Chapter 19

300 6 0
                                    

THIRD-PERSON POINT OF VIEW

Katulad ng sabi ni Ezekiel kay Cathlyn ay hindi na ito pumasok sa agency. Kinabukasan ay hindi na nakita ni Ezekiel si Cathlyn sa trabaho nito.

Sa mismong shop na ito dumeretso ng araw na iyon at inayos ang ilan na lang na mga bagay para sa opening ng negosyo ng dalawa.

Abala si Cathlyn sa pag lilista ng mga inventory ng mga produkto na ibebenta ng shop nito at ni Ezekiel ng biglang bumukas ang glass door ng shop.

Napalingon si Cathlyn at nakita nito si Limuel na nakangiti at may dala pang mga bulaklak. Napangiti rin si Cathlyn ng tumayo ito mula sa pagkakaupo sa silya at ibinaba nito ang isang folder na hawak nito.

"Oh, ikaw pala Limuel. Napadpad ka ata uli dito sa shop?" biro ni Cathlyn kay Limuel na kinakunot naman ng noo nito.

"Ang sungit naman ng store manager na'to. Puwede bang magbibigay lang ng bulaklak kaya ako napadpad dito?" agap namang sagot nito kay Cathlyn na kinatawa ng dalawa.

"Kahit kailan ka talaga Limuel, napapatawa mo ako sa mga hirit mo." Pagtatapat ni Cathlyn. Doon naman inabot ni Limuel ang dala nitong bouquet ng bulaklak sa dalaga.

"For you." Sabi ni Limuel kay Cathlyn sabay abot sa dala nitong bulaklak.

"Thank you."

At niyaya ni Cathlyn si Limuel para umupo. May softdrinks naman sa maliit na ref na nakalagay sa isang sulok ng shop kaya hindi nag-alala si Cathlyn kung ano ang ipapainom nito sa bisita.

Kumuha agad ng isang baso na may yelo si Cathlyn at sinalinan ng softdrinks.

"Magpalamig ka muna." Alok ni Cathlyn kay Limuel.

Kinuha naman ng binata ang baso na inilapag ni Cathlyn para uminom.

"Tama ba ang intindi ko sa text mo, Cath? Dito ka na mag sta-stay sa shop at hindi ka na magtratrabaho sa agency?" paniniguro ni Limuel sa bagay na sinabi ni Cath dito sa text.

"Ummm, oo. Pumayag na si Sir Ezekiel na dito na ako mag focus sa business namin para maasikaso ko ng maayus itong shop." Pagtatapat ni Cathlyn kay Limuel. Ibinaba muna nito ang hawak na baso ng softdrinks saka muling nagsalita.

"How can you be so sure na pagdating ng panahon ay magkakaroon ka rin ng shop na katulad nito? Ang sabi mo ay wala kang nilabas na pera at puro si Ezekiel Montalvo ang nag finance sa negosyo n'yo, tama ba?"

Napahinto si Cathlyn sa sinusulat nito dahil sa sinabi ni Limuel.

"Ang usapan ay hati kami sa kikitain nitong shop. At gagamitin ko naman ang makukuha kong pera sa negosyong ito para makapagtayo ng sarili ko ring shop na katulad nito pagdating ng panahon." Paliwanag ni Cathlyn kay Limuel.

"Okay, sana lang ay tumupad si Ezekiel sa sinabi niya at baka sa huli ay mabalewala lang lahat ng pagud at paghihirap mo dito sa shop na tinayo ninyong dalawa.

"Huwag kang mag-alala, magiging maayos ang negosyo namin ni Sir Ezekiel at magtatagumpay ako pagdating ng panahon."

Nasa ganoong pag-uusap si Cathlyn at Limuel ng bigla ay marinig ng dalawa ang pagbukas muli ng pinto ng shop at bumungad naman sa harapan ng dalawa si Ezekiel.

Agad na napansin ni Cathlyn ang pag-iba na naman ng mood ng amo nito ng makita ni Ezekiel kung sino ang kausap ng dalaga. Nagsalubong agad makakapal nitong mga kilay at gumalaw ang mga panga nito.

Lumapit si Ezekiel sa dalawa at agad nitong tinapunan ng masamang titig ang bouquet ng bulaklak na nakapatong sa mesa kung saan nag-uusap si Cathlyn at Limuel.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon