Chapter 23

272 6 0
                                    

CATHLYN

Today is the day! Nasa harap ako ngayon ng salamin habang inaayos ang pagkaka tack in ng red slong sleeve na suot ko at isang high waist wide leg pants na kulay itim.

Nagsuot ako ng earings na babagay sa damit ko at isang bangle bracelet na kulay gold. Hindi ko rin nakalimutan ang cluster ring na palagi kong sinusuot. Bigay pa ito sa akin ng lola ko mula sa father's side. Hindi alam nila mommy at daddy ang tungkol sa singsing na iyon.

Sinabi sa akin ni Lola Teresita na darating ang araw ay mapapalitan na ito ng engagement at wedding ring kaya habang dalaga ako ay suotin ko raw ito. Natawa na lang ako sa sinabing iyon ni lola at buong giliw kong isinuot ang binigay niyang singsing na iyon at mula nga noon ay palagi na itong nakakabit sa daliri ko.

Inayos ko rin ang pagkakakulot ng mahaba kong buhok. Palagi kong kinukulot ang dulo nito at iyon ang ayos na nakasanayan ko na saka ko ito pinusod ng buo.

Ayos na ang lahat bago ako umuwi kahapon galing ng shop. Kahit wala si Sir Ezekiel ay nagawa ko pa ring gawin ang mga bagay para maging maayos ang gaganaping opening naming ngayong araw.

Nagtimpla lang ako ng isang tasang kape at toasted bread ang kinain ko para sa umagahan. Masyado akong nae-excite sa mga mangyayari kaya hindi ko na tinangka pang magluto ng iba pang putahe para sa umagahan ko. Sanay din naman ako sa ganoong setup ng umagahan lalo na noong sa agency pa ako nagtratrabaho.

Pagdating ko sa shop ay napapalibutan na ito ng mga table at tents sa labas. May mga balloons din sa labas at loob ng shop na iba't-iba ang kulay.

Maging ang cater service na kinuha namin ay naka set-up na rin. Ang bulaklak ay inaayos na rin ng flourist kaya masasabi kong masaya ang bungad ng araw na ito.

Agad akong sinalubong nila Alyssa pagkababa ko pa lang sa kotse. Halatang excited na rin ang mga ito at hindi makapaghintay na tuluyan ng mag open ang shop namin.

"Ma'am Cathlyn, good morning po." Agad ay bati ni Alyssa sa akin. Nasa likod nito ang dalawa pang staff na kasama nito na si Jeacel at Fairy.

"Kumusta ang lahat? Okay na ba?" agad ko ring tanong sa kanila na ngiti ang una nilang sinagot sa akin.

"Opo ma'am, don't worry po at oks na okas na po ang lahat para opening mamaya."

"Mabuti naman, hindi tayo dapat pumalpak sa araw na ito at nakakahiya sa mga bisita lalo na kay Sir Ezekiel."

At doon ko ito biglang naisip. Hindi ko na siya nitext tungkol sa opening ngayon, at alam ko namang hindi nito makakalimutan ang importanteng araw na ito.

Ito pa mismo ang nagsabing ngayon araw na lang kami magkita pagkatapos nitong hindi pumunta ng shop kahapon.

Sabay-sabay kaming napalingon ng may dumating na isang magarang kotse. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa latest na model na oddi car. Kulay itim ito at halatang mahalagang tao ang nakasakay doon.

Hinintay namin na maipark ng maayos ang kotse ng kung sino mang may-ari ng kotse. At napaawang ang mga labi ko ng makita ng sarili kong mga mata kung sino ang bumaba sa driver's side ng kotse.

Si Sir Ezekiel ang nagmamaneho nito. Hindi ito lumingon sa mga taong nakapaligid dito at sa halip ay umikot ito sa gawi ng passenger's seat.

Pinagbuksan nito ng pinto ang kung sino mang tao na kasama nitong dumating. At katulad kanina ay natahimik na lang ako ng makita ko ng mga tao sa paligid pati ang mga ilang press na inimbita namin para sa opening.

Nagmamadaling lumapit ang mga ito sa lugar kung nasaan ngayon nakatayo si Sir Ezekiel at si Pia. Masaya ito habang nakahawak sa malaking braso ni Sir Ezekiel.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon