Chapter 9

386 3 0
                                    

CATHLYN

Napapalingon ako sa gawi ni Sir Ezekiel sa tuwing hihinto ang kotse na sinasakyan namin dahil sa traffic. Hindi na ata ako masasanay sa ganitong pakiramdam na parang ang lakas palagi ng kabog ng dibdib ko kapag kausap o kasama ko siya. Hindi mapakali ang puso ko sa mga oras na alam kong malapit lang siya sa tabi ko. Natatakot na tuloy ako sa maaaring kahantungan ng mga nararamdaman kong ito.

At doon biglang sumagi sa isip ko si Anthony. Hindi pa rin nga pala kami nakakapag-usap tungkol sa gustong mangyari ni Sir Ezekiel habang pinaplano namin ang negosyong napag-usapan naming kanina. Siguro ay tatawagan ko na lang siya mamaya para sabihin kung kailan kami puwedeng magkita at masabi ko sa kanya ang balak kong pakikipaghiwalay sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang kotseng sinasakyan namin sa Pasay. Nang lingunin ko ang paligid ay napaawang ang mga labi ko ng makita ko kung anong klaseng condo ang balak na kunin ni Sir Ezekiel sa akin. Oo at babayaran ko naman kung magkano ang aabutin ng condo na kukuhanin niya sa akin pero wala sa isip ko na sa isang sikat na condo unit niya ako dadalhin ngayon.

Napabaling ako sa gawi niya at saka ako alangan na nagtanong sa kanya.

"Sir, dito po ba tayo kukuha ng unit?"

"Yes. May problema ba?" Cool na cool nitong tanong sa akin. Palibhasa ay marami itong pambili ng mga gustuhin nitong bagay, mapa bahay man o sasakyan kaya wala itong kakaba-kaba na pumasok sa ganitong establishment.

"A-hh, eh...hindi po ba mahal dito sir? Baka hindi ko kayang bayaran ang unit na kukuhanin natin dito. Sa iba na lang po siguro tayo tumingin." Nahihiya kong sa kanya. Nagpakatotoo lang naman ako sa sarili ko na hindi ko talaga kayang bayaran ang isang unit na kukuhanin namin lalo na at sikat na buong Pilipinas ang contructor ng mga condo unit na nasa harapan namin ngayon.

"Don't worry. Kung magkanu lang ang kaya mong ibayad, its okay. Babayaran ko naman ng cash ang kukuhanin nating unit so hindi ka mag-iisip ng panghulog monthly." Nagulat na naman ako sa sinabi niya, wala na ata itong hindi kayang gawin kapag sinabi nito. Tila ba wala na rin akong ibang choice na gawin kapag kasama ko siya kung hindi ang sumunod na lang kaysa mag-away pa kami.

Unit-unti kong naiisip kung gaano kasuwerte ang babaeng papakasalan ni Sir Ezekiel pagdating ng panahon. Guwapo, mabait, responsible at nakukuha nito ang anumang naisin nito dahil sa taglay nitong yaman at apelido ng pamilya nito.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na magkasabay kaming naglalakad ni Sir Ezekiel papasok sa malaking building kung saan matatagpuan ang mga unit ng condo na titingnan namin ngayon. Nakalimutan ko ang lahat ng pag-aalinlangan ko ng bumungad sa akin ang napagandang interior ng receiving area ng building. Napakaliwanag ng paligid dahil sa mga chandelier na nakasabit sa ceiling nito na may iba't-ibang design.

Modern ang lahat ng design na makikita mo sa malawak na kabuuan ng lugar at parang mahihiya kang hindi kumuha ng unit dito once na nakausap ka na ng agent o broker dahil sa ganda ng lugar, sobrang expensive ang bawat bagay na masisilayan mo.

"Good afternoon po sir, how may I help you?" Nagulat na lang ako ng may isang nakaunipormeng babae ang lumapit sa amin at agad na binati si Sir Ezekiel kasunod ang pagbaling sa gawi ko.

"Good afternoon po ma'am."

Alangan akong ngumiti at binati rin siya.

"Good afternoon."

"We want a single unit condo." Lumuwang lalo ang pagkakangiti ng babae ng marinig nito ang sinabi ni Sir Ezekeil. Para itong nakarinig ng magandang balita na pagkakangiti nito.

"Okay po sir, we have different styles of the solo units here if you want, we can check it out so you can decide which one you will get."

Sa akin naman binaling ang tingin ni Sir Ezekiel at saka ito nagsalita.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon