Chapter 4
Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang naghuhurumentado kong puso. Hindi, hindi niya alam 'yon. Walang pwedeng makaalam ng trabaho kong 'yon.
"W-wala po." Sagot ko na hindi mapigilang mautal.
Nagsalubong ang kilay niya na parang hindi naniniwala sa sagot ko.
"Are you sure?"
"Of course, boss. W-wala po talaga. B-bakit po?"
Tanong ko at muli nanamang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumayo sa ng maayos at dahan-dahang lumapit papunta sa akin. Habang lumalapit siya ay kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa katawan ko. Huminto siya nang isang hakbang na lang ang layo niya. Amoy na amoy ko na ang menthol scent sa kaniya dahil bagong ligo siya.
"Nothing, you just look familiar to me."
"O-opo boss. Nagkita na tayo sa ospital diba?" Tanong ko sa kabila ng kabang nararamdaman ko.
"No, not just in the hospital. You really looked familiar to me." Sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Hindi 'yon ng tagal dahil nagiwas din siya ng tingin at bumuntong hininga. "Don't mind what I said. You seem like a decent woman; you won't do that." Sabi niya bago ako tinalikuran.
Parang may biglang humapas sa dibdib ko. Sobrang lakas ng impact sakin ng sinabi niyang 'yon. Pakiramdam ko sobrang dumi ko dahil sa trabahong 'yon.
"Nagalit ba si sir? Pasensiya na, akala ko okay lang." Si aling Mimi na hindi na mapakali. Pinagsabihan siguro ni Ronniel.
"Hindi naman po." Ngumiti ako para maging maayos ang pakiramdam niya.
Iwinala ko ang naging usapan namin at tiningnan ang oras sa wristwatch ko. Itinuro na ni mr. Rey ang magiging kwarto ko dito sa bahay kaya umakyat na ako do'n para magpalit ng uniform ko.
Pagtapos kong magbihis at magayos ay oras na din para uminom si Ronniel ng gamot siguro ay tapos na siyang mag almusal.
"Nang, nasaan po si bossing?" Tanong ko kay aling Mimi.
"Nasa kwarto niya po."
Ngumiti ako bago siya tinalikuran. Itinuro na rin sa akin ang kwarto niya kaya umakyat na ako doon hawak ang isang tray na may baso ng tubig at gamot na para sa sugat niya.
Inayos ko muna ang sarili ko bago pinihit ang doorknob ng kwaro niya.
"Boss, oras na po ng gam—" Nabitin ang sinasabi ko nang lumabas siya ng banyo ng kwarto niya. Nakasuot siya ng slacks na pang-ibaba at dress shirt na hindi pa naibobotones.
"Why are you here?" Narinig kong tanong niya. Hindi ko na sana siya papakinggan dahil nag e-enjoy akong tingnan siya habang nahihirapan sa pagbobotones dahil sa benda niya.
"Sorry boss. Oras na kasi ng pag-inom niyo ng gamot." Nahihiya kong sabi. Hindi ako makapagfocus dahil kitang kita ko ang magandang hubog ng katawan niya kahit pa may takip ang bandang dibdib niya.
"Just put it there." Walang gana niyang sabi. "Wala pa ba si Rey?" Tanong niya kaya muli akong napatingin sa kaniya.
"Wala pa po."
"Rey is the one who helped me with these, but since you're here, why don't you help me instead? As you can see I can't move my arm properly." Sabi niya habang itinuturo ang dress shirt niya.
Hindi ko alam ang gagawin. Pero mukhang nahihirapan na talaga siya kaya nag aalinlangan kong inilapag sa side table ang tray at dahan dahang lumapit sa kaniya.
Sobrang lapit ng katawan namin. Matangkad siya at maliit ako kaya nasa dibdib niya lang ang mata ko. Nakayuko ako dahil iniiwasan kong magtama ang mga mata namin. Sinimulan kong ayusin ang kwelyo niya. Bago binutones ang sa pinaka itaas. Dahan dahan ang galaw ko at pakiramdam ko nanginginig ang mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Romance
RomansaRonniel was trying to build his life again. He's trying to move on from the heart ache that the woman he loved has brought him. Akala niya ay kaya niyang magsimula ulit nang walang babae sa tabi niya. But Lorrie suddenly came, and she makes him hap...