Day 58 (continue asking)

19 0 0
                                    

Good evening po.. ;let's start our devotion po....
bago yan pray muna tayo
Pray

Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa. Sa pangalan ni Jesus Amen 🙏

Ang verse po natin ngayon ay

Mga Awit 28:6-9
[6]Si Yahweh ay dapat purihin! Dininig niya ang aking mga daing.
[7]Si Yahweh ang lakas ko at kalasag, tiwala ko'y sa kanya nakalagak. Tinutulungan niya ako at pinasasaya, sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.
[8]Iniingatan ni Yahweh ang kanyang sambayanan; siya ang kanlungan ng kanyang haring hinirang.
[9]Iligtas mo, Yahweh, ang iyong bayan, ang mga sa iyo, ay iyong basbasan. Alagaan mo sila magpakailanman, tulad ng pastol sa kanyang kawan.

Ang ating topic ngayon mga kapatid ay ..
Continue asking ..

katulad ni king david mga kapatid,
sya ay lubos na nagpapasalamat at nag pupuri sa Diyos dahil naniniwala sya na ang DIyos ang kanyang lakas at kalasag at ang Diyos ang magpapanalo sa kanya!!!
katulad iyan ng ating buhay rito sa mundo marami man tayong kinaharap na laban pero hindi dapat tayo panghinaan dahil ang Diyos ang magpapanalo sa atin... mga kapatid.....
let me share to you a parable our Lord.

Lucas 11:5-13
[5]Sinabi pa rin niya sa kanila, "Ipalagay nating isang hatinggabi, isa sa inyo'y nagpunta sa isa ninyong kaibigan at nakiusap, 'Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay.
[6]Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!'
[7]At ganito naman ang sagot ng kaibigan mong nasa loob ng bahay, 'Huwag mo na akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makakabangon para bigyan ka ng iyong kailangan.'
[8]Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagiging magkaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito.
[9]Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan.
[10]Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan.
[11]Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda?
[12]Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog?
[13]Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!"

nabasa natin kapatid ang story kung saan patungkol sa paghihingi..
dahil sa pagpupumilit ng kaibigan ay ibinigay nito ang hiling ng kaibigan n'ya..
ganyan din sa ating buhay kapatid.
alam ko na sa ating buhay ay mayroon tayong mga hiningi sa Diyos na maaring hindi pa binibigay ng Diyos..
what if ang sagot ng Diyos sayo ay hintay.
gaano ka kaya kapurisigido rito????

minsan kaya hindi tayo nabibigyan ay dahil hindi tayo humihingi..
pero malinaw kapatid..
humingi ka at ikay bibigyan.. dahil mga kapatid,,, hindi maramot ang Diyos.
kung ang isang ama nga na masama ay handang magbigay ng mabuting bagay sa anak, ano pa kaya ang Diyos na handang ibigay sayo ang banal na espiritu..
at alam mo ba kung na sayo ang banal na espiritu ay matatanggap mo ang kanyang regalo..
isa sa mga regalo ng banal na espiritu ay ang kakayahan na magpagaling..
at maari kang gumaling sa anumang sakit o kapansanan na meron ka..
kaya hingiin mo ito lagi kapatid ang banal na espiritu at gagaling ka.
handang ibigay ng Diyos sa'yo ang nais ng iyong puso basta tama ang iyong motibo....

ang tanong kapatid

Gaano ba tayo ka pusigido na matanggap ang ating hinihingi sa Diyos???

Panginoon,
maraming salamat po sa aming devotion ngayon na itinuro mo sa amin, patawarin mo po kami sa nagawa namin na pagkakamali, naniniwala kami na ito ay magbibigay sa amin ng kaalaman at katotohanan sa buhay.
Panginoon lagi n'yo po kaming gabayan at ilayo sa tukso pati sa masama, imulat N'yo po kami sa katotohanan at kalooban N'yo po ang laging masunod sa aming paglakbay sa buhay. ito po ang aming hinihiling sa pangalan ni Jesus Amen 🙏
....

How to become a True ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon