Chapter 28

276 3 0
                                    

EZEKIEL

I'm now in my own penhouse where I choose to stay. Kaaalis lang ni Pia kanina ng dumalaw siya at may dala pang mga pagkain.

Lately, I refrained from visiting the shop and seeing Cathlyn. I made myself busy just not to think of her.

Ang buong akala ko ay sapat na ang mapalapit sa kanya para makuha siya pati ang pag-ibig nito, but I discovered it wrong.

Mas nasasaktan ako sa tuwing lumalapit ako sa kanya pero siya naman mismo ang lumalayo. At napatunayan ko iyon ng ilang beses ko siyang halikan.

Alam kong napipilitan lang siyang sumunod sa akin just for the sake that we are business partners.

Kahit na anong gawin ko ay hindi ko pa rin maramdaman na makakaya niya akong mahalin. There's a hesitation, fear and totally she's not comfortable being near with me.

That's why I've decided to temporarily stay away from her.

Ayoko siyang pilitin na magustuhan o mahalin ako ng sapilitan. Because it's not the way I wanted her to be in my life.

Nahihirapan ako sa tuwing nakikita kong hindi siya masaya sa kung paano ko siya minamahal, at naisip ko na ang paglayo pansamantala sa kanya ang dapat kong gawin.

But every time I think of Cathlyn, and the possibility that she will fallen in love with Limuel, doon ako binabalutan ng takot.

Fear of losing her and being with another man is the most painful emotion I endure because of the love that I truly felt for her.

Nang makita ko silang magkasama sa isang restaurant na kinainan namin ni Pia ay sumibol ang selos at galit ko para kay Limuel.

Nagseselos ako dahil mas gusto pa itong kasama ni Cathlyn kaysa sa akin. I realize that not all things in this world can be yours. Even the happiness brought by the person you love can't be easily yours as you want.

Pilit kong tinago ang emosyon ko ng mga oras na iyon para na rin kay Cathlyn. Ayokong tuluyan siyang magalit sa akin at maramdaman nitong hindi ko iniisip ang feelings niya sa maraming bagay.

Halos hindi ako makakilos ng maayos sa tuwing naiisip ko kung ano ang kalagayan ni Cathlyn sa shop. That's why I ordered someone to installed CCTV outside the shop. Sa loob ng shop ay mayroon namang personal na nakakabit na CCTV dun at alam ni Cathlyn iyon.

Kaya para makasiguro sa safety niya kahit na hindi ako personal na nagpapakita sa shop ay pati sa labas nito ay nagpa installed na rin ako ng CCTV.

At ganoon na lang ang gulat ko ng review ko ang CCTV sa cellphone ko at makita ko kung gaano natakot si CAthlyn ng dahil sa isang lalakeng nakasuot ng bonet at jacket.

Napaayos ako ng upo para izoom ang kuha ng CCTV kung saan nakita ko kung paanong tingnan ng masama si Cathlyn ng lalakeng iyon habang nakakubli ito sa isang malaking halaman.

Sunod kong nakita na takot na takot na pumasok si Cathlyn sa loob ng shop matapos nitong magpahinga at magambala ng dahil sa kahina-hinalang lalake na nakita nito sa labas ng shop.

Maging ang pagbisita ng mga magulang ni Cathlyn ay nakita ko rin sa CCTV. Masaya ako na kahit paano ay nag-usap na ang mga ito.

Agad kong tinawagan ang private investigator na kakilala ko para ipaimbestigahan ang lalakeng nakita ko sa CCTV ngayon lang.

Kailangan kong malaman kung sino ito bago ito may gawing masama kay Cathlyn. Hindi ko siya kayang makitang mapahamak kaya mas dapat ko siyang protektahan sa mga taong nagbabalak ng masama dito.

"Hello, James."

"Sir Ezekiel, napatawag po kayo?"

"May isesend akong kuha sa CCTV, gusto ko sanang imbestigahan mo ang taong iyon as soon as possible." Utos ko sa kanya.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon