Chapter 31

284 3 0
                                    

CATHLYN

Kulang na lang ay hindi ako huminga habang patagilid akong nakahiga sa kama.

Wala akong lakas ng loob para tumihaya o humarap kung saan ngayon kung saan nakapuwesto si Sir Ezekiel.

Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko ay ako na lang sana ang nag initiate na sa sofa matulog ngayong gabi.

Pinakaramdaman ko ang katabi ko sa kama habang nakatitig ako sa bukas na lampshade sa gilid ko.

Wala akong naririnig na ingay mula dito maliban sa mahinang tunog ng aircon sa kuwarto.

Nakatulog na kaya siya? Ang bilis naman atang gumawa ng tulog ng isa na'to.

Sabagay, ikaw ba naman ang pagod maghapon ay hindi ka makatulog agad sa higaan once na masalat na ng likod mo ang kama?

Dinama ko ang bawat pagtibok ng puso ko na halos marinig ko na sa sobrang lakas nito. Pinilit kong pakalmahin ang isip ko ng sa gayun ay makisama ito at makatulog na rin ako sa wakas.

Buti at nakisama ang katawan ko at parang nakaramdam ako ng pagod kakaisip ng maraming bagay. Isama pa ang nangyaring aksidente sa akin ngayon araw.

Bumalik bigla ang takot sa puso at isipan ko ng maalala ko ang lalakeng gumawa ng masama sa akin.

Kusang pumikit ang mga mata ko para hindi ko siya makita sa imahinasyon ko.

Isang nakakatakot na katauhan ang nabubuo sa isip ko sa tuwing bumabalik sa utak ko ang ginawa niyang masama sa akin kanina.

Niyakap ko ng dulo ng comforter na nakabalot sa katawan ko hanggang balikat at saka ko dahang-dahang hinanap ang antok na kanina ko pa gustong maramdaman.

Nag alangan pa akong gumalaw at baka magising si Sir Ezekiel sa tabi ko. Magkasalo kami ngayon sa iisang kumot at nakakawala ito ng takot dahil alam kong nasa tabi ko lang siya at walang ibang maaaring manakit sa akin hanggat kasama ko siya.

Mayroong kung anong matigas na bagay ang nasasalat ng ulo ko. Hindi pa kusang dumidilat ang mga mata ko dahil unti-unti pa nitong inaalala ang mga nangyari bago ako nakatulog.

Nang tuluyan ng magising ang diwa ko pati ang katawan ay kusang nanglaki ang mga ko ng masilayan ang magandang tanawin na nabungaran ng mga mata ko ngayon umaga.

Nakaunan ang ulo ko sa matipunong braso ni Sir Ezekiel. Halatang tulog pa ito kaya napagmasdan ko ang maputi at guwapo nitong mukha.

Nagtaka ako kung bakit nakayakap siya sa akin ng magising ako samantalang may harang na unan sa gitna namin kagabi, hindi ba? Ganon ba ako kalikot matulog at natanggal ko ang unang inilagay nito bilang harang? Nang hanapin ng mga mata ko ang harang na unan na nilagay namin kabagi ay nakita ko ito sa paanan naming dalawa, nag-aagaw buhay ito sa gilid ng kama. Kaunting-kaunti na lang ay mahuhulog na ito kapag nagalaw.

Nang dumako ang mga mata ko sa kamay ni Sir Ezekiel na nakapatong sa tiyan ko ay biglang namula ang pisngi ko sa hiya.

Pati ang isa nitong hita ay nakayakap sa mga hita ko na para itong isang bata.

Dahil doon ay napasinghap ako at saglit kong pinigil ang paghinga.

Totoo ba ang mga nakikita ng mga mata ko ngayon umaga? Magkasama kami sa iisang kuwarto at magkayakap pa?

Ilang beses kong kinurap-kurap ang mga mata ko pero hindi nagbabago ang lahat sa paligid ko.

Nasa tabi ko pa rin siya at mahimbing na natutulog. Para itong isang anghel na bumaba sa langit. Kulang na lang ang mga pakpak para magkatotoo ang iniisip ko sa kanya.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon