Chapter 20 (errors ahead)
Nagising ako ng madaling araw mahimbing pa din ang tulog ni Ronniel pero pinili ko nang bumangon para makapagluto para sa kaniya at maka diretso na sa ospital- kay Tyler.
Naabutan ko si aling Mimi ni naglilinis sa kusina. Nagulat pa siya nang nakita ako dahil halos isang buwan akong hindi nagpakita.
"Gusto ko pong tumulong handa."
"Aba'y sige. Mabuti naman at bumalik ka na. Nag-aalala na kami kay sir Ronniel. Pati iyong si Gabriella panay din ang balik dito. Parang hinihintay talaga ang pagkakataong wala ka." Sabi ni aling Mimi na nasa mga plato ang tingin kaya hindi niya napansin ang pagkagulat ko.
"Nagpupunta po si Gabriella dito?"
"Hay naku! Walang palya, nurse Lorrie. Parang dito na nga nakatira."
Natigil ang pag-uusap namin nang tumunog ang doorbell ng bahay. Nagkatinginan kami ni Aling Mimi.
"Ako na po ang magbubukas. Baka si mr. Rey po 'yon."
Tumango si Aling mimi bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Bakit ang tagal niyong buksan yung gate!" Sabi ni Gabriella nang makapasok siya sa bahay.
Tulad noong una ko siyang makita ay talagang maganda siya. Puno ng make-up ang mukha niya at hapit na hapit din sa katawan ang dress na suot niya.
Nang magtama ang mata namin ay nakita ko kaagad ang gulat niya.
"Why are you here?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.
"Bahay to ng boyfriend ko kaya natural lang na pumunta ako dito." Mataray kong sagot.
Mahaba talaga ang pasensiya ko sa mga tao. Pero iba ang isang 'to. Matapos kong marinig ang sinabi ni Aling Mimi ay parang naubos bigla ang pasensiya ko.
"Boyfriend, huh?" Sabi niya tsaka ngumiti. "Yung sinasabi mong boyfriend... Tinanong mo ba siya kung sino ang lagi niyang kasama dahil halos isang buwan kang nawala?"
"Bakit ako magtatanong. May tiwala ako sa kaniya. At isa pa, gwapo ang boyfriend ko kaya natural lang na may lintang umaligid sa kaniya." Tiningnan ko ang kabuuan niya. Sana may ideya siya kung sino ang tinutukoy ko.
"Sa ating dalawa ikaw ang dikit ng dikit sa kaniya. Ako ang nauna sa kaniya! Akin lang siya bago ka pa dumating!" Medyo tumaas na ang boses niya dahil siguro sa inis.
"Bakit hindi siya ang tanungin mo kung may nagmamay-ari ba talaga sa kaniya?"
"Hindi ko kailangang tanungin. Kita mo 'to." Lumapit siya sa akin tsaka ibinaba ang collar ng dress niya nakita ko ang mga pulang marka sa itaas ng dibdib niya. "Hindi ko malimutan ang hitsura ni Ronniel habang nilalagyan niya ako nito."
Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Ronniel at ni Gabriella na ginagawa 'yon habang wala ako. Agad akong nilukob ng galit at inis. "Sa tingin mo mapapaniwala ako ng mga markang 'yan."
"Gusto ko ring ipakita sa'yo kung gaano kami kasaya ng boyfriend mo noong gabing nilalagyan niya ako nito. Ilang gabi pa lang ang nakakalipas kaya hindi pa agad nawawala." Nakaingiti siya habang sinasabi 'yon. Mas nagpaiinis pa sa akin dahil ayaw kong maniwala pero hindi ko alam kung bakit nagdududa ako.
"Lumabas ka na!" Sigaw ko.
"Okay." Sabi niya tsaka nakangiting tumalikod. "By the way... I want to show you something but, I'll just send it to you later. Bye."
Parang kumulo ang dugo ko. Kahit pa nakaalis na siya ay parang gusto ko siyang hatakin pabalik at pagsasampalin.
"Nurse Lorrie, handa na ang almusal niyo."
BINABASA MO ANG
Unexpected Romance
RomanceRonniel was trying to build his life again. He's trying to move on from the heart ache that the woman he loved has brought him. Akala niya ay kaya niyang magsimula ulit nang walang babae sa tabi niya. But Lorrie suddenly came, and she makes him hap...