Chapter 11

409 4 0
                                    


Cathlyn

Ilang beses kong kinurap-kurap ang mga mata ko sa habang nakatingin sa ceiling ng magandang kuwarto ko ngayon. Pilit kong binalikan ang mga nangyari sa akin ngayon maghapon hanggang gabi. Parang hinihigop ang lakas ko kapag naiisip ko kung paano ako nakarating ngayon sa lugar na ito, ang makipa-usap kay Athony para makipaghiwalay at ang pag-alis ko sa bahay na binayaran ko na ng isang buong buwan. Ang bilis ng mga pangyayari at parang hindi ako makapaniwala na magagawa kong sundin ang lahat ng mga inuutos ni Sir Ezekiel sa akin sa ngalan ng mga pinag-usapan naming dalawa.

Wala na'tong atrasan pa at hindi ko na alam pa ang puwedeng mangyari kung hindi ko ipagpaptuloy ang lahat ng ito. My life is full of agony. I don't know how it will end up, but I still believe that everything happens for a reason. At kung bakit ako nandito sa sitwasyon na ito dahil ito ang dapat kong pagdaan so I can find myself and my purpose.

Kakapit ako hanggang dulo na magiging maayos at matagumpay ang lahat ng mga plano namin ni Sir Ezekiel at iyon ang dapat kong isipin.Kahit pa ano ang maging kapalit.

Kanina habang kausap ko si Anthony ay nilakasan ko ang ang loob ko na harapin siya. Ang kausapin siya tungkol sa relasyon namin. At first, hindi niya ako maintindihan at nabigla ito na ako ang unang nakipaghiwalay sa kanya. I just thought it will be easy for me to do what makes me on top katulad ng gustong mangyari ng mga magulang ko sa akin. So, I've decided to end up everything between us.

"I don't know what to say Cathlyn. We're in good terms right? In the past six months of our relationship, we didn't fight although there are times we can't see each other because of our works. But still, I believed that we're okay." Malungkot na sabi ni Anthony. He's right. Sa loob ng ilang buwan na magkarelasyon kami ay hindi kami nag-away kahit minsan pero hindi naman sapat iyon para masabi mo na kaya mong piliin ang isang tao habang buhay ng dahil lang sa hindi kayo nag-aaway.

Hindi ko maramdaman ang excitement kapag kausap ko siya. Hindi lumalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya na palaging nangyayari kapag nasa harapan ko na si Sir Ezekiel.

Napapilig na lang ang ulo ko sa katotohanan iyon at ayokong palalain pa kung anumang nararamdaman ko ngayon.

"Sorry Anthony, I don't mean to hurt you. You know, we started to easily and then..."

"Then we broke up easily." Matamlay pa ring sagot ni Anthony. Napahawak ako sa baso ng tubig sa harapan ko at saka uminom ng tubig dahil parang may bara sa lalamunan ko na hindi ata basta mawawala lang ng paglunok lang laway.

I feel guilty, yes. Dahil ako naman talaga ang nakikipaghiwalay kay Anthony ng walang matibay na dahilan.

But in the end, we agreed that we'll still be friends after we broke up. Dahil siguro wala namang mali o anging issue sa pagsasama namin kaya kami naghiwalay kaya kaya naming maging magkaibigan pa rin sa huli at iyon na lang ang pinagpapasalamat ko. He's still a good man who understands my side as a woman.

Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos, at sakto namang tumawag si Maxine at agad kong sinagot ang tawag nya.

"Hello, Maxine."

"Cath..." malumanay na sagot ni Maxine sa akin. Kung ikokompara ko ang boses nito sa akin ay halos kalahati lang ata ng pagiging mahinahon ko ang boses nito. Kahit na nasa cellphone lang ay maririnig mong isang soft spoken na tao ang kausap mo sa kabilang linya.

Being friends for more than ten years, I can say that we treated each other just like a sister. Bawat sikreto naming dalawa ay alam naming, ngayon lang talaga ako nakapaglihim sa kanya ng tungkol s amin ni Sir Ezekeil.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon