31. On Bended Knee

60.4K 1.8K 759
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

"He's gripping my finger, Volcan likes me more than all of you," It was Henrique Priam Figueira—the guy who made me face the floor. I know his whole name now. They introduced themselves to me.

Hindi ko alam kung pakana iyon ni Trigger o they really want me to know them. Cool na raw kami kasi nagsilang ako ng badass na bata. They are in the living room, playing with Volcan. He's one-month old now and I'm very happy.

Ang bilis lumaki ng anak ko. In that span of time, na-develop na ang physical features niya. He got that pointed nose and kissable lips from his daddy. Lahat yata kinuha ng anak ko kay Trigger. Maliban sa kalahating mata nito na inaangkin kong nakuha sa akin.

"That's palmar reflex, dimwit." I could hear someone said.

"Everyone knows that, stop being KJ assfucker," sagot nito.

"Don't fucking cuss in front of my child!" Trigger roared.

"You just did, dumbass." Naiiling ako sa takbo ng usapan nila.

Sinilip ko sila mula sa kusina. I was preparing a meal for them. Hawak ni Trigger si Volcan at para silang mga batang nakapalibot dito. They want to carry Volcan, but not when Trigger's around. He won't let them carry our baby.

Natatawa na lang ako. Gising na gising ngayon ang anak ko, katatapos ko lang siyang i-breastfeed. Sinusulit nila iyon hangga't hindi pa muli bumabalik ang bata sa pagtulog. And he still has that habit of sleeping while being carried in someone's arms.

One-month is the critical stage. Nangangapa ako at naninibago sa lahat ng nangyayari. Ang daming dapat aralin, mabuti na lang mayroong instict bilang isang ina. There are times I would panic. Mabuti na lang kasama ko si Trigger.

Volcan's really sensitive. Baby pa siya pero ang dami na agad ayaw. He would cry a lot. Normal daw iyon sabi ng doctor. It's much better than not crying that much. Mas healthy daw ang baby kapag mas umiiyak.

Narinig ko na naman ang palahaw ni Volcan. Sinilip ko muli sila. Some of them look sick. Naintindihan ko iyon ng makita ko si Volcan na inihiga ni Trigger sa couch. Inaalis niya ang lampin na tela ng bata na nagsisilbing diaper nito. Volcan has a sensitive skin.

Nagkakaroon siya ng rushes every time gagamit siya ng diaper. It irritates his skin. He wouldn't stop crying unless he isn't wearing one. Gusto yatang laging magborles kagaya ng ama niya.

Natawa ako ng biglang sumigaw si Reagan Ishmael, ito yata ang nakasambot ng telang lampin ni baby Volcan. Tumigil naman ang pag-iyak ng baby.

Puro telang lampin ang gamit ni Volcan, nagsusuot lang siya ng diaper kapag may appointments kaming kailangang puntahan sa doctor niya. Blessing in disguise na rin iyon, at least hindi na kami sasama sa populasyon ng diapers na nagkalat sa daan na kinakain ng stray dogs.

That's a lot of work to do. Kailangan naming maglaba ng lampin ni Volcan, ayoko namang magpalaba sa hindi ko kakilala. Trigger suggested to just throw the used lampin, hindi ako pumayag. Wala siyang choice kung hindi labhan ang mga iyon, he doesn't want me to help him with that.

Hindi ko alam kung tatawanan ko si Trigger. It's kinda funny how he can be ruthless to everyone but he does all the chores and the sweetest when it comes with his child and me. I love him.

Binuhat ni Trigger ang baby matapos nitong palitan ng telang lampin si Volcan. Mukhang tulog na si Volcan. They still look like they all want to vomit.

Inihain ko ang luto kong tinola at chicken adobo sa mahabang mesa. Naglagay rin ako ng kanin at loaf bread sa mesa. Inayos ko rin ang placemats at mga plato. Naghanda rin ako ng iba't ibang uri ng prutas at inumin. Kasya naman ang twenty individual sa mesa.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon