Chapter 12

366 4 0
                                    

Katulad ng usapan namin ni Maxine ay sabay kaming umuwi para bumili ng susuotin nitong damit sa party. Dinala ko rin ang makae-up kit ko para maayusan ko siya ng maganda. Kahit naman walang make-up ay talagang maganda si Maxine, at mas lalo pa itong gaganda kapag nilagyan ng kolorete ang mukha nito plus ang seksi pa nito kaya maraming lalake ang nagkakandarapa sa pangliligaw dito.

Sa kasamaang palad ay wala namang itong balak mag entertain ng mga mangliligaw dahil sa ang priority nito ay ang daddy nito na may sakit sa La Union.

Kasalukuyan kong inaayusan si Maxine ng madako na naman sa usapan personal ang tsismisan naming dalawa.

"Okay na'yan Cath. Baka naman sumobra na ang kapal ng make-up na inilagay mo sa mukha ko." Narinig kong reklamo ni Maxine sa akin. Sinipat pa nito ang maganda nitong mukha sa salamin.

"Huwag ka ngang OA! Ang ganda mo kaya oh." Sagot ko sa kanya at wala itong dapat na ika intimidate at talaga namang may taglay itong ganda na hindi pangkaraniwan sa lahat.

"Salamat nga pala Cath sa pag-aayos mo sa akin." Mayamaya ay sabi ni Maxine na inaasahan ko na.

"Naniniwala ka na ngayon na maganda ka friend?"

"Oo na po, salamat ulit ah."

"Sus, okay lang yun nuh...basta akitin mo ulit si Lucas pag nagkita kayong dalawa." Kita ko ang biglang paglaki ng mga mata ni Maxine na halatang nagulat sa sinabi ko.

Naniniwala kasi ako sa second chance and love is sweeter the second time around kaya pinipilit kong magkalapit si Maxine at Lucas. Matagal na panahon na rin ang pinaghintay nila kaya deserve na nilang maging masaya.

"Ano?! Ikaw talaga Cath..."

"Ang ibig kong sabihin, mag-usap kayong dalawa ng magka-ayos kayo kahit papaano."

"Tsssk!" iyon lang ang narinig kong sagot ni Maxine at alam kong pilit lang nitong nilalabanan ang anuman nararamdaman nito para kay Lucas.

Pagkaalis ni Maxine at Jef ay nagpasya akong ligpitin na ang mga ginamit naming mga bagay sa pag ma-make-up. Sa apartment na rin ni Maxine ko balak na matulog at gabi na rin medyo delikado na bumiyahe pa ako pauwi ng condo.

Nagdala na lang ako ng gamit, at iyon ang usapan namin ni Maxine. Matatapos na akong magligpit at magluluto na lang sana ako canton at may burger pa akong binili kanina para sa hapunan ko. Isasalang ko na ang isang initan ng tubig sa kalan ni Maxine ng biglang tumunog ang cellphone ko. Natigilan ako at pinasya kong sagutin muna ang tawag na iyon. Kasalukuyang nakapatong sa table ang cellphone ko. Nagpunas muna ako ng kamay bago ko tingnan kung sino man ang nanggagambala sa gabi ko na dapat ay tahimik na.

Napahinto ako sa pagpunas ng kamay ko isang towel na hawak ko ng mapansin ko kung sino ang tumatawag ngayon. Si Sir Ezekiel!

Ano na naman ang porblema ng lalakeng ito? Gabing-gabi na ah, at saka ang alam ko ay nasa bakasyon ito hindi ba? Kasama pa nga nito si Pia Aderson. May bahid ng pait na sabi ko sa sarili.

Wala naman akong choice kung hindi ang sagutin ang tawag nito. Kaya kahit na ayoko itong makausap ay kusa ko ng pinindot ang accept button. Niloud speaker ko na rin at ako lang naman mag-isa ang nasa apartment ni Maxine kaya okay lang.

"What took you so long before you answer my call?" bungad na sabi nito sa akin. Para na naman itong may kung sinong kaaway at ako ang napagdiskitahan, kainis!

Nag inhale-exhale muna ako at saglit na kinalma ang sarili at baka makalimutan ko kung sino ito sa buhay ko.

"Hello po sir..." kunwari ay mahinahon kong sagot sa kanya. Halos manlaki na ang butos ng ilong ko sa sobrang sora na nararamdaman ko sa kanya ng mga oras ng iyon.

EZEKIEL MONTALVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon