21. Bloody Who?

51.1K 1.5K 533
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

He loves me too.

Para iyong sirang plakang paulit ulit na pumapasok sa isipan ko. He said it. That is the best thing I've ever heard. It's the best feeling. My love being reciprocated by the devil. Hindi na siya devil, ga-goal na lang.

Mahal niya ako at mahal ko siya but we are trapped in a complicated situation. Hindi normal ang set-up namin. Bihag niya pa rin ako. Hindi ko pa natatanong kay Trigger kung anong kahihinatnan namin gayong may pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa.

Will our relationship stay the same? Ang hirap mangapa. He just said he loves me too, pero sapat ba iyon?

Natatakot akong magtanong. Natatakot akong malaman ang magiging sagot niya. Natatakot akong baka isipin niyang inaabuso ko ang feelings niya sa akin. At natatakot ako sa hindi ko alam na dahilan—I have no doubt in terms of what Trigger said. I know he is being sincere.

It's just that love scares me. What if what happened to me and Dylan would happen again with us? Hindi ko para kakayanin. Ang gusto ko lang ay tuluyang makasama si Trigger.

They say, love conquers all. Does it?

Pinagmasdan ko si Trigger sa balkonahe. Wala itong pang-itaas na saplot. Kitang-kita ko ang well-built niyang katawan. Parang bigla akong nauhaw kahit sagana iyong laway ko sa bibig. He was talking with the guys. Seryoso ang mukha nila.

They are equally good-looking. Walang tapon. Walang iwan. Lahat nagsusumigaw ng kagwapuhan. Mukhang pinaglaanan talaga ng Diyos ng oras upang gawin silang perpekto. Iyon lang ang nagawang tama sa kanila.

Nagtama ang mata namin ni Trigger. Tinaasan niya ako ng kilay. Napalabi naman ako. Sungit! Pero ang pogi pa rin niya. Mas lalo yata itong pumogi ngayon kahit gaano pa kasalubong ang kilay niya. Posible ba iyong lalo siyang gumawapo sa paningin ko?

Pumasok ako sa loob ng kwarto namin. May parte sa aking gustong iwasan siya. It's a sudden confession, hindi ko napaghandaan. I hate this feeling. May parte sa aking naiilang at nahihiya kay Trigger. Para naman akong teenager kung umakto. Nakakainis.

Narinig kong bumukas ang pinto. Alam kong si Trigger iyon kahit hindi ko ito nilingon, sa amoy pa lang. Alam na alam ko ang amoy niya. Plakado na iyon sa ilong ko.

Lumundo ang kama. Naramdaman ko na lang na may humawak sa beywang ko. Trigger hugged me from the back. Hinalikan niya ang batok ko.

"Who are you staring at earlier?"

"Ha?" Kumunot ang noo ko.

Umismid siya. "Don't deny it. You are feasting over someone's body." He said, irritated.

"You said you love me." ungot pa niya. "Why are you still looking at them? It's cheating." Humigpit ang yakap niya sa akin. Para bang ayaw niya akong pakawalan.

Naglalambing yata si Trigger. He became extra sweet these past days.

Inalis ko ang kamay niya sa beywang ko at humarap ako sa kanya. Pinitik ko ang tungki ng matangos niyang ilong. "I'm not checking them out, okay? Hindi sila iyong tinitingnan ko."

Kumikibot-kibot pa ang labi niya kaya hindi ko maiwasang hindi matawa. Bwesit talaga ang isang ito. Ang cute e, sarap halikan ng labi. Pero may mas nakita akong magandang pagdiskitahan. I pinched his nipple. Hindi ako nahiyang gawin iyon. Napaigtad siya.

"That fucking hurts!" bulyaw ni Trigger.

Pinilit niyang alisin ang kamay ko pero hindi ako nagpaawat. Maingat iyon.

"Damn, this is torture mi bella!" Nakalabi kong tinigilan siya. He kissed me fully on the lips. Kinagat-kagat niya ang ibabang labi ko pagkatapos.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon