24. Agreement

46K 1.4K 403
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

WARNING: SPG. Read at your own risk, or better skip.

"Is it true? Did you try to kill him, Trigger? Ikaw ba ang may gawa? Is this your another murder that didn't succeed?" Lumuluhang tanong ko sa kanya. I decided to confront him after what I saw on the television.

He was with his friends. Umiinom sa bar counter ng mansion. Para silang mga gagong nakahanay doon. May ibang nakaupo sa stool, iyong iba ay nakaupo at nakahiga na sa sahig. Hindi ko alam kung tinablan na ng alak iyong mga nakahiga.

Hindi ako interesado. May iba akong pakay at iyon ang kailangan kong gawin.

I am mad. Hindi ko na alam kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon.

Napanood ko kanina ang nangyari kay Uncle Lucas. He was hospitalized. Malala ang kondisyon niya matapos mapuruhan. He was still in coma and being observed in the ICU. Hindi ko maintindihan ang detalye ng nangyari.

Pinasok ang kanilang bahay ng armadong kalalakihan at pinagsasaksak ng mga iyon ang matandang Eduardo.

Ang alam ko lang ay ang tatak ng fraternity nina Trigger na nakaukit sa sahig kung saan siya natagpuang nakaratay at isang tatak na asong lobo. They are the suspects. Alam kong ginawa nila iyon. Ang hindi ko alam ay ang motibo. Ako na naman ba ang dahilan?

Tigmak ang luha ko nang harapin niya ako. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang sarili ko. I don't know how I look but I'm sure I look terrible. Namamaga ang mata ko. Wala pa akong maayos na tulog, there's a black surface around my eyes.

Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa sunod sunod na dagok nitong nakaraang araw. Sinimulan ng pagkawala ni Pablo, pati ang kay Xiana ngayon naman ay si Uncle Lucas at kagagawan na naman ni Trigger ang nangyari.

"Go away, fuckers!" Bulyaw niya sa mga kalalakihang naroon.

Hindi naman natinag ang mga ito at nanatili sa kani-kanilang pwesto habang tumutungga ng alak. They aren't using glasses. Sa mismong bote na sila sumisimsim.

"We want to watch a live action! We'll bet who's gonna win." Nakangising turan ni Jianyu. "Who's betting for our girl Aramis?" pumapalakpak pa nitong sabi. "We won't win on the the underdog!"

Hindi ko alam kung lasing na ba siya o talagang baliw lang ang lalaki. Wala akong balak alamin. Nakatunganga lang sa amin ang ibang kasamahan nila. They looked high. But I don't think they use drugs.

Imbes na matawa sa sinabi niya, I can't. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi iyon ang ipinunta ko. I'm confronting Trigger. Kailangan naming mag-usap.

Hinila niya ako papunta sa ikatlong palapag ng hindi gumalaw ang mga lalaking iyon. Pabalang niyang binitawan ang kamay ko at isinara ng malakas ang pinto nang makarating kami sa kwarto.

"What do you want?" baritono nitong tanong. Naupo siya sa kama habang nilalagok ang dala niyang bote ng alak.

"Did you do it?" matalim kong tanong.

Bored siyang tumingin sa akin. "What do you think?" He asked arrogantly.

Ilang beses akong huminga nang malalim. Pinilit kong ikalma ang sarili ko kahit naiiyak pa rin ako.

"Why the hell did you do that? What did he do to you? Balak mo bang patayin lahat ng taong naging parte ng buhay ko?!" I yelled at him.

Why does he loathe every single person I had contact with?

My relatives weren't the best people in the world nor the kindest. There were times they didn't treat me right but they didn't deserve it. They may not be that good pero kailanman ay hindi ko hininging mangyari sa kanila iyon.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon