CHAPTER TWELVE
Hindi natuloy ang plano kong pang-aakit kay Trigger. The efforts of reading erotica books went down the drain.
Mainly because, the men came back earlier than my expected time. Puno na naman ng mala-model na lalaki ang isla. At mas lalong humigpit ang seguridad. For sure, they knew what happened when they all left.
Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit sila umalis in the first place. And Trigger's not around this time. Hindi ko alam kung saan pumunta ang gago, umalis ito kinaumagahan pagkatapos naming mag-overnight sa floating cottage.
It happened fast.
After we stayed there for a night, we went to mansion early in the morning. We didn't do any malicious act. We just cuddled. Pero madalas ang kamay niya sa dibdib ko. So bakit parang dismayado ako na walang nangyari? Stop it, Aramis. Ang harot mo.
I sighed.
Nang tanghali ring iyon ay dumating na ang mga adonis sa isla. They went aboard a plane and chopper. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang dami nila. They were armed.
I can slice the familiar eerie ambiance again. Natatakot na naman ako.
Isang linggo ko ring hindi nakita si Trigger matapos ang gabing iyon. Hindi talaga nagpakita si Trigger ng mga sumunod na araw kaya wala ako sa huwisyo. Nakakainis. Mas pabor iyon sa akin na wala siya pero pakiramdam ko ay may kulang. Hindi ko rin magawang lumabas ng isla.
He's the reason why I'm being skeptical for my safety, but despite the things he did to me, I still feel I'm the safest whenever I'm with him. He saved me the last time from danger. He let me experience the beautiful scenery of the island. I couldn't just ignore those.
He has flaws. He is very flawed.
I woke up with a feeling of an intense gaze from someone. Mabagal kong iminulat ang aking mga mata, only to find out that someone's really looking at me. Trigger was sitting on the couch. Prente itong nakaupo habang titig na titig sa akin.
Itinaas ko ang kumot sa aking dibdib na tinutumbok ng kanyang mga mata. I saw him smirked. Hindi rin nakaligtas sa akin ang marahang pagbasa niya sa kanyang mga labi. That's hot. The sun's hot already.
I cleared my throat. Umagang-umaga ang halay ng gago.
"Where have you been?" I asked him.
Hindi siya natinag sa tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin. Napailing ako.
Alam ko na ang takbo ng utak ni Trigger and he sucks in a conversation like this. Madalas ay hindi siya sumasagot nang matino. Minsan iniisip ko na baka hindi niya ako naiintindihan, he's a foreign blood. Pero nakakapagsalita naman siya ng Tagalog.
"Pack your things," he said coolly.
Napabalikwas ako ng bangon at kunot na kunot ang noo kong tiningnan siya. "Where are we going?"
Tumayo siya. "We're going back to the city."
Nanlalaki ang mga mata kong nakatunghay sa kanya. I wasn't aware of how stupid I look. Wala din naman akong pakialam. I was shocked. Para akong nabulunan sa narinig. Mabilis ang tahip ng aking dibdib.
"Ano... in any case... are you...?" Nawala ang pag-asa ko ng umiling siya.
"Not gonna happen, sweet. Remember, you're trapped with me." He flashed his infamous arrogant smile. "Now, do yourself a favor and pack your things unless you want to get naked while we are there."
Mabilis pa sa alas kwatrong bumaba ako ng kama at nagtatakbo sa walk in closet.
There I found a luggage organizer bag. Mabilis ko iyong kinuha at inilapag sa kama, not minding Trigger. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naghahalo ang kaba at saya. Ang kaalamang makakatapak muli ako ako sa siyudad ay nagpapakaba sa akin. Ganito kaya ang pakiramdam ni Tarzan? Aba, malay ko hindi naman ako si Tarzan. I bit my nail.
BINABASA MO ANG
Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)
Fiksi UmumTwenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other cliché stories, will love be their weakness? • Alpha Sigma Omicron • ---- After facing life's wrath...