Chapter 26

285 4 0
                                    

CATHLYN

Katulad ng nakasanayan ko ay maaga akong gumayak para magpunta sa shop.

Wala akong idea kung makikita ko si Sir Ezekiel sa shop o hindi. Gagawin ko ang trabaho ko at ang sa tingin ko ay tamang dapat na gawin, at iyon ay ang magpatuloy sa buhay para sa mga bagay na gusto kong magkaroon ng katuparan.

Kung titigil akong mag-isip, kumilos at palagi kong iisipin kung ano nga ba ang posibleng hatid ng hinaharap sa amin ni Sir Ezekiel ay baka tuluyan na akong panghinaan ng loob.

Palagi ko lang kakaawaan ang sarili ko dahil hindi ko kayang panghawakan ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nang dahil lang sa biglang pag-iba ng nararadaman ko para sa kanya ay kakalimutan ko na ang lahat sa buhay ko.

Kailangan kong magpatuloy at huwag hayaang diktahan ng puso ang isipan ko. kapag nangyari iyon, makukuha ko ang matagal ko ng inaasam na tagumpay sa buhay.

Ganoon din si Sir Ezekiel, mas lalo siyang magiging matagumpay higit sa tinatamasa niyang buhay ngayon. Baka ganoon na lang talaga ang tadhana naming dalawa. Ang umasa sa umpisa at makalimot sa huli na kailanman hindi maaaring pilitin ang mga bagay na mangyari ayun sa kagustuhan naming dalawa.

Masaya akong binati ng mga staff pagdating ko sa shop na para bang isang taon ata akong hindi nagpakita sa kanila.

"Magandang umaga po Ma'am Cath!"

"Good morning din sa inyo." Balik kong bati sa kanila. "Kumusta ang shop? Marami bang customers nitong nagdaang araw na wala ako?"

"Ay opo ma'am," mabilis na sagot ni Fairy sabay ngiti. Natuwa naman ako sa binalita nila. At least...nakaya nila na wala ako sa shop ng ilang raw at naging maayos pa rin ang lahat.

"Nga pala, sino ang nag assist sa inyo ng wala ako ng ilang araw?" curious ko muling tanong sa kanila. Gusto ko lang malaman kung sino ang nakasama ng mga ito ng hindi ako pumasok ng ilang araw.

"Yun pong secretary ni Sir Ezekiel sa agency po ba yun? Yun isa niyang negosyo. Siya muna po ang pinagbantay ni Sir Ezekiel dito sa shop pansamantala habang wala po kayo Ma'am."

Napatango na lang sa binalita ni Alyssa sa akin. Hindi ko sure kung sino sa secretary ni Sir Ezekiel ang sinasabi nila na nakasama ng mga ito ng ilang araw. Hindi ko na tinanong at baka maging obvious akong naging palatanong naman ako bigla.

Nagsimula ang araw namin na may ngiti. Masaya ang lahat at talagang ganadong magtrabaho ang mga ito. Sa tuwing makakapagbenta kasi ng wholesale ang mga ito ay nagkakaroon pa sila ng ibang kita bukod sa kita nila dito sa shop ng arawan.

Sana ay magtuloy-tuloy ang magandang performance ng shop para hindi magtagal ay lumago agad ang negosyo namin.

Kasalukuyan akong may kausap na customer at pinapaliwanag ko ang mga ingredients ng mga products namin at kung bakit angat ito sa iba ng bigla pumasok si Limuel sa pinto ng shop at nakangiti itong lumakad sa kinaroroonan ko.

"Hi." Bati nito sa akin. Sakto namang nakapili na ang customer na kausap ko ng bibilhin nito kaya nagbayad na ito sa counter.

"Hello." Nakangiti rin ako ng batiin siya.

"Wala akong dalang flowers ngayon, baka maghanap ka."

Napangiti na naman ako sa sinabi niya at hindi ko napigilan na magtakip ng labi gamit ang isa kong kamay dahil sa sinabi niya.

"Hindi nuh! Bakit naman ako maghahanap ng bulaklak sayo? Mamaya nyan, pagbayarin mo pa ako sa mga flowers na binibigay mo, wag na lang." mataray kong sagot sa kanya. Ito naman ang umihit ng tawa dahil sa sinabi.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon