CHAPTER ELEVEN
Kailan ba ako huling nakatapak sa lungsod? Kailan ba ako huling nakipagsiksikan para lang makasakay ng jeep? Kailan ba ako huling naipit sa traffic sa EDSA? Kailan ba ang huling pagsuong ko sa alikabok at polusyon?
It seemed forever since the last time I had experienced all those things I took for granted. Ilang buwan na ba akong nanatili sa isla? Four months. That long. At hanggang ngayon, andito pa rin ako.
If the situation weren't like this one, I would love to stay in this place. Napakaganda nito para pamahayan ng mga demonyong nagkatawang-tao.
Those memories, those things... it seemed like they come and go, to think na madalas kong kainisan ang mga bagay na iyon pero ngayon ay nakakaramdam ako ng pagkasabik. I know it's normal. It's a reminder that I'm free. And I wasn't able to experience that again while living here in the island for quite so long.
I want to be free and fly on my own. Hindi iyong para akong ibon na nakakulong sa isang hawla. That's what I really am right now. Isang ibong walang kakayahang lumipad.
Ayoko nang tumagal pa sa isla. In every passing day, it's not just my life at risk. Alam ko iyon. Bago pa man ako mahulog sa ibang bitag, I have to find a way to leave the island. Mas magiging magulo ang buhay ko. Inip na inip na ako.
Gusto ko ng balikan ang naiwan kong buhay sa siyudad. But even that, I know, it's impossible. Hindi na iyon maibabalik. Magtatago ako sa malayong lugar kapag nakatakas ako. I'm sure they would try to find and capture me again, maibalik lang sa islang ito or worse, kill me for real. Lalo na ngayon na may alam ako sa totoo nilang identity.
They would kill me if I escaped, that's for sure, but what about my other plan?
Really, Aramis?
Hindi ko alam kung bakit ko iniisip ang posibilidad na akitin siya. I feel the sexual tension every time we are close to each another. He has an effect on me the same way I have on him. If I used it, it could be my advantage. Kaya ko nga bang gawin iyon?
I am considering that plan, pero natatakot ako, pakiramdam ko ay ako mismo ang nagtatakwil sa aking katawan sa kapahamakan. That's the most plausible plan I could think of. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng ibang option at ibang pagkakataon.
If I made a deal with him, katawan ko kapalit ng kalayaan, would he consider it? Tutuparin ba niya ito? Would he be true to his words? Or maiiwan lang akong nganga? Tinikman lang at hindi tumupad sa usapan. Isa pang inaalala ko ang bagay na iyon. Hindi ako sigurado kung tutupad siya sa magiging usapan.
What made me think otherwise was how he saved me from those fishermen who tried to steal things in the mansion. Hindi niya hinayaang makalapit ang mga iyon sa akin. Alam kong may parteng lumambot sa puso ko sa gesture ni Trigger. Doon ako kumakapit. There's goodness still.
I hate this. I hate being helpless.
Wala man lang akong magawa para makaalis sa sitwasyong hindi ko naman pinasok in the first place. It was like life's playing with me, "Surprise, Aramis! You'll meet the devil incarnate and live with him for months. Good luck on your journey. Hope you don't die. Mwah, tsup tsup!" Ganoon ang nangyari.
It took me by surprise. Iyong wala man lang akong ideya. Mukha akong tanga.
Kinain ko rin ang ideya kong hindi na ako muling papasok ng library. That's what I am doing most of my days. I'm trying to search for a book that will teach me how to seduce a man. It's not innate in me. Wala akong kaalam-alam sa ganitong departamento.
Ilang librong erotica na rin ang nakalatag sa harapan ko o anything na medyo mahalay. I even found the kama sutra book. Pinamumulahan ako habang sinisipat ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)
Fiction généraleTwenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other cliché stories, will love be their weakness? • Alpha Sigma Omicron • ---- After facing life's wrath...