Chapter 2

774 7 0
                                    

CATHLYN

Padausdos akong umupo sa personal kong upuan sa agency. Katatapos lang kasi akong kausapin ni Sir Ezekiel tungkol sa pag-absent ko sa trabaho kahapon.

Bakit nga ba kailangan kong magtiis sa trabaho sa agency nito kung saan hindi ko naman kailangan ang kinikita ko sa trabahong mayroon ako dito? My family ows businesses hindi ko lang gustong maging parte ng mga negosyo ng aming pamilya dahil hindi iyon ang hilig ko.

Mas gusto ko pa ang magtayo ng sariling negosyo na may kinalaman sa art, perhaps about creative art business. Pero ayaw naman akong payagan ng mga magulang ko na umiba ako ng landas. Hindi nila naiintindihan ang mga dahilan ko kung bakit mas gusto ko pang magtrabaho sa ibang kumpanya kaysa sa sarili naming mga negosyo. Sa Agency ay nagagawa ko ang totoo kong hilig at nagpapasaya sa akin, samantalang sa mga negosyo na gusto nilang pamahalaan ko ay para akong sinasakal sa araw-araw ng minsan kong subukan ang magtrabaho sa mga family business namin.

Buti na lang at naiintindihan ako ni Sir Ezekiel ng sabihin ko ang dahilan ng pag absent ko. Napangalumbaba ako pagkatapos ma stress naman sa buhay ng dahil sa mga bagay-bagay na nagpapahirap sa akin.

Hay, bakit ba ganito ang buhay...kapag mahirap ang pamilya problema, at kapag may pera ganoon din. Saan ba ako lalagay sa buhay ko na ito?

Pati ang pagpapakasal ko sa isang lalakeng hindi ko naman gusto ay nais na saklawin ng mga magulang ko. Kaya ayun, napilitan akong mag boyfriend kahit na wala pa sa isip ko ang tungkol dun. Baka sakaling sa pamamagitan nun ay lubayan na ako ng mga magulang ko na pilitin magpakasal sa lalakeng hindi ko naman gusto.

Nakita ko si Maxine na papalapit sa cubicle ko. Yayain ko siyang lumabas para makapag unwine kami sa bar mamaya.

 "Maxine, tuloy tayo mamaya ah." Ungot ko sa kanya. Pinaalala ko sa kanya ang lakad namin mamaya.

  "Oo na...sige mamaya na lang tayo mag-usap." Pag sang-ayon nito sa kanya at baka may makakita pa sa amin na nagdadaldalan sa oras ng trabaho. Katwiran ni Maxine.

Gusto ko siyang yayain na lumabas dahil mag bi-birthday naman ako next week. Ang ibig sabihin ay tatanda naman ako ng isang taon and I hate that truth. Parang naalala ko lang ang palaging pangaral sa akin nila Daddy sa tuwing susuwayin ko ang mga gusto nila.

"Anak, Cathlyn...saan ba kami nagkamali sayo ng pagpapalaki at ganito mo kami pinapahirapan ng Daddy mo? Buti pa si Christof na kapatid mo, lumaking masunurin at hindi matigas ang ulo. Hay anak."Kasalukuyan akong ng-apply ng make-up sa mukha habang nagsesermon si Mommy. Hindi kasi ako tumuloy sa date namin ni Joseph, ang lalakeng inirereto ng mga ito para mapangasawa niya.

"Alam ko naman po iyon Mommy matagal na. Si Christof ang magaling, ang masipag mag-aral at matalino at higit sa lahat...hindi niya kayo binibigyan ng sakit ng ulo hindi katulad ko, walang ginawa kung hindi maging pabigat sa inyo." nakangiti ko pang sagot kay Mommy.

I'm so sick ang tired when they always comparing me with my youngest sibling. Kung nagkataon nga na mamamili ang mga magulang namin sa kung sino ang sasagipin sa pagitan naming kapatid habang lumulubog ang bangkang sinasakyan namin sigurado na hindi ako ang sasagipin ng mga ito.

"Cathlyn...sana dumating ang araw na mabuksan ang isip mo na lahat ng ginagawa namin ay para rin sayo anak. Paano na lang kung mawala na kami ng Daddy mo? Tapos wala ka pa ring gustong gawin sa buhay mo, sige nga? Hindi ka naman iintindihin ng kapatid mo at ikaw dapat ang mas umiintindi sa kanya bilang nakakabata mong kapatid hindi siya ang iintindindi sayo." Palagi na lang na ganoon ang tagpo sa bahay namin kapag nag-aabot kami ng mga magulang ko kapag sinusuwerte.

Hay, ang hirap ng ganito ang sitwasyon ng buhay...ou nga naman. Binuksan ko na lang ang desktop computer ko para makapagsimula na ng trabaho at makapag bar hopping na agad-agad.

Sa Hotel Montalvo ko gustong ilibre si Maxine, maganda raw ang bar sa hotel na yun kaya gusto kong ma experience syempre kasama ang kaibigan ko na si Maxine. I don't mind the price, kahit mahal ay pupuntahan pa rin naman ang hotel na iyon just for experience.

Nagretouch ako bago mag-uwian para makaalis kami agad ni Maxine kapag puwede ng mag out.

Pagdating namin ni Maxine sa bar ay agad kaming napa 'wow' sa ganda ng interior design ng bar na iyon. Alam ko naman na ang kapatid ni Sir Ezekeil ang may-ari ng hotel na pinuntahan namin base na rin sa pagreresearch ko. At nagulat pa nga ako ng mabasa ko kung ano ang pangalan ng kapatid ni Sir Ezekiel at may-ari ng hotel na pinuntahan namin, Lucas Montalvo. Marami namang Lucas na pangalan sa mundo kaya hindi naman siguro ito ang Lucas na boyfriend ni Maxine seven years ago.

Hindi ko na lang babanggitin sa kanya ang pangalan ng may-ari ng hotel na pinuntahan namin at baka maaga pa itong mauwi kapag nagkataon.

Para na rin tayong nakarating sa sea side ng isang dagat ah, iyon ang sabi ni Maxine ng makita namin ang malaking glass wall ng bar na puno ng mga naglalanguyang isda. Napaganda talaga ng ambiance sa bar na iyon.

"Maxine, order na tayo." Yaya ko sa kanya at gutom na rin kasi ako dahil sa maghapong pag cocomputer.
          
Ako na ang umorder ng makakain namin ni Maxine. Umorder ako ng isang plate of Shellfish...with black Chilean mussels and clams sautéed in chardonnay with garlic melba para kay Maxine habang ako naman ay isang plate of sautéed baby squids with paprika gelee and extra virgin olive oil ang inorder nito. Masarap ang mga hitsura ng pagkain kaya medyo naparami ang order namin ni Maxine.

Pagkatapos naming kumain ay umorder din ako ng ladies drink saka kami tumungo sa roof top ng bar at doon kami nakakita ang isang lugar kung saan payapa naming natutunghayan ang makukulay na mga building sa Makita. Ang mga ito ang nagpapakinang sa mga mata namin habang iniinom ang tig isang basong ladies drink na inorder ko.

"Masarap sa pakiramdam ang ganito ,Cath." Nilingon ko si Maxine ng marinig kong sabihin niya ang bagay na iyon samantalang ako ay nagmumuni- muni habang nakatingin sa mga maiilaw na building mula sa rooftop na kinaroroonan namin.

"Oo naman. Paminsan-minsan deserve naman natin ang mag relax di'ba? With those people who are always bring folders on your table, and insisting that you have to that, to this..." Sabay kawag ko pa sa kamay ko na parang iniisa-isa ko ang mga nakaka stress na pinagdadaanan namin araw-araw sa work.

Bigla napatawa si Maxine ng gawin ko iyon at talagang kailangan with action pa raw habang nagkukuwento ako?

"Sa mga Montalvo rin pala ang hotel na ito hindi ba?" Mayamaya ay tanong ni Maxine kaya napatingin ako muli sa gawin niya.

"Oo. Ang yaman talaga nila nuh? And believe or not, wala pang mga asawa ang tatlong anak na lalake ni Sir Lorenzo." Tsismis ko sa kanya. "Kung wala lang akong Anthony, naku lagot sa akin ang mga iyon."Biro ko kay Maxine pero ang totoo ay wala akong balak na magkaboyfriend, sapilitan lang talaga.

"Kaya pala abot ang pa cute mo kay Sir Ezekiel noong minsan na nag-round siya?" Pagak na tawa ni Maxine sa akin. Bigla akong napangiwi sa sinabi nito.

"Hah? Kailan yun, di ah..."pagkukuwari ko.

 "Tsssk! Kunwari pa siya. Huling huli na lulusot pa." Ismid sa akin ni Maxine.

 "Okay fine!" Irap ko sa kanya. "Minsan na nga lang magpa cute nahuli mo pa pala," nakanguso kong saad sa kanya.

"Wala namang masama don nuh..." Bigla ay bawi ni Maxine sa sinabi nito sa akin. "Nga pala, ano ang sabi ni Tita Aileen ng hindi mo sinunod ang inuutos niyang mag resign ka na sa trabaho mo sa agency at tulungan mo nalang ang Daddy mo sa mga business niyo?"

"Ayun, galit na naman." Then I gave a deep sighed.

"Hindi mo naman sila masisisi, Cath."

"I know..." Hindi ko naman isinasantabi na kapakanan ko lang ang iniisip ng mga magulang ko kung bakit kailangan nilang pangunahan ang buhay ko, pero...nakakasakal din kasi kung minsan ang mga nangyayari sa buhay ko to the point na hindi na ako makahinga at feeling ko ay wala ng magandang nangyayari sa akin, not until sumasagi sa asip ko si Sir Ezekiel.

Masaya ako sa tuwing naiisip ko siya, ang makita ko siya sa umaga tuwing pumapasok ako sa trabaho at sa uwian din. Nakukumpleto ang araw ko kapag nasilayan ko siya bago umuwi pagkatapos ng trabaho.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon