CHAPTER NINE
I have seen new faces in the island as the days passed by almost immediately. I saw the guys in topless, in their boxers, in whatever. All of them are good-looking and hunk with muscles in the right places. That's given.
Mukhang sukatan bago makapasok sa fraternity na ito ang kagwapuhan, kayamanan at siguro kahit sukat ng 'toot' nila.
I am not going to give them the satisfaction by giving them compliments. Well, they are good-looking beasts. Sa loob nito ang kasamaan. Hindi por que't maganda ang panlabas na anyo, ganoon din ang kanilang budhi.
Balak kong huwag silang pansinin habang namamalagi ako sa isla. Iba sila kung makatingin. Parang nangangain ng buhay.
I shuddered at the thought.
Kailangan ko silang iwasan pero hindi ko naman magawa. Ilang araw na rin akong bantay ni Trigger simula ng dalhin siya sa mansyon ng may tama ng baril.
Kung um-arte ang gago, aakalaing hindi pa talaga magaling. Masyadong pa-asikaso. He was acting as if he couldn't walk straight and he needed me as a support. Pero nahuli ko siya kahapon na palakad-lakad sa kanyang kwarto habang may sinisigawan sa phone. Hindi na niya iniinda ang kanyang sugat.
Hindi ko maintindihan ang trip ng gunggong sa buhay. Baka naman gusto nitong gawing career ang pag-arte. E, aba, kung ganoon! Huwag na niya akong idamay sa hopeless dream niya. Mayroon naman wheelchair kung gusto niyang i-career. Letse!
I confronted him with what I saw in my very own eyes and he just smirked. Kahit nahuli ko ang binata sa ako, patuloy pa rin siya sa pagpapanggap na parang wala akong nakita. Siya pa itong malakas magalit kapag ibinibigay ang gusto. I hate him more for that.
Ako ang agrabyado. Hanggang sa banyo ay kasama ako ng gago.
I went to the kitchen after he requested for foods. Dakilang alalay ang turing niya sa akin. Bahala siyang maghintay sa pagkain.
Namamangha kong nilibot ang mata sa kabuuan ng kusina. Hindi ko ito nagawang pagmasdan nang gabing nagtangka akong tumakas. It was incredibly huge and filled with different equipment and kitchen galore.
May ilang pamilyar sa aking kagamitan at maraming hindi. Hindi naman ako taong kusina. I know how to cook some dishes. Pero hindi ako confident sa cooking skills ko, hindi ako ganoon kagaling sa gawaing bahay.
Sa gitna ay mayroong counter habang sa tapat nito ay may nakasabit na tatlong bahagyang small-sized chandeliers. The cabinets were in color brown. Ito lang ang naiibang kulay dahil halos karamihan pa rin ng gamit ay kulay itim, puti at abuhin.
Someone cleared his throat.
Natigilan ako sa pagmamasid at hinarap ang pinanggalingan ng boses.
I wasn't able to speak, not because he's utterly gorgeous. The guy has Greek nose and hazel eyes that make him stand out. He has resemblance to Greek people.
Halos lahat ng kalalakihang nasa isla ay parang nagmula sa Mt. Olympus.
My steps were calculated. Hindi ko gustong makipag-usap sa lalaki o sa kahit sinong miyembro ng kanilang organisasyon. Nasa tapat ng malaking refrigerator ang demigod. Was he here before? Hindi ko napansin ang kanyang presensya. That's what makes them more scary.
I couldn't hear any footsteps or any sign that they exist. Bigla na lang silang sumusulpot na parang kabute.
He was holding a glass of wine in his hand, pinaiikot-ikot niya ang alak sa baso.
A smirk formed his lips. Certainly, he's not a friendly species just like the other guys I have met. Mukhang isa-isa siya sa mga hari-harian ng isla. Unang tingin pa lang, alam kong magaling ito sa babae. His aura screams arrogance, supremacy and fuck-all-things-that-move.
BINABASA MO ANG
Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)
Ficción GeneralTwenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other cliché stories, will love be their weakness? • Alpha Sigma Omicron • ---- After facing life's wrath...