6. Kidnapped

57.5K 1.8K 485
                                    

CHAPTER SIX

Nagising akong disoriented. Ang sakit ng buong katawan ko. Hindi ko maigalaw ang aking paa, ganoon din ang may parteng upper body. Para akong naglaro ng sobra sa track and field. I tried recalling my activities yesterday, then I remembered I was almost kidnapped.

Almost. Almost?!

I remembered the van chasing me. Van na parang nangunguha ng bata para ibenta ang body parts. May sakay iyon sa loob na ilang kalalakihan. And realization hit me. It happened.

Napabalikwas ako paupo na agad ko ring pinagsisihan. Sana hindi ko ginawa. Halos mapahiyaw ako sa naramdamang sakit sa parteng binti. Agad kong siniyasat ang masakit na parte, may cast ang binti ko. I gasped hard.

My heart started to pace rapidly. Dumagundong ang puso ko sa kaba at pinagpawisan ang buong katawan ko nang malamig.

Nasaan ako? There are many questions hovering in my mind as my heart was filled with doubts and worries. Ayokong sagutin ang mga tanong ko dahil alam ko na ang kasagutan doon. I want a miracle.

Muli akong nahiga sa kama habang naglilibot ang aking paniningin sa paligid.

I had bruises and my leg was fractured. Kagagawan ng impact. I couldn't handle the pain, it hurts so much.

Pumikit ako ng ilang minuto para hindi ko gaanong maramdaman ang sakit. Gusto kong maiyak sa nangyari at sa uncertainties na nararamdaman ko.

Bumukas ang pinto ng silid kung saan ako nakalagak. I kept my eyes closed. My heart was beating erratically inside my chest. I felt cold sweats on my forehead. Air-conditioned naman ang room, pero masyado akong tensyonado. Sana lang umepekto ang pagpapanggap kong tulog.

Ilang pares ng paa ang pumasok sa silid.

"She's sweating. Is she having a wet dream?" Natatawang komento ng isang lalaki.

I flushed at his remark. Walang buhay ang tawa nito. It was like a villain's laugh not the exaggerated way it's cold and heartless. Ang kanyang tawa ang mas nakapagpakaba sa akin. He has a deep, manly voice. Parang hindi siya gagawa ng tama.

Natagpuan ko ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na kwarto tapos ang una kong naalala, may mga taong humahabol sa akin. Gulong-gulo ang utak ko. It's not being judgemental anymore.

Nagtawanan naman ang mga lalaki. Marami silang pumasok ng kwarto. Mas lalong dumagundong ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ako lalaban sa mga ito.

I wanted to cry, but I refrained myself. I fought back the tears so hard. I thought of good memories, at least, to remain myself calm. Ayokong makahalata silang hindi ako tulog. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Hindi sila gagawa nang matino, sigurado ako roon.

"What's your plan del Fuego? I thought after you fractured her lower appendages, you'll be disposing the girl,"

I felt someone's hand on my forehead maybe checking my temperature and eventually, it went down to my neck. Hindi ako nilalagnat but I guess they assumed since sweats were all over my body.

Sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko. Kulang na lang ay lumabas ito sa aking dibdib at sumayaw ng gimme gimme. Depota, Aramis!

Del Fuego? There are many del Fuegos in the world. Hindi. Mali ako nang iniisip, hindi ang lalaking humalik sa akin ang tinutukoy niya.

"Oh, shut up doctor!" another guy said. "You're missing the fun."

"Change of plan," pamilyar sa akin ang boses ng nagsalita.

Napariin ang pagpikit ko.

It confirmed what I had in mind. Boses iyon ni Trigger. Ni Trigger del Fuego. Lalo akong naguluhan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon