CHAPTER NINETEEN
Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Kabisado ko pa rin iyon hanggang ngayon mula sa kurtina hanggang sa kamang hinihigaan ko. It became my safe zone for months. Alam kong nasa isla na akong muli.
Gusto kong mag-panic. Hindi ko alam kung paanong nangyaring nadala nila akong muli rito. I was with Trigger. Iyon ang huling natatandaan ko.
Nasapo ko ang noo ko ng maalala ko ang bawat pangyayari bago ako panawan ng ulirat. Nabaril si Trigger sa braso. Muli akong nakaramdam ng takot at pangamba. My eyes easily welled up with tears. Hinanap ng paningin ko si Trigger sa kwarto pero hindi ko siya nakita.
"Damn it, why are you crying this early?"
Pumikit akong muli bago ako nagmulat para siguruhing hindi ako nanaginip. I looked at Trigger. He's standing in front of me with a piece of towel covering his lower part. Lumabas siya ng banyo.
"Are you okay?" I asked him.
Bumangon ako sa kama, marahan akong lumapit ako sa kanya. I examined his shoulder that was shot. Tumango naman ito habang titig na titig sa akin. Pinunasan niya ang luha ko. Kinapa ng kamay ko ang parte kung saan tumama ang bala. May gauze bandage na iyon.
Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin ang pagluha ko. Ganoon pa rin ang pag-aalala ko sa kanya.
Ginulo niya ang buhok ko at isunubsob niya ako sa kanyang dibdib . He held me tightly. Binigyan niya rin ako ng masuyong halik sa tuktok ng ulo ko.
"I'm well, donna. Malayo sa bituka," he said trying to calm me down.
Hindi ko pa rin mapigil ang pagluha ko. I know he's okay but I'm still worried. Hindi ko alam kung makakaya ko kung may nangyaring masama sa kanya. Mabuti na lang at daplis lang ang tama.
"Why do you have to risk your life? Why do you have to do that? Hindi mo naman kailangan makipagbarilan sa kanila because they tried to hurt us. I just need us to be safe." I said weakly. "Paano kung mas malala ang tama mo? Paano kung—"
He stopped me mid-sentence by kissing me on the lips. Nakangisi ito nang maghiwalay ang mga labi namin. "Shut up. Stop whining over that. I'm alive and still kicking and that's what matters." His smirk widened. "You are supposed to be happy when I am gone."
Pinagpapalo ko siya sa dibdib. "You're giving me a heart attack." inis kong wika sa kanya. Pinahid ko ang luha ko. "Bwesit ka talaga! Hindi naman ako masama para gustuhin kang mamatay!"
Sumeryoso naman ito. "Were you worried?" He asked.
Malakas ko uli siyang pinalo kahit wala naman iyong epekto sa kanya. Sinambot niya ang kamay ko sa ere at ibinaba iyon.
"I'm asking you, donna."
I crossed my arms. "Hindi pa ba obvious? Malamang naman 'di ba? Muntik pa akong atakehin sa puso ng dahil sa'yo. Nahimatay ako! Tapos tatanungin mo ko kung nag-alala ba ako? Hindi pa ba obvious, gago?!"
"Why were you so worried, huh?"
Natigilan ako.
Biglang namula ang mukha ko sa tanong niya. Bakit nga ba? Well, malandi ka kasi. You fell for him. Sabat ng matinong parte ng utak ko.He can't know about that. Taimtim na nakatingin sa akin si Trigger at naghihintay ng sagot ko.
Mariin akong nag-isip. Anong ipapalusot ko? Hindi niya pwedeng malamang may nararamdaman ako sa kanya.
"What?"
"Of course, I care for you. You're being good to me. You're not the same guy I met months ago. And I think we can already pass as friends." Lame.
Halos kantiyawan ko ang sarili ko sa sagot na 'yon.
BINABASA MO ANG
Trapped ✔ (Alpha Sigma Omicron #1)
Ficción GeneralTwenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other cliché stories, will love be their weakness? • Alpha Sigma Omicron • ---- After facing life's wrath...