CHAPTER 4

469 21 4
                                    

The day after tomorrow will be our graduation pero hindi pa rin kami okay ni Justin. We don't have proper conversation since that happened. I tried to reach out to him to apologize pero hindi niya ako pinansin. He didn't even give me a glance.

Hindi na siya sumasabay sa amin na mga kaibigan niya. Because he is with Jane. Ngayon lantad na lantad na talaga sa harap ko na sila na nga, at ang sakit non sa parte ko. I often see them together, holding each others hands. At minsan nasasabi ko nalang sa sarili ko na sana ako 'yun, sana ako si Jane.

Pero okay lang naman na masaktan ako diba? My feelings are valid, I think. In the first place alam naman ni Justin na may nararamdaman ako para sakaniya, matagal na. At hinayaan lang niya ako. At minsan naman yung inaakto niya sa akin, dati, ay nagbibigay ng pag-asa sakin na baka pwede kami. It's just me who don't have the courage to do the move. Hindi ko lang alam sakaniya...

Josh and Pau didn't tell me every detail of what they had talked about last time kaya gustong-gusto ko talagang makausap si Justin.

"Umayos ka mamaya sa bahay ah. Act normal. Dad might notice you." Freyja suddenly said while we're on our way home. Tumango nalang ako bilang sagot. "Naiinis na rin ako kay Justin ha. Ba't pati kami hindi na pinapansin." maya-maya'y sabi niya pa.

I lowered my head, bigla akong nahiya. Nang dahil sa akin, pati yung mga kaibigan namin hindi pinapansin ni Justin.

"I'm sorry." I said in a low voice.

"Don't be sorry. Hindi naman ikaw ang may kasalanan. At naiinis din ako sa girlfriend niya ha. Parang linta, ang tindi ng kapit kay Jah."

Hindi nalang din ako ulit nagsalita.

Linta nga, tama naman si Freyja. Kaya nga hindi ko na rin alam kung anong mararamdaman ko kay Jane. Kung maiinggit at magseselos ako o maiinis dahil sa tindi ng kapit niya kay Justin. She acts like a bitch. Hindi ba siya nahihiya o walang hiya lang talaga siya?

"Welcome back Dad. We missed you." halos magkasabay lang naming sambit ni Freyja kaya mahina kaming natawa. Tama, act normal Freya...

Dad automatically smile when he saw us both. I kissed Dad on his cheeks, ganon din si Freyja.

"How's my twin?" Dad asked us.

Nagkatinginan pa kami saglit ni Freyja bago sumagot.

"We are fine Dad." sabay din naming sagot.

Dad finally came back here, he's home now. He went on a business trip a month ago. Kaya mabuti nalang sa graduation namin sa susunod na araw ay nandito na siya dahil kung hindi, magtatampo talaga kami sakaniya ni Freyja. Isusumbong pa namin kay Mommy. But our Mom, sadly, she passed away because of an illness when Freyja and I was just five years old.

Lumaki kami ng si Daddy nalang ang kasama. Alagang-alaga kaya kami ni Daddy. Hindi niya kami pinapabayaan kahit na minsan nabubusy siya sa business.

Dad cooked dinner for us kaya sabay-sabay na kaming tatlo na kumain. We just catch up with each other nang biglang magtanong si Dad.

"What's your plan after graduation? Maghahanap na ba kaagad kayo ng trabaho o magpapahinga muna?"

"Depende po Dad." Freyja answered first.

Dad just nods his head tsaka tumingin sa akin. I smiled a little before answering.

"Rest po muna Dad. I want to take a break." I answered.

Dad just nods again his head. "Okay. It's up to the both of you. Just always remember that I'm here to support you two."

Parehas kaming napangiti ni Freyja.

Ang swerte namin kay Daddy. He always supports us on what we want to do. Hindi niya kami pinepressure. I know Mom is happy wherever she is right now. Dahil nandito pa si Dad sa amin na laging nakasuporta at gumagabay sa amin.

"Sabihan niyo nga pala yung friends niyo. Let's all have dinner pagkatapos ng graduation niyo."

Mas lumapad ang ngiti namin ni Freyja nang sabihin ni Dad iyon.

Okay, I'll take that opportunity to talk to Justin. Alam kong sasama siya, hindi pwedeng kulang kami.

The day of the our graduation came, with honors pala kaming magkakaibigan na gagraduate. Masaya ako para sa amin.

I've decided to use the comfort room first kaya nagpasama ako kay Freyja. Since hindi naman siya naiihi ay naghintay nalang siya sa labas. Pakatapos ko ay lalabas na sana ako ng cubicle kung wala lang akong naririnig na nag-uusap sa labas. At yung boses ng isang babae ay pamilyar sa akin.

"Nako, pano yan girl, graduation na natin. It means hindi mo na araw-araw na makakasama si Justin, kanino ka naman susunod na sasama? Sayang pa naman si Justin kung pakatapos nito ighoghost mo nalang siya. Kaya non ibigay lahat ng gusto mo." rinig kong saad ng isang babae.

I think they aren't aware na may ibang taong nandito sa comfort room at hindi lang sila kaya sila nakakapag-usap ng ganon. And they are really talking about Justin. My hands turned into fist because of what I heard. I think I already know who owns the familiar voice.

I continued to listen and stayed inside the cubicle. Gusto kong marinig kung ano pang sasabihin nila.

"Girl ano bang pake ko kay Justin eh ang corny naman non kasama." ramdam ko ang iritasyon sa boses ni Jane habang sinasabi 'yon. Yes, it's Jane. "Kaya ko nga lang naman pinatulan 'yon kasi alam kong mayaman. At sigurado naman ako na may mahahanap pa akong iba, yung mas mayaman kaysa sakaniya."

Pinigilan ko ang sarili ko na wag lumabas at sagurin si Jane. I don't want to make a scene here now.

Gold digger ang peg niya ha. She just used Justin, and Justin isn't aware of it. Sa halos isang buwan na pagsama niya kay Justin ay ginagamit niya lang pala ito. Jane isn't just a bitch but a gold digger too.

Justin have to know about this.

Pakatapos nang pag-uusap nila ay agad na rin silang umalis kaya lumabas na rin ako. Naabutan ko si Freyja sa labas na nagulat din dahil nakita na niya si Jane.

"May kailangang malaman si Justin tungkol kay Jane." sabi ko.

"Ha? Ano?"

I stopped walking and faced Freyja.

"Jane is just using him. Narinig ko kanina doon sa comfort room, yung babaeng kasama niya, nag-uusap sila tungkol doon. Jane planned to ghost Justin after this graduation." seryoso kong sambit.

Kumunot ang noo ni Freyja nang marinig ang sinabi ko. Well, who wouldn't?

"Really?"

"Yes, so let's go now."

Bago pa man ako makahakbang ulit ay pinigilan nanaman ako ni Freyja kaya napatingin ako sakaniya nang nagtataka.

"Don't tell him now immediately, atleast not now Freya. Mamaya nalang pakatapos ng graduation natin. You're being agressive again." Freyja suddenly said.

She's right. I'm being agressive again.

I guess I'll have to wait until the our graduation ceremony ends. Mamaya nalang din ata, after we celebrate. Justin needs to know about it immediately kaya hindi matatapos ang araw na 'to nang hindi ko 'yon nasasabi sakaniya.

AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon