Chapter 13: Hugs and Kisses

98 8 1
                                    

Chapter 13

Umuwi na kami nang makaramdam kami ng gutom. Dumaan na muna kami sa isang kainan bago dumiretso sa bahay. Naabutan namin si aling Mimi na may kausap na binata sa tapat ng gate. May dalang bag ang binata. Siya na kaya yung anak niya?

Nagkatinginan kami ni Ronniel bago niya ipinarada ang kotse. Bumaba kami at ngayon ay nasa amin na ang atensiyon nila aling Mimi.

"Sir, anak ko po, si Ken dumalaw lang." Si aling Mimi nang makalapit sa amin.

Tiningnan ko ang anak niya sa tabi niya. Tingin ko ay mas bata lang ito sa akin ng ilang taon. Parang kaedad lang ni Tyler.

"Kenneth. Siya si sir Ronniel." Turo niya dito at 'tsaka bumaling sa akin. "Ito naman si nurse Lorrie."

Ngumiti ako sa kanila. Mukhang mabait naman ang anak ni aling Mimi katulad niya.

"Magandang araw po sir, sa inyo din nurse Lorrie. Naiku-kwento ni mama na ikaw daw ang ka usap niya lagi dito sa bahay." Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Naku, siyempre pampalipas oras namin ni aling Mimi ang pag-uusap kapag wala na kaming ginagawa."

"Nang, kumain na ba siya? Pasok na tayo." Singit ni Ronniel tsaka ako hinawakan sa bewang. Nakakahiya dahil wala pang alam si aling Mimi sa amin.

Naunang maglakad ang mag-ina papasok ng bahay at kasunod naman kami ni Ronniel.

"Alisin mo nga yan!" Sabi ko sabay alis ng kamay niya sa bewang ko.

"Bakit? Ayaw mong malaman nila?"

"Bakit? Ikaw? Gusto mo ba?" Panghahamon ko.

"Siyempre! Gusto ko malaman nila na akin ka."

Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Nakakahiya sa kanila."

"Dumating lang ang anak ni nanang e." Sabi niya tsaka naunang maglakad.

Huh?! Ang lalaking to talaga. Sumunod ako sa kanila. Sinundan ko siya ng tingin habang umaakyat sa hagdan. Nakita ko naman sila aling Mimi sa kusina na naghahanda ng pagkain.

"Nurse Lorrie, sabayan mo na kaming mag meryenda." Si Aling Mimi. Tumingin ako sa anak niya at nakangiti ito sa akin kaya nginitian ko din.

"Lorrie!" Narinig kong tawag ni Ronniel mula sa taas kaya napalingon kami doon.

Nahihiya akong tumingin kila aling Mimi. "Bago po kami umuwi ni bossing kumain na kami. Akyat po muna ako para tingnan ang lagay niya."

Iniwan ko sila at umakyat kay Ronniel, sa kwarto niya. Ano bang problema niya?

Dire-diretso ang pasok ko sa kwarto at naabutan kong naka-upo siya sa kama niya.

"Mas, inuna mo pa talagang pumunta sa kanila kaysa sumunod sa akin dito." Sabi niya nang magkasalubong ang kilay.

Gusto kong matawa dahil para siyang bata sa inaakto niya. "Siyempre, meron kang bisita dapat nga ikaw ang tumingin at mag-asikaso doon, nagagalit ka pa diyan."

"Unang araw pa lang natin, mag-aaway ba agad tayo?" Medyo nalungkot siya.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Ikaw kasi, mukha namang mabait yung bata."

Nakita ko kung paanong nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Bata?" Nakangiti niyang tanong.

"Oo, yung anak ni aling Mimi. Diyos ko Ronniel nagseselos ka do'n e kaedad lang ng kapatid ko 'yon. Sabagay... Kapatid ko nga pinagselosan mo din e."

Naramdaman ko ang pagpulupot ng dalawang braso niya sa bewang ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Ang kaniyang paghinga na nararamdaman ko sa leeg ko ay nagnibigay ng kakaibang init na gumagapang sa buo kong katawan.

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon