CHAPTER TWENTY-THREE
He killed Pablo. Trigger killed Pablo. He did.
Tulala ako at tigagal. I am numb mentally. Namamanhid ang buong katawan ko. Wala akong maramdaman. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Iyong diwa ko ay nasa kawalan kasama ng pagkamatay ni Pablo.
I couldn't find words, para akong napipi sa nangyari. Wala akong lakas. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakikipagtitigan sa kisame. Hindi ako dinadalaw ng antok. Hindi ako makatulog.
Patuloy na umuukilkil sa utak ko ang nangyari. Kahit ang pag-iyak ay hindi ko magawa. I am physically and emotionally drained. Wala rin akong maramdaman sa natamo kong galos at pasa.
Hindi ko alam kung paano ako naibalik sa silid namin ni Trigger. He brought me back here. Matapos ang nangyari ay hindi niya ako hinayaang makalapit sa bangkay. Binuhat niya ako paalis.
Naiwan ang paningin ko sa mata ni Pablong dilat subalit wala ng buhay. His eyes mirrored a lot of pain. Duguan ang kanyang mukha. And Trigger made a hole on his forehead. Isang bala lang iyon.
One bullet to take his life.
Wala akong ideya kung saan pumunta si Trigger. Iniwan niya ako sa kwartong mag-isa. Hindi ako makapag-isip ng maayos. I kept recalling the scene. Pakiramdam ko ay ikababaliw ko iyon.
Ilang araw akong hindi makakain. Pinipilit ko para magkaroon ako ng lakas. Ilang araw ding hindi nagpakita si Trigger. Hindi ko alam kung umalis siya ng isla o ayaw niya lang talaga akong makita.
Ayoko siyang isipin. Ilang araw din akong tuliro. Para akong nawawalan ng lakas at gana mabuhay.
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto. I was trying to sleep. There's no single tear. Pati yata ang mata ko ay namanhid sa nasaksihan ko. Para akong lantang gulay. I was just lying in bed. Hindi ko alam kung anong ginawa nila sa bangkay ni Pablo.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. I looked up and saw Trigger. May dala siyang tray ng pagkain. He looked rugged. Mas humaba ang facial hair niya. He looked a bit stressed but he still managed to look handsome.
Gulo-gulo ang buhok niyang medyo mahaba na rin.
Ibinaba niya ang pagkain sa paanan ko. I was just eyeing him. Hindi ako gumalaw sa pagkakahiga ko. Lumapit siya sa akin at hinila ang kumot pababa. Sumampa siya sa kama at tumabi sa akin.
Naghihintay lang ako sa gagawin niya. Iniangat niya ako at niyakap ng mahigpit.
Isa-isang nagbagsakan ang luha ko. Hindi ko alam kung para saan iyon. Para ba sa pagdadalamhati kay Pablo o sa katotohanang miss na miss ko na siya at inis na pinili niyang umalis at iwan akong mag-isa?
Hindi ko mawari ang emosyon ko. Hindi ko pa rin mahanap ang sarili ko. Parang nasa kawalan pa rin ako but with his hug, I feel at home.
Hinayaan niya akong umiyak habang nakayakap pa rin sa akin. He was kissing my hair and caressing my back up and down. Paminsan-minsan ay pinupunasan niya ang luha ko.
Nanatili kami sa ganoong posisyon kahit humupa na ang pag-iyak ko. Alam kong namumula ang mata ko. Namamaga rin ito. I looked at Trigger. He looked distant. Humaba ang facial hair niya. I could see bruises on his face.
May ilang peklat na, iyong iba ay halata pa. Binundol ng kaba ang dibdib ko. I wanted to ask him pero hindi ko magawa.
"How have you been?" He asked me, pinahid niya ang luha sa pisngi ko.
I shrugged. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ako okay. Hindi ko alam kung paano ako makaka-recover sa nangyari.
"Are you mad at me?" Mahina niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)
Fiksi UmumTwenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other cliché stories, will love be their weakness? • Alpha Sigma Omicron • ---- After facing life's wrath...