5. Glimpses

54.9K 1.8K 411
                                    

CHAPTER FIVE

I had a busy schedule the whole week. Nakaramdam ako ng pagod pero fulfilled ang aking buong pagkatao. Gustong-gusto ko ang trabaho ko bilang editorial writer at madali lang akong nakapag-adjust sa bagong kompanyang pinagtatrabahuhan.

Ito ang buhay na gusto ko na napaka-imposibleng ibigay ng mga Eduardo. I was overwhelmed the first time I saw my name on the newspaper.

Papalapit na ang prestihiyosong National Press Awards. Taon-taon iyon nangyayari. I don't want to attend the event, alam kong pupunta sa okasyon ang mga taong iniiwasan ko pero mapilit si Pablo. He wants me to be there with him, chance na raw namin iyon para makapag-unwind.

As if. Gusto niya lang makita ang mga crush niyang journalists at newscasters.

Hindi naman ako nanalo sa argumento kaya sa huli siya rin ang nasunod. The Manila Times is aiming for the Newspaper of the Year Award, Media Partner of the Year Award, Best Source of Information Award and the other categories. I know Daily Journal is targeting those awards also.

I do hope they bring back the glory. Para sa sinimulan ng daddy at lolo ko. Kahit wala na ako sa Daily Journal, tagumpay pa rin nila ang gusto kong mangyari.

It was Sunday afternoon when I decided to buy myself a dress for the event. It was my day off, well, sort of. I'm checking my emails every hour, kaya parang kahit wala ako trabaho, iyon pa rin ang focus ko.

Kung schedule ang pag-uusapan, mine isn't that hectic compare to those journalists in the field, I mean those covering news in every part of the country, but both needs hard work.

Mag-isa akong tumingin-tingin sa boutique ng gown na maari kong maisuot sa gaganaping event sa Sabado. Hindi available si Pablo para samahan akong maghanap ng gown. I'm not confident with my fashion style. Wala na akong choice, ito na lang ang araw na maaari kong ilaan sa pagbili ng damit.

Halos taon-taon akong nakakasama sa Awards Night, being an Eduardo, it was a privilege. Kahit noong naging secretary ako ni uncle, kasama ako sa pagtitipon.

Narating ko ang third floor ng mall ng wala pa ring damit na napipili. Agad na nakuha ng atensyon ko ang isang boutique. There are several gowns wore by mannequins displayed in the glass window.

Reign's Realm.

I'm not totally insane to forget the wedding gown designer. I'm here to purchase, nothing personal or something. This branch is for dresses and gowns for different occasions, iyong main boutique niya ay mga wedding dresses.

May mangilan-ngilang tao ang nasa boutique. Pinasadahan ko ng tingin ang mga gowns nakadisplay gamit ang mannequin, they are wonderful. May isang rack din sa gilid with magazines, I'm sure, magazines featuring her creations.

The black halter dress on the side caught my attention. Simple lang ito at walang beads and complicated sequence na nakakabit. The neck part and upper breast of the dress has lace and full of intricate and delicate motifs. Manipis ang telang iyon. Heart-shaped ang design sa may upper breast. It embraces the curve of the torso. From waist to toes, the fabric flows gracefully.

It is beautiful indeed. That was a love at first sight!

Kinuha ko ang hanger ng dress. Bago ko pa man ito madala sa fitting room may humila nito sa akin.

I looked at the woman. She's wearing a V-cut sleeveless sando style paired with skimpy maong shorts, na halos iluwa na ang dibdib niya, may choker siya sa leeg and to add with her look, she wore a knee-high pointed heel boots.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon