Chapter 14

360 6 0
                                    

 Muntik pa akong mahulog sa kama ng bigla ay bumiling ako at antok na antok na kinapa ang alarm clock na nakatong sa side table.

Kinapa ko pa ang gilid nito upang tuluyan itong pahimikin at kulang na lang ay mairita na ako sa tunog nito.

Isa ata ito sa kahinaan ko sa buhay, ang gumising ng maaga. Bakit ba kasi halos madaling araw na ako nakatulog?

Padabog kong hinagis ang isang unan na yakap-yakap ko buong magdamag. Hindi ko na napigilang isipin na naman ang mga katanungan na patuloy na bumabagabag sa akin sa tuwing nasa harapan ko si Sir Ezekiel.

Ilang taon ko na siyang kasama pero ngayon ko lang naramdaman ng todo ang ganitong pakiramdam na parang gusto ko na palagi siyang makita. Ang makita ang guwapo nitong mukha, ang amuyin ang mabango nitong katawan. At bigla ay napailing na lang ako.

Dati ay napapatingin lang ako saglit sa kanya sa tuwing makikita ko siya sa office pero ngayon, parang hindi ko na kayang basta titigan lang siya.

At ngayon ko napatanto na malala na talaga ang mga naiisip ko tungkol sa amin ni Sir Ezekiel.

Isang buntonghininga na lang ang naibigay kong sagot sa huli kong sinabi at sunod kong itinapak sa carpeted na sahig ang mga paa ko.

Hinawi ko ang curtain na malapit sa headboard ng kama ko at doon ko nasilayan ang papasikat na araw. Kitang-kita ko ang magandang view ng Manila bay at kung paanong ang mga taong naglalakad sa gilid nito ay nagmistulang langgam sa liit sa paningin ko.

Kahit na gulong-gulo ako sa mga nangyayari sa buhay ko ay wala akong karapatang magreklamo o huminto. Hindi ngayon na nagsisimula na akong magdesisyon para sa sarili ko.

Muli na namang sumagi sa isip ko ang iniwan kong pamilya, o mas tamang sabihing nang iwan sa akin at hindi ako nagawang suportahan sa maraming bagay.

Muli kong binalik sa pagkakaladlad ang kurtina na hinawa ko at nagtungo ako sa kusina para maghanda ng breakfast.

Una akong nagsalang ng tubig sa electric kettle bago ako kumuha ng tinapay na gagawin ko namang sandwich.

Saktong pagtunog ng electric kettle ay ang pagtunog naman ng cellphone ko na nasa bulsa ng trouser na suot ko.

Nang kuhanin ko ito ay doon ko nakita ang pangalan ni Sir Ezekiel. Hindi ko agad nasagot ang tawag niya at tinitigan kong mabuti ng paulit-ulit ang pagring ng cellphone ko dahil sa tawag niya.

Agad ding natapos ang tawag niya at hindi na ulit ito nagtangka pang tumwag muli. Sunod kong nabasa ang text message na galing sa kanya.

Good morning!

See you at the office. I have important matters to discuss with you before we visit the site.

Napahagod muli ako sa buhok sa ulo at minsan pa ay narinig ko ang malakas ng kalabog ng puso ko habang titig na titig ako sa mensahe niya sa akin.

Isang text lang yun pero nagdulot na naman ito ng sobra-sobrang kaba at pagkalito sa akin.

Hindi ka dapat magpaapekto sa mga nararamdaman mo Cathlyn! Hindi, okay? Kailangan mong gawin ang lahat para mapatunayan mo sa pamilya mo na mali ang lahat ng iniisip nila sayo, at hindi makakatulong sa bagay na iyon ang pagkalito mo sa kung ano man ang nararamdaman mo para sa boss mo.

Isa iyong paalala na dapat kong isiksik sa utak ko para magtagumpay ako sa mga gusto kong gawin sa buhay.

I'm still young. Marami akong gustong gawin sa buhay na hindi ko magawa noong nasa poder pa ako ng mga magulang ko, and now that I am free with their shadows...gagawin ko lahat ng gusto ko.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon