CHAPTER 8

444 27 29
                                    

Two years later...

Kakagaling ko lang ngayon sa photo shoot, assistant ako ni Ms. Abby, ng photographer namin. But she sometimes let me do her work. Nag-eenjoy naman ako sa trabaho kong 'yon, mababait at okay naman silang mga kasama ko sa studio.

I'm on my way home, alas sais na ng gabi kaya bumili na rin ako ng pagkain namin para hindi na ako magluluto mamaya, pagod na ako.

"Freya!"

Napalingon ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko. I sighed when it's him again, hindi pa talaga siya tumitigil.

"Ihatid na kita. Saan ba bahay mo?"

Umiling nalang ako sakaniya. "Wag na Jameson. Malapit naman na ako eh, just drive your way home." malumanay kong sambit.

Saglit na tumitig sakin si Jameson tsaka bahagyang umiling habang may maliit na ngiti sa labi.

"Hindi ko pa nga pala nasasabi sayo..." sabi niya kaya nagtaka ako. Anong hindi niya pa nasasabi sa akin. He cleared his throat before speaking again. "Manliligaw ako, sayo. So as your suitor, maybe I should drive you home?" he said nicely.

I sighed in disbelief. Umiling-iling ulit ako.

"You can't court me." I said.

"Bakit naman?" tanong niya. "Ready naman akong maghintay sayo Freya. Payagan mo lang akong ligawan ka." sabi pa niya.

I appreciate his kindness. Pero ayokong ligawan niya ako eh.

"You can't court me because I already have a boyfriend." I said firmly.

Jameson stopped and the smile on his lips slowly fade away. Napalitan ang ekspresyon niya ng gulat, pagtataka, at panghihinayang.

I looked down a bit.

Natahimik kaming pareho. When I remembered that I have to go home ay nagsalita na ako.

"Sorry. Kailangan ko nang umuwi." sabi ko sakaniya tsaka tumalikod na at agad na naglakad.

Malapit nalang dito yung bahay. Nasanay na akong naglalakad nalang minsan pag-uwi sa dalawang taon na paninirahan ko rito sa lugar na 'to.

Akala ko ay tahimik na akong maglalakad pero nakasunod pa rin pala si Jameson sa akin, naka-kotse siya.

"Then atleast now, allow me to drive you home. Madilim na sa daan, delikado."

Napatigil ako at napaisip.

I'm hesitant to agree, nahihiya ako.

"Okay lang, wag ka nang mahiya. Sakay na."

I look at Jameson and he's just smiling at me.

Wala na akong nagawa at dahan-dahan nalang akong sumakay sa kotse niya, sa shotgun seat ako umupo. Sinabi ko sakaniya ang daan papunta sa bahay.

We just stayed silent inside his car. Sa dalawang taon ko ring nakilala siya dahil magkasama kami sa trabaho, ngayon lang ako na-awkward sakaniya. Parang nakakapanibago.

"Thank you sa paghatid." sabi ko kay Jameson nang makarating na kami sa tapat ng bahay.

Bumaba rin siya ang tinignan ang kabuoan ng harap ng bahay. Then he noticed a car inside the garage saka siya napatingin sakin.

"Kotse mo? Ba't di mo ginagamit?" tanong niya sakin.

"It's not mine." I said. "Sa boyfriend ko yan..." mahina kong saad pero sapat lang para marinig niya.

Napatango nalang siya tsaka tumingin ulit sa unahan.

We stayed silent again for a few seconds. Hihintayin ko lang siyang umalis bago ako pumasok sa loob. Ang bastos naman kung iiwan ko nalang siya basta-basta rito sa labas.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon