Chapter 25: Son

48 5 5
                                    

Chapter 25

Kanina pa nakaalis si Ronniel pero nanatili ako sa labas ng bahay hawak ang mga gamit para sa anak ko na inabot niya sa akin. Natatandaan kong ang mga ito ang binili ko noon para kay TJ pero hindi ko nabili dahil sa bilaang pag-aaway namin.

Kung hindi pa ako pinuntahan ni Alice ay hindi ko mamamalayan kung ilang oras na akong nakatayo sa labas ng gate.

Hindi ko magawang alisin sa isip ko ang mga salitang sinabi niya. He still loves me. Sinabi niya mismo na mahal niya pa rin ako. Pero papaano kapag nalaman niyang itinago ko sa kaniya ang tungkol sa anak namin? Mamahalin niya pa rin ba ako?

Hindi ko magawang makatulog ng maayos dahil sa pag o-overthink. What if malaman niya ang tungkol kay TJ magagalit siya s akin at maaaring kunin niya sa akin ang anak ko.

Aalis na rin naman siya. Babalik pa kaya siya? Talaga bang kakalimutan niya na ako pati ang nararamdaman niya sa akin.

***

Maaga akong nagising kinabukasan. Itinabi ko ang mga gamit na binili ni Ronniel at naghanda na ako para bumalik sa manyon.

Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni maam Vienna nang makita niya ako.

"Nurse Lorrie. I'm glad you're here. Bumalik kasi si Ronniel sa bahay niya. Kahit na pilitin ko siyang dito muna mag stay habang nag e-extend siya ng araw niya rito."

Nagulat ako roon. "Talaga po nag extend siya?" Tanong ko.

"Yes, he's actually finalizing all his papers he decided to stay in the US for good." Ngumiti si maam Vienna. "Suguradong matutuwa si Gabriella nito. At siguradong magkakaapo na rin ako.

Mapait akong napangiti. So nag extend lang siya para maging maayos na ang pag stay niya sa US?

"Nagkausap na ba kayo? I don't know if you're close with him but you took care of him right?"

Tumango ako. "Yes po at medyo matagal din iyon."

"Exactly! That's why I didn't tell him about you taking care of me. I want to surprise him dahil siguradong hindi niya inaasahan ito."

"Matagal na rin po sila ni Gabriella sa US. Bakit hindi pa po sila nagpapakasal?"

"Oh that's the question that I don't have any answer. All I know is that they're living together. oh, I'm not sure with that either."

Parang may kung anong malakas na bagay ang humampas sa dibdib ko. Ang tagal nilang magkasama. Siguro nga ay nakatira din sila sa iisang bubong.

"Hindi po ba kayo malulungkot kapag doon na siya permanenteng tumira."

Umiling si maam Vienna at ngumit. "No, because actually after my treatment, naka plano na rin na mag ma-migrate kami sa US. Susunod din naman kami sa kaniya so there's no reason for me to be sad."

Inasikaso ko si maam Vienna kahit pa ako mismo ay hindi rin maganda ang pakiramdam. Pinapanood ko si maam Vienna habang nag yo-yoga kasama ang instructor niya.

Nang sumapit naman ang gabi, matapos kong mapainomng gamot si maam Vienna ay agad akong dumiretso sa kwarto ko para makapagpahinga pero kahit anong gawin kong pagpakit ay hindi ako dinadalaw ng antok.

"Bukas na ang alis ni Ronniel. Dadaan muna siya rito para magpaalam at gusto ko ring ipakita ka sa kaniya. I want to tell him that I hired his previous nurse to take care of me." Nakangiting sabi ni maam Vienna.

Habang papalapit ang araw ng pag-alis ni Ronniel ay lalong dumadami ang iniisip ko. Kung mag dedesisyon akong sabihin sa kaniya maniniwala ba siya? Kamukhang kamukha niya si TJ paano kung isama niya siya sa America? Hindi ko kaya.

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon