kaloob mula sa Diyos at ang mga ito'y hindi pare-pareho.
8Ito naman ang masasabi ko sa mga walang asawa at sa mga biyuda: mabuti pa sa kanila ang manatiling walang asawa tulad ko. 9Ngunit kung hindi sila makapagpigil sa sarili, mag-asawa na sila; mas mabuti ang mag-asawa kaysa di-makapagpigil sa matinding pagnanasa.

Ang devotion natin ngayon ay parte ng ating daily devotional entitled how to save sex for marriage.
Nasa panghuli na tayong araw sa topic na ito..
(Words not mine)

MGA ILANG MABUBUTING DAHILAN PARA SABIHIN NA "HINTAY"

Ikaw ba ay nagdadalawang isip sa kabutihan na dulot ng paglalaan ng pagtatalik para sa kasal?
well hindi ka dapat magdalawang isip dahil ito ay may magandang dulot para sa'yo at sasabihin ko sa'yo ngayon ang mga importanteng rason para maghintay..
unang rason, nakakatulong ang paghihintay para mapagtibay ang inyong relasyon ng iyong magiging asawa sa hinaharap..
alam mo ba na ayon sa pag aaral ay ang mga asawa raw na hindi nakapaghintay ay hindi ganoon kasaya sa asawa nila ngayon?
dahil iyan sa hindi sila marunong magpigil ng sarili, kaya naman naghahanap pa sila ng higit pa sa kadahilanang hindi sila marunong makuntento, yan ang dahilan kung bakit may mga kabit!!! iyon ay dahil sa simula palang ay wala na silang pagpipigil sa sarili at ang akala nila na ang pag aasawa ay ang makakapuno sa kanilang uhaw, pero ito ay hindi!!! hindi kayang punan ng pag aasawa ang iyong uhaw, hindi mabibigay ng iyong asawa ang totoong kaligayahan na hinahanap mo!!
dahil ang totoo ay wala nang iba na makakapuno nito sa'yo kundi ang Diyos lamang!!!..
kaya naman kapag s'ya ang inuna mo at mas pinili mong maghintay ay mas sasaya ang inyong pagsasama, dahil hindi mo na kailangan na maghanap ng iba dahil ang Diyos palang ay sapat na..
tandaan..
only christ can satisfy you!!!
not your wife!!!
(tingnan sa 1 Mga Taga-Corinto 7:1-2; 1 Mga Taga-Tesalonica 4:3-7; Hebreo 13:4; Mateo 15:18-20; Efeso 5: 3; at 1 Mga Taga-Corinto 6: 9).

Pangalawang rason.
Dahil ang paghihintay ay isang utos upang protektahan ka!!!
Nais ng Diyos na protektahan ka mula sa sakit, sa pagkadismaya, sa pagsisisi dahil sa pagpatol sa maling tao!!!
maraming kabataan ang nasisira ang buhay dahil sa kawalan ng pagpipigil sa sarili!!
maraming sanggol na pinapatay dahil sa kawalan ng disiplina..
at maraming kabataan ang nagpapakamatay dahil hindi marunong maghintay!!!
ayaw ng Diyos iyon!!! kaya naman binalaan n'ya tayo na lumayo roon, kung gusto mo ng isang masayang pamilya ay matuto kang maghintay dahil para ito sa iyong proteksyon, ayaw ng Diyos na makamit mo ang sumpang karamdaman na tulad ng HIV, HPV STD at iba pa..
mahal ka ng Diyos kaya sumunod ka sa utos n'ya dahil ito ay para sa ikakabuti mo!!!
tandaan..
...Ang Diyos ay tapat, at hindi ka niya hahayaang subukin ng higit pa sa iyong makakaya, ngunit sa tukso ay magbibigay din siya ng daan palabas, upang magawa mong matiis ito.
1 corinto 10:13

at ang sabi sa
1 Mga Taga-Tesalonica 4:3-7
[3]Kalooban ng Diyos na kayo'y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan.
[4]Dapat maging banal at marangal ang pakikitungo ng bawat isa sa kanyang asawa,
[5]at hindi pagsunod lamang sa nasa ng laman tulad ng inaasal ng mga Hentil na hindi nakakakila sa Diyos.
[6]Sa bagay na ito, huwag ninyong pagsamantalahan ang inyong kapwa at huwag siyang dadayain sa anumang paraan, sapagkat mahigpit na paparusahan ng Panginoon ang gumagawa ng ganitong kasamaan, tulad ng sinabi namin at pinatotohanan sa inyo noon pa man.
[7]Tayo'y tinawag ng Diyos upang mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan.

kaya mga kapatid umiwas kayo sa mga kahalayan, at dapat kayong maging banal at maging tapat sa iyong asawa kung mayroon na kaya dapat kayong magpakasal bago kayo magsiping, upang maging matatag ang pagmamahalan n'yo at nakalulugod sa Diyos ang inyong pagiisang dibdib .

ang sabi sa
Mga Kawikaan 5:15-19
Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal, at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang.

Yes malinaw na dapat tayo ay magiging tapat at magiging tapat lamang tayo kapag marunong tayong maghintay at mag pigil sa sarili
Mga Taga-Efeso 5:3
[3]Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o pag-iimbot.

ang sabi sa
1 Corinto 6:9-10
9 Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, 10 nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.

Kaya mga kapatid.
Sikapin natin na makasunod sa Diyos

Mga kapatid kayo'y hinirang ng Diyos kaya dapat ninyong pangalagaan ang inyong katawan.
ang katawan n'yo ang templo ng Diyos kaya wag n'yo itong dudungisan pa. maging matatag kayo sa PANGINOON sa kanyang kalooban at wag papatalo sa mga patibong ni satanas, kapag kayo'y natutukso dumalangin kayo sa PANGINOON at tutulungan n'ya kayo ng espirituwal ng katotohanan.

Panginoon,
maraming salamat po sa aming devotion ngayon na itinuro mo sa amin, patawarin mo po kami sa nagawa namin na pagkakamali, naniniwala kami na ito ay magbibigay sa amin ng kaalaman at katotohanan sa buhay.
Panginoon lagi n'yo po kaming gabayan at ilayo sa tukso pati sa masama, imulat N'yo po kami sa katotohanan at kalooban N'yo po ang laging masunod sa aming paglakbay sa buhay. ito po ang aming hinihiling sa pangalan ni Jesus Amen 🙏
....

How to become a True ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon