10. Enigmatic Knight

55.3K 1.9K 308
                                    

CHAPTER TEN

Ang sarap ng tulog ko. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ganoon na lang kasarap sa pakiramdam. It was like someone fought to keep the monsters at bay to keep me warm at night. I felt happy more than what I felt in many years. Matapos ang ilang buwan kong dagok, naging masayang muli ako.

Kinapa-kapa ko ang higaan ko. Nang makapa ko ang unan, agad ko itong niyakap.

Weirdly enough, it hugged me back. Nakapulupot ito sa akin na para bang may kamay. Much weird, imbes na itulak ko ito papalayo ay mas lalong nagsumiksik ako rito. I still wanted to rest. And I found comfort in its hug.

Ayoko nang bumangon dahil alam kong masamang pangitain na naman ang bubungad sa akin. I liked its scent. Naamoy ko na iyon dati. I just couldn't remember it.

Surprisingly, matigas iyong unan. Pinisil-pisil ko iyon. May curves. Parang may nakaumbok at may flat. Hinipo ko na rin para makasiguro.

Parang... parang katawan ng tao!

Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto ko ito. And I was right. It was a human body.

I tried calming my nerves by trying to breathe slowly. Sapo ko ang parteng dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok nito. I wanted to scream but I didn't. I knew better.

Nang makalma ko ang aking sarili, maingat kong inalis ang kumot sa parteng mukha ng mapangahas na talipandas na pumasok sa kwarto ko.

I heaved a sigh of relief when I saw Trigger's face.

Wait, what?!

Napanatag akong si Trigger ang nasa kwarto ko? Seriously? Pinilig ko ang aking ulo bago pa man ako makapag-isip ng kung ano. Kulang ako sa pahinga kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa aking utak.

I stared at his face for a moment. He's really handsome. Those lashes, strawberry red lips, pointed nose, prominent cheekbones and jaw. He grew stubble but it didn't make him look old kagaya ng ibang lalaking may short hair sa face. In fact, mas nakadagdag pa sa appeal niya.

He doesn't look like an angel. Rugged pa rin ang dating niya kahit tulog. But at least, he looks calm and peaceful. Hindi siya mukhang maninigaw sa lagay niya ngayon.

I let myself touched his face. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko kung bakit ko ginawa iyon, I just felt I had to. Dinama ko ng kamay ang kanyang mukha.

Medyo rough iyong parteng may facial hair. Pinadaanan ko rin ng kamay ko ang kanyang matangos na ilong. Hindi ko alam kung bakit ako nangingiti habang pinagmamasdan siya. Hinawakan ko rin ang kanyang labi. Malambot ito.

Napaka-gwapo niya habang natutulog. Sana matulog na lang siya forever. Napahagikhik ako nang mahina.

Agad na napawi ang ngiti ko nang gumalaw si Trigger sa pagkakahiga. He slowly opened his eyes. Naiwan ang kamay ko na nakadampi sa malambot niyang labi. Pakiramdam ko ay aatakehin ako sa puso sa sobrang bilis ng pag-palpitate nito.

What struck me the most, hinila niya ang daliri kong nakapatong sa labi ko at kinagat iyon. Hindi naman masakit, but it surely has an effect. Soft electricity flowed through my system once again. Ilang boltahe ng kuuryente ang dumaloy sa buong katawan ko sa ginawa niyang pagkagat sa aking daliri.

I felt that sensation before.

Nakatulala lang ako sa kanya habang nanlalaki ang mata. Hindi ako makagalaw. Hindi ko magawang i-ayos ang aking sarili.

"Enjoying the view?" He plastered an arrogant smile.

Parang aminadong-aminado siyang gwapo at sinasamba ng mga kababaihan.

Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon