CHAPTER TWENTY-SIX
"Badiday, halika!" tawag ko sa batang babae.
Napakamot ito sa ulo pero dali-dali naman nitong iniwan ang ginagawang island castle sa buhanginan sa labas ng bahay at tumakbo papalapit sa bintana kung saan ako nakasilip.
"Bakit po ate Ara?" inosente nitong tanong.
Hindi ko alam pero natatawa ako sa ayos niya. Panlalaki kasi ang buhok niya. It's cute. Ang aliw tingnan.
"Samahan mo ako kala Maryjean, bili tayong manggang may alamang at saka banana cue. Nanunubig ako," sabi ko sa bata.
"Maaano ka baya non," nakangusong sabi niya.
"Maaano?"
"Masakit ang tiyan mo ngani. Bawal baya pagsabayin ang maasim at matamis parang pag-ibig," pangangatwiran niya.
Ngumisi lang ako. Ang bata pa nito, pag-ibig agad ang bukambibig. "Bibilhan kita ng halo halo." Pangba-bribe ko sa bata. "Tapos kakausapin ko kay Mang Kanor na isama tayo sa bayan bukas.
Agad naman itong napaisip pero sa huli ay ngumisi rin at tumango. Sa kanila ako nakikitira simula noong mapadpad ako sa pier ng San Andres. They let me stay in their house for free. Maliit lang iyon at style kubo. May dalawang kwarto ang bahay at malinis.
Kahit anong pilit ko magbayad mula sa perang nasa wallet pero tumanggi ang matanda. Sa kanila raw muna ako manirahan hanggang andito pa ako sa San Andres. Tinanong lang ako ng lolo nina Titing kung saan ako galing, wala naman akong maisagot na maayos maliban sa lulan ako ng barkong dumaong. Kinuwento ko na lang na taga-Manila ako at sinabi ang tunay kong pangalan.
They are good people and very welcoming but they trust easily. Sabi ni Mang Kanor, hindi raw masamang tumulong sa kapwa kahit hindi lubos na kilala, wala raw pinipili ang pagtulong. Kung mayroon daw akong gagawing masama sa kabila ng pinakita nilang kabutihan, konsensya ko na raw iyon.
I felt glad that these people still exist in this society. They are just pure.
Isinama nila ako sa Alibijaban. I left the island but I found myself set foot on another beautiful paradise again. It's an island called Alibijaban but Pulo for the locals.
indi pa gaanong kilala ang isla pero may pailan-ilan na ring dumadayo rito. It still has no restaurants, hotels and such fancy things other beaches have. May maliit iyong komunidad. Ang mayroon lang ay mga kubong pinaparenta para sa mga turista o kaya ay tents, at kinukuha pa mula sa mga poso ang tubig sa paliligo at kahit paglalaba which I had to experience myself. And I want it to stay that way.
Wala rin silang washing machine. Minsan ipinaglalaba ako nina Badiday at ng dalawa niyang kalaro. Binibigyan ko na lang sila ng pera o kung minsan nililibre ng gusto nilang pagkain. Kahit pisong junk food, masaya na sila. Negosyo raw nila iyong magbabarkada.
Tumutulong na lang sa gawaing bahay. Ako na ang naghuhugas ng plato at naglilinis ng bahay. Iyon na lang ang kaya kong magawa para sa kanila.
Ipinakilala ako nila bilang kaibigan ng amo ni Badette—ang nanay ng dalawang bata na anak ni Mang Kanor para makaiwas sa mga tsismis at para na rin sa kaligtasan. Nangangamuhan daw iyon sa Manila at minsan lang umuwi.
Bangkero si Mang Kanor, naghahatid-sunod siya sa mga pasahero mula sa pier papuntang Alibijaban. Iyon ang kanilang hanap-buhay, katulong niya ang kanyang mga apo minsan. Kagaya noong matagpuan nila ako. Grade four na pagpasok si Titing samantalang maggra-grade two na si Badiday.
Palaisipan pa rin sa akin ang wallet na ibinigay ng batang lalaki. Alam kong si Trigger iyon. Siya lang naman ang kumuha ng larawang iyon. Does that mean he know where I am? They know? Alam niya rin ba kung nasaan ako ngayon?
BINABASA MO ANG
Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)
Ficción GeneralTwenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other cliché stories, will love be their weakness? • Alpha Sigma Omicron • ---- After facing life's wrath...