CHAPTER 32

582 23 0
                                    

"You made us worried. Freya naman ba't hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka?"

Napayuko nalang ako dahil sa tanong ni Jameson.

Bakit nga ba? I went out nang mag-isa lang ako knowing I would be much safer if I have someone with me.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin.

"I'm sorry..." iyon nalang ang nasabi ko sakanila.

They both let out a sigh.

Pinapasok ko nalang sila sa loob. Nakaupo lang kaming tatlo sa couch at walang nagsasalita sa amin. But I can feel Jameson's stares at me kahit na nakayuko lang ako at hindi nakatingin sakanila.

"Don't do it again next time, hmm? Pinag-aalala mo kami eh." tumango nalang ako sa sinabi ni Ms. Abby.

"Just make sure you won't do it again Freya. Ikaw na rin mismo ang nagsabi diba? You're scared going out alone from that night pero ngayon bigla ka nalang umalis tapos di ka pa nagpaalam. Paano kapag may nangyari ulit sayo?"

Napatungo nalang ako dahil sa panenermon sa akin ni Jameson.

Hindi ako makapagsalita dahil tama naman siya. Hindi dapat ako umalis nalang bigla nang hindi nagpapaalam.

Parang ako pa mismo ang nagpapahamak sa sarili ko...

"Anong kapag may nangyari ulit sa kapatid ko?" napatingin kaming tatlo sa may pintuan nang may biglang dumating at nagsalita.

Agad akong napatayo at napalunok nang ilang beses habang nakatingin sakaniya, sakanila.

"Freya, what happened to you? Saan ka galing? Hinanap ka namin pero hindi ka namin mahagilap. Araw-araw akong pumupunta rito sa condo mo pero wala ka. Saan ka ba nanggaling? You made us so worried."

Napaiwas ako ng tingin kay Freyja dahil sa sunod-sunod niyang tanong.

Napaatras ako nang lumapit sila. Dahil sa takot ko na marinig na malaman nila kung anong nangyari sakin ay tumakbo ako papunta sa kwarto ko at nagkulong.

JUSTIN's POV

I secretly followed Freyja whose with her fiance Stell, and our friends Josh, Ken, and Paulo. I heared they're on their way to Freya's condo.

Freyja told us what happened. They can't find Freya since last week. Since the night when I saw her left their house. Pinaalis pala siya non ni Tito Carlo, yung Daddy nila noong umamin si Freya na may kasalanan siya, na may nagawa siya sa akin. Tito Carlo got mad at kahit hindi pa nakakapag-isip nang maayos ay bigla niyang pinaalis si Freya.

Today actually is Freya and Freyja's birthday pero walang naganap na celebration man lang. They're focused on finding Freya dahil araw-araw daw na pumupunta si Freyja sa condo ng kakambal niya pero wala ito doon.

As a friend, nag-aalala rin ako kay Freyja dahil buntis siya and she's stressing herself. Stell sometimes told us that there are times when Freyja is being stubborn at kahit pagod na ay nagpapatuloy pa rin na hanapin si Freya dahil hindi raw nila ito ma-contact. At hindi rin naman bato ang puso ko para kahit papaano ay hindi ako mag-alala para kay Freya. She was my friend, she was my bestfriend.

If only I knew na pinaalis non si Freya sa bahay nila nung gabing 'yon ay sana sinundan ko siya para walang nangyayaring ganito.

"Freya, what happened to you? Saan ka galing? Hinanap ka namin pero hindi ka namin mahagilap. Araw-araw akong pumupunta rito sa condo mo pero wala ka. Saan ka ba nanggaling? You made us so worried." rinig kong sunod-sunod na tanong ni Freyja kay Freya sa loob.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon