Chapter 42

343 2 0
                                    

CATHLYN

Hindi pumayag si Ezekiel na hindi niya ako tulungan na magpunta sa banyo na hindi ako inaalalayan. Hindi kasi ako makalakad ng maayos at alam naman niya ang dahilan.

Oh... mas tamang sabihin na siya ang dahilan kung bakit hindi ako makakakilos ng maayos ngayon.

Binilinan niya ako na tawagin ko lang siya kapag may kailangan ako at nasa loob lang ito ng kuwarto. Handa itong hintayin ako na matapos na maligo.

Dahan-dahan lang ang ginawa kong pagkilos at nanibago pa ako sa ganitong pakiramdam. Naalala ko tuloy si Maxine at kung ano ang kalagayan nito ngayon kasama si Lucas.

Palagi ko kasi siyang inaasar noon na masyado nitong pinagbutihan kaya nakabuo agad sila ni Lucas ng baby, at ngayon ko lang nalaman na hindi pala ganoon kadali ang sinasabi kong 'pagbutihan'.

Isa pa sa kinabigla ko ay ang pakikitungo namin ni Ezekiel sa isa't-isa simula ng umamin ito kanina na wala naman talaga itong relasyon kay Pia. Instantly ay naging para na kaming mag-asawa na tunay at hindi na ito humiwalay sa akin kanina pa. Kung pumayag lang ako ay malamang na kasama ko rin siya sa loob ng banyo ngayon.

Nang matapos akong maligo ay pinilit ko ng isuot ang mga damit na binigay sa akin ni Ezekiel bago pumasok sa loob ng banyo.

Ang gusto niya ay sa banyo na mismo ako magsuot ng damit dahil hindi daw safe kung sa kuwarto ako magbibihis dahil masyadong open ang lugar kung saan kami tumutuloy ngayon.

Tawagin ko na lang daw siya kapag magsusuot na ako ng mga damit para matulungan niya ako kung sakaling mahirapan ako na igalaw ang katawan ko.

Paglabas ko ng banyo ay buong akala ko na nasa loob pa rin ng kuwarto si Ezekiel dahil ang sabi niya sa akin ay hihitayin niya akong matapos na maligo kaya napakunot ang noo ko ng hindi ko siya mabungaran sa kuwarto namin.

"Ezekiel." Tawag ko sa kanya sa labas ng kuwarto. Nakahawak pa rin ako sa hamba ng pinto at sa kabilang kamay ko ay ang mga damit na pinagpalitan ko naman.

Wala pang ilang segundo ay mabilis na bumukas ang pinto at inuluwa nito si Ezekiel na agad na lumapit sa akin.

"Why love?" nag-aalala nitong tanong sa akin. Sumimangot ako saka tumitig sa mga mata nito.

"Saan ka ba nagpunta?" maktol kong tanong sa kanya. Ipinalupot nito ang isang kamay sa bewang ko habang naglalakad kami palapit sa papag.

"Nandyan na kasi sila Manong Lito love, naghatid ng pagkain." Kinuha din nito ang mga damit kong pinagpalitan at inilagay sa isang basket na lalagyan ng marumi.

"Ganun ba, hindi muna siguro ako lalabas Ezekiel. Ayokong makita nila ako na nahihirapan akong maglakad at saka gusto ko lang matulog muna." Reklamo ko sa kanya na kinatawa naman nito.

"Are you sure ayaw mong lumabas love? Hinahanap ka ni Helen at may dala siyang kakanin.

"Talaga? Pero ayoko pa ring lumabas, nakahihiya."

"Why you have to feel ashame? Alam nilang mag-asawa tayo kaya normal lang ang ginawa natin kagabi." Dagdag pang pang aalaska nito sa akin.

"Hindi mo pa ako asawa, Mr. Ezekiel Montalvo. Hindi ka pa nga nag propose sa akin, hindi ba?" inis kong sagot sa kanya.

"But I got you now, at kahit ano ang gawin mo...akin ka na soon to be Mrs. Ezekiel Montalvo." Nakakaloko na naman nitong biro sa akin na naging dahilan ng pag ngiti ko.

Hinawakan niya ako sa panga saka tinitigan ng mariin.

"Pagbalik natin ng Manila, gusto ko magsama na tayong dalawa at magpakasal agad love." Seryoso niyang sabi sa akin saka naman pumasok sa isipan ko ang mga magulang ko.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon