Chapter 39

279 4 0
                                    

CATHLYN

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang malamig na hangin na bumabalot sa buo kong katawan. Mas malamig pa sa hangin na inilalabas ng aircon ang nararamdaman kong lamig ngayon.

Sa kabila ng lamig na nararamdaman ko ay mas nangibabaw naman ang init na dulot ng katawan ni Sir Ezekiel na nakayakap sa akin.

Hindi ko alam kung paano kami humantong na naman sa ganitong posisyon pero hindi naman talaga imposible na mangyari iyon at iisa lang na papag ang hinihigaan naming ngayon.

Ang natatandaan ko ay may distansiya ang pagitan naming dalawa habang nakahiga. Pareho kaming tahimik na nakikiramdam sa paligid. Mas pinili kong tumagilid patalikod sa kanya dahil alam kong hindi ako dadalawin ng antok kapag nakikita at nararamdaman ko siya na malapit lang sa akin.

Pinilit kong hanapin ang antok na kanina pa dapat naramdaman ng katawan ko pero hindi nangyari. Malamang ay dahil sa alam kong ang lalakeng gusto kong makasama habang buhay ay katabi ko pero malabong mangyari ang bagay na iyon dahil sa kanya-kanya naming issues sa buhay.

Sapat na makita ko siya araw-araw at umasa na balang araw ay makalimot din ang puso ko. Pero dahil nandito na naman kami sa isang sitwasyon na kaming dalawa lang ang nagdadamayan ay malabong mangyari ang paglimot na iniisip ko.

Naramdaman ko pa ang mas mahigpit na yakap ni Sir Ezekiel sa katawan ko habang nanatili akong nakatalikod sa kanya at ito naman ay parang ahas kung makalingis sa akin.

Kung tutuusin ay nakakatulong naman ng malaki ang pagyakap niya sa akin ng mga oras na iyon para maibsan ang lamig na nanalaytay sa balat ko, kaya lang libo-libo namang kuryente ang dulot nito sa katawan ko na parang anumang oras ay papatay sa akin.

Narinig kong umungol si Sir Ezekiel at dahil sa magkasalo kami sa kumot ay siguro pati ito ay nakaramdam rin ng ginaw.

Nagpanggap akong tulog para hindi naman nito isipin na nagugustuhan ko ang bawat pagyakap na ginagawa niya sa akin.

Sunod kong naramdaman ang paggalaw niya sa tabi ko at sa tingin ko ay inayus nito ang kumot na bumabalot sa mga katawan namin.

Saglit itong hindi gumalaw sa tabi ko at hinintay ko ang susunod nitong gagawin. Pagkatapos nitong ikumot ng maayos muli sa katawan namin ang kumot ay walang ano-ano nitong ibinalik ang pagkakayakap nito sa pipis kong bewang, hinaplos ito ng pabilog ang tiyan ko.

Ang buong akala ko ay doon lang matatapos ang lahat pero ng tumaas ang isa nitong kamay na nakayakap sa bewang ko patungo sa dibdib ko ay lumakas na ang tibok ng puso ko.

Hindi ko na tuloy alam kung nararamdaman ba niya na gising ako at nararamdaman ko ang mga pinag gagawa niya sa akin ngayon?

Nagsimulang maging malikot ang kamay nito at marahan na nitong hinahaplos ang isa kong dibdib. Tumigil saglit ang mundo ko ng madama ko ang ginagawa niya.

Nagdulot ito ng kalituhan sa akin dahil ngayon lang may isang lalakeng nagtangkang gawin sa akin ang ganoong bagay. At dahil nagkataon na si Sir Ezekiel ang kauna-unahang lalakeng gumagawa nito sa akin ngayon ay parang nawalan ako ng lakas ng loob na bawalin ito.

Pinilit kong pakalmahin ang katawan ko at nanatiling nagpapanggap na tulog habang patuloy pa rin ito sa pag masahe sa dibdib ko na wala man lang paalam.

Unti-unti nagiging masarap sa pakiramdam ang ginagawa niya at ng lumaon ay hindi na ako mapakali at parang naghahangad pa ng higit dun ang katawan ko.

Gusto ko na siyang patigilin para hindi na mapunta pa sa kung saan ang mga nangyayari sa amin ngayon.

Naisip kong tawagin ang pangalan niya para naman malaman nitong gising na ako at alam ko ang mga ginagawa niya sa akin habang magkatabi kaming dalawa ngayon sa higaan.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon