Chapter 1

1.7K 16 2
                                    

EZEKIEL

Nakatitig ako ngayon sa mga papel na pinasa ni Cathlyn San Agustin ng mag-apply ito ng trabaho sa Montalvo Advertising agency na pagmamay-ari ko.

Galing siya sa isang pamilya na may kaya at may mga negosyo rin hindi nga lang kasing tatag at laki ng Montalvo Holdings Company. Nagtapos ito ng kolehiyo sa isang sikat na un university sa Manila. May isa itong kapatid na lalake at twenty six years old na ito sa kasalukuyan.

May taas itong 5'5, may balingkinitan itong pangangatawan. Maputi at kulay gatas ang balat nito na minsan ay naisip kong hawakan para madama ko kung gaano ito kalambot at kabango. Nalunok ko ang sarili kong laway ng maglaro sa isipan ko si Cathlyn. 

Kapansin-pansin din ang maputi, malabot at mahahaba nitong mga daliri sa kamay. Parang ang sarap nitong hawakan palagi, at halikan...I imagine myself holding her hand and keep it from other man who plans to stole it from me. Those hands are exclusively mine. Hindi ako makakapayag na may ibang lalakeng humawak ng kanyang mga kamay, not even a single second. 

Noong una ay nagtaka ako kung bakit kailangan nitong magtrabaho sa ibang kompanya gayung may mga negosyo naman ang pamilya nito.

Kaya tinanong ko siya sa mismong interview ng mag-apply siya sa agency na hawak ko.

"So Ms. Agustin, what's your main reason for applying for this job? I'm a little bit aware that your family has its own business, right?"

Pinagmasdan ko ang magandang mukha ni Cathlyn habang nakatitig siya sa akin. Hinintay ko ang sagot niya ng ilang segundo.

"Actually sir, I am applying for this job for professional experience. I just to prove myself and skills without my family's background." Napatango ako sa una niyang sagot.

"Thus your parent agrees with your decision?"

"Yes sir." matapang nitong sagot sa akin. Kung tutuusin ay perfect siya para sa position na inaaplyan niya kaya naisip kong tanggapin siya with her credentials and background.

"Okay, starting tomorrow you may report to our agency as one of the members of the visuazalition department."

Nakita ko kung gaano siya napangiti sa sinabi ko. Walang kasing ganda ang ngiting nasilayan ko sa kanya ng araw na 'yun.

"Thank you so much sir. Asahan nyo po na gagawin ko ng maayos ang trabaho ko." Habol pa niyang sabi sa akin. Nakipagkamay ako sa kanya, in that very moment I felt something strange striked me out of nowhere. Halos hindi ko na bitawan ang kamay niya ng mga sandaling iyon. I want to hold her, not just her hand but her whole body.

"Congratuations."

"Salamat po sir." At simula ng araw na iyon ay palagi nang sumasagi sa isip ko si Cathlyn. Siya ang unang hinahanap ng mga mata ko sa umaga pa lang pagkapasok ko sa agency.

She has that kind of attraction that I can't resist. Palagi niyang ginugulo ang isipan ko...at bigla kong naalala ang sinabi nila Kuya Simoun at Kuya Lucas sa akin.

Until when I will hold my freedom that no other woman will intrude in my life? Napasandal ako saglit sa swivel chair na kinauupuan ko. Now that I met this woman named Cathlyn Agustin, mukhang masisira ata ako sa mga kapatid ko pagdating sa pag-aasawa.

It's been a years since I secretly take a glimps with her beautiful face and sexy body. I always pretend to be a strict and authorative boss in front of her. Palagi ko siyang pinapagalitan sa tuwing nalalate ito o kaya ay umaabsent ng madalas.

I know that she didn't even need the money that she was getting from her work. Mayaman din ang pamilya nito at alam kong nakukuha nito ang lahat ng gustuhin nito. It's just she doesn't want to intrude in their family business, just like what she mentioned in the interview before she became part of my agency.

And now, I still need to talk to her for being a lazy employee. Umabsent naman ito ng isang araw sa trabaho without informing me.

"Sir..."

"Ms. Agustin, what do you think of your job? Isang laro na kung kailan mo gustong pumasok ay papasok ka, at kung gusto mong umabsent...a-absent ka?" bungad kong tanong sa kanya ng kausapin ko siya.

"Sir..."

"Absent ka naman kahapon, what's your reason for being absent again?"

Again, hindi nakasagot si Cathlyn at nakita kong napayuko na lang ito saglit habang pisil-pisil ang dalawa nitong mapuputing kamay.

"Sir sorry...may emergency lang po sa bahay kaya hindi ako nakapasok kahapon." Nangunot ang noo ko at tinitigan ko siya ng mariin kahit na hindi niya ako matingnan ng diretso sa mata.

"At ano namang emergency ang nangyari at hindi ka na naman nakapasok?" Hindi ako naniniwalang may emergency sa bahay nito kaya hindi ito nakapasok.

Nalaman ko na boyfriend na nito ang nakilala nitong modelo sa isang bar. I hate her seeing with someone's arm. I'll definitely give that man a powerful punch when he do anything bad about Cathlyn.

Pinipigilan ko ang sarili kong bigyan siya ng warning na itigil na niya ang pagsama-sama sa lalakeng iyon. Damn!

"Ms. Agustin...I'm still waiting for your answer," maawtoridad kong saad sa kanya.

"A-ahmmm, kasi sir..." hindi nito maituloy ang sasabihin, halatang hindi ito nagsasabi ng totoo sa harapan ko.

"What?" inip kong tanong sa kanya.

"Inuutusan po ako ng mga parents ko para umalis na sa trabaho ko." pagtatapat nito. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya na inuutusan na siyang magresign sa trabaho ng mga magulang nito. Napakunot ang noo ko. It should not be that way. Paano ko siya makikita sa araw-araw kung aalis na siya sa trabaho?

Saglit akong umayos ng upo saka siya muling tinanong."And...what's your desicion Ms.Agustin?" Doon ito biglang nag-angat ng tingin ng tawagin ko ang apelido nito.

"Ayoko pong mag resign Sir..gusto ko po ang trabaho ko dito. Is just that, ayaw nilang maniwala na masaya ako sa trabaho ko dito kaya pinilipit nila akong magresign."

"Okay, and what did they tell you?" Alam kong personal na ang itinatanong ko sa kanya pero gusto kong makasiguro na hindi niya iiwanan ang trabaho niya sa agency ko, because I can't promise that I can handle my emotion anytime that she will do that.

"Binibigyan pa po nila ako ng sapat na panahon para sundin ang gusto nila, at kailangan ko nang tulungan ang kapatid ko sa pagpapatakbo ng mga negosyo namin."

I saw sincerity in her eyes and words, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang umasa na sana ay bago dumating ang araw na sinasabi nito na aalis na ito ng tuluyan sa agency ko ay nagawa ko na ang dapat kong gawin. Napabuntonghininga ako pagkatapos.

"Okay, just inform me kapag kailan mong umabsent para hindi ako nagugulat na wala ka pala the following day." Bilin ko sa kanya, at halatang nagulat ito sa sinabi ko kaya napatingin ito ng diretso sa mata ko.

"Talaga po Sir? Payag kayo na paminsan-minsan ay aabsent ako?" Paniniguro nito sa sinabi ko. Tumango ko sa kanya. Ayoko rin naman na nahihirapan siya sa sitwasyon niya dahil sa pamilya at trabaho nito.

"But make sure that except for family reason, wala ka ng ibang dahilan kapag a-absent ka, okay?"

Napatango ito ng mabilis at saka ngumiti ng matamis sa akin."Thank you Sir. Huwag po kayong mag-alala at pagbubutihin ko pa ang trabaho ko para naman makabawi po ako sa favor na binibigay nyo sa akin."

"I will expect that Ms. Agustin." At simula ng araw na iyon ay nagsasabi na ito sa akin sa text kapag hindi ito makakapasok sa agency. Mas gusto ko na ang ganoong set up nito sa trabaho kaysa ang hindi ko siya tuluyang makita pa. I can't afford to lose her, especially in my eyes.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon