Chapter 45

376 4 0
                                    

CATHLYN

Katulad ng sinabi ni Ezekiel sa mga magulang nito ay sa kuwarto niya ako mismo pinatuloy pagkatapos naming kumain ng sabay-sabay sa dining area. Sakto rin na kadarating lang ng inutusan ni Ezekiel na isa sa mga kasambahay ng mga ito para kunin ang mga gamit ko sa condo.

"Love," tawag ko sa kanya ng makita kong tinatanggal na nito ang mga gamit ko sa loob ng maleta habang ako ay prenteng nakaupo sa kama nito sa kuwarto.

"Yes, love?" saglit niya akong tinangnan pero patuloy pa rin ito sa ginagaawa.

"Sigurado ba na okay lang sa mga parents mo na dito ako sa kuwarto mo tumuloy? Baka kasi----" nag-aalala lang naman ako sa puwede nilang isipin sa akin, sa amin ni Ezekiel dahil sa padlos-dalos na desisyon ng anak nilang bunso.

Oo at may nangyari na sa aming dalawa at huli na para mag inarte pa ako, nasa tamang gulang na rin kami para sa mga bagay-bagay. Kaya lang ay iba syempre ang mga paniniwala ng mga magulang pagdating sa ganitong issue lalo na at hindi pa alam ng mga magulang ko na sumama na ako kay Ezekiel.

Nakita kong tumigil si Ezekiel sa ginagawa nito at itinabi ang bag sandali katabi ng side table. Ang mga damit ko naman na nasa ibabaw ng kama ay hinawi rin nito para makatabi sa akin ng upo.

"Make makes you bother, love? They know our situation, at hindipapayag ang mga magulang ko na hindi kita pakasalan lalo na at dito ka na sa kuwarto ko matutulog palagi." Isang pilyong ngiti ang binigay niya sa akin na naging dahilan upang mahampas ko siya ng bahagya sa braso.

"Ikaw talaga. Baka mamaya, marami ka ng naiuwing mga babae dito sa mansyon nyo kaya normal na kila Uncle Lorenzo na isama mo ako dito sa kuwarto mo." Bigla ay inis kong tanong sa kanya.

Isipin ko pa lang na marami na nga itong naipakilalang mga babae sa mga magulang nito ay natatabunan agad ng selos ang puso ko.

Saglit na gumalaw ang kabilang side ng kama kaya alam kong kumilos ito sa tabi ko. Sunod kong naramdaman ang banayad nitong pagdampi sa mukha ko para iharap sa kanya.

"Love, believe it or not...ikaw pa lang ang babaeng pinakilala ko sa mga magulang ko. Ikaw lang din ang babaeng una at huli kong papapasukin sa kuwarto bilang asawa ko." napanguso ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako oh magdadalawang isip dahil sa sinabi niya. Alam ko kasing maraming babae ang na link dito at posibleng isa sa mga iyon ang aksidenteng nakilala na ng mga magulang nito.

"Hmmmmmp, sinasabi mo lang yan para hindi kita pagduduhan. Sa dami-dami ng naging babae mo hindi ko kayang paniwalaan na isa sa kanila ang hindi nakilala ng mga magulang mo." Patuloy kong panunumbat sa kanya.

"You can even ask my parents, or lahat ng mga tao dito sa mansyon para makasigurado ka na nagsasabi ako ng totoo sayo. Ikaw lang ang ginusto kong ipakilala sa mga pamilya ko para maging asawa at ina ng mga anak natin, pangako yan...love."

Nagtitigan kaming dalawa at seryosong binasa ang nilalaman ng mga isip at puso namin. Hindi ako nagkamali ng mahalin ang isang lalakeng katulad niya. Siya lang ang taong gusto kong makasama habangbuhay.

Yumakap ako sa kanya, at hinilig ang ulo ko sa malapad nitong dibdib para damhin ang tibok ng puso niya.

"Naniniwala ako sa sinasabi mo, love. Hindi ko lang kayang isipin na sa dami ng mga babaeng nakapaligid sayo, may isang nagtangkang akitin at makuha ka." Pagtatapat ko sa kanya. Iyon naman talaga ang dahilan ng pag trumtums ko.

"Don't worry love. Kahit kailan hindi ko naisip na tumingin sa ibang babae maliban sayo. Ikaw lang ang gusto kong tingnan sa araw-araw at makasama habangbuhay." Masuyo nitong sagot sa akin na nagpaligaya ng puso ko. Tiningala ko siya at sinigurado kung seryoso ito sa sinasabi nito.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon