CHAPTER 14

382 21 12
                                    

I still can't forget what happened yesterday. Halos iyon nalang ang isipin ko kahit na ngayong nasa studio na ako. At halos wala rin ako sa sarili kakaisip doon.

Hindi ko pa nakakausap si Justin. He locked himself again at his room, ganoon ang ginagawa niya noon pa. And that cause me to overthink because what if nakaalala na pala siya? Tapos hindi ko alam kung kailan tapos baka bigla nalang din niya akong komprontahin. And what's worst is that he will leave me. I will be left behind because of my wrong doings...

Should I tell him already? Because maybe in that way, kapag kusa ko nalang na sinabi sakaniya, baka walang mangyari na hindi maganda sa amin. Baka kahit papaano rin ay mabawasan ng kahit kaunti man lang ang galit niya sa akin.

I'm just sitting in the corner of our studio, silently thinking. Alam ko na dapat kumikilos na ako ngayon at ginagawa ang trabaho ko pero hindi ko kaya, I'm too occupied by my thoughts. Too occupied dahil hindi ko namalayan na may kumakausap na pala sakin ngayon.

Nabalik ako sa katinuan nang yugyugin ng kung sino ang balikat ko. Napakurap pa ako tsaka dahan-dahang tumingala para lang makita si Jameson na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.

"What?" I said, almost a whisper. Pati pagsasalita nakakawalang gana na.

"You're too occupied, is there something bothering you?" Jameson asked me.

I stared at him for a moment before looking down. Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya.

"Lunch na pala, kumain na tayo. Nagpadeliver si Ms. Abby ng pagkain."

Napatingin ako sa paligid at hinanap ng mga mata ko si Ms. Abby at nakita ko rin yung mga pagkain na sinasabi ni Jameson.

I looked at Jameson again before nodding my head.

"Sige lang, mauna ka nang kumain. Hindi pa naman ako gutom eh." mahinang sabi ko.

Wala lang talaga akong gana ngayon na kumain. Kapag ganitong may bumabagabag sa akin ay para bang nawawalan din ako ng gana sa lahat.

I just heared Jameson sighed, napailing din siya. Walang pasabi siyang umalis na sa harap ko at pumunta na kay Ms. Abby.

I just looked down again and think.

Nasa tabi ko lang ang cellphone ko at nagbabakasakali na tutunog iyon at makakatanggap ako ng kahit isang tawag mula kay Justin, o kaya kahit isang text lang. Gusto ko lang masiguro na hindi siya galit sakin at wala pa siyang naaalala bago ko ulit siya pormal na kausapin.

Napaangat lang ulit ako ng tingin nang biglang may umusog nung maliit na lamesa sa harapan ko mismo. Sabay na may naglapag din doon ng pagkain at may tumabi sa akin.

Una akong napatingin sa naglapag ng pagkain, si Jameson. Sunod ay tinignan ko yung taong tumabi sakin, si Ms. Abby.

"Kumain na tayo. If there's something that's bothering you, you can talk to us." Ms. Abby said.

Natahimik nalang ako at hindi na nakapagsalita.

I know na pansin nila na may pinoproblema nga ako, sa hitsura ko ba namang 'to ngayon. But I can't tell them yet what is it. Alam ko na kapag nasabi ko 'yon sakanila, alam kong magugulat sila.

I just ate the food that they gave me. Nakakahiya naman kay Ms. Abby kung hindi ako kakain ng pinadeliver niya.

"Jameson sasama ka ba sa akin? Pupunta ako ng bar, nandon yung kasiyahan mo."

Tahimik lang akong nakatingin kay Ms. Abby at kay Jameson.

It's already six thirty in the evening, kakatapos lang ng kinalangan naming gawin. Nagawa ko pa naman yung trabaho ko kanina dahil pinilit ko, hindi pwedeng tumunganga lang ako.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon