Chaptet 15
"O-oo, binili ko yan p-para sa kaibigan ko. Naiwan ko kaya binalikan ko."
Pinilit kong i-ayos ang pagsasalita ko para hindi niya mahalatang kinakabahan ako pero hindi ko nagawa. Hindi ko alam kung maniniwala siya sa sinabi ko lalo pa't matalino talaga siya.
Bumaba ang tingin niya sa maskara na parang sinusuri ito. Mabilis kong kinuha 'yon sa kamay niya. Nakita ko ang pagkagulat niya dahil sa ginawa ko.
Hanggang ngayon sobrang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Ang bagay na pilit kong itinatago sa kaniya... Alam na kaya niya? Nakayuko ako pero alam kong nakatitig pa din siya sa akin.
"A-alis na 'ko."
Tumalikod ako. Pero bago pa ako makagawa ng hakbang ay hinawakan niya ako sa braso. Nang humarap ako ay nakatitig siya sa mga mata ko. Hindi pa rin tumitigil sa paghuhurumentado ang puso ko. Kapag nagtanong pa siya tungkol sa maskara ay hindi ko na alam ang isasagot ko. Bumaba ang tingin niya sa maskara na hawak ko. Dahan dahan ko namang itinatago 'yon.
Bumuntong hininga siya bago inialis ang mga mata doon. "Nagkita kayo ni Gabriella?"
Parang lumuwag ang pakiramdam ko nang iniba niya ang usapan pero muling bumalik ang galit ko nang marinig ang pangalan ng babaeng 'yon. Hindi ko rin gusto na sa kaniya ko mismo naririnig 'yon. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Hindi naman ako selosa pero sobrang inis ang nararamdaman ko.
Kinalas ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Nakita ko kung papaanong nagdilim ang ekspresyon niya sa ginawa ko.
"Hindi niya sinabi sa'yo?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Mula sa pinto ay pumasok si Kenneth ay parehas kaming napalingon doon. "Sa kwarto tayo mag-usap."
Hindi na ako nakaapila nang hawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa kwarto niya.
Nang makapasok kami ay muli kong hinatak ang kamay ko at medyo lumayo sa kaniya. Humakbang siya palapit pero nagpatuloy ako sa paglayo. Hindi ko alam ang gagawin. Gustong-gusto ko siya pero nag-aalinlangan ako sa nararamdaman niya para sa akin.
Natigilan din siya dahil sa pag atras ko. Yumuko siya at nang mag-angat siya ng tingin ay kita ko na ang sakit sa mga mata niya. "Hindi ba sinabi ni nana na gusto kitang makausap?"
"Sinabi niya, ako ang may ayaw." Lakas loob kong sabi.
"And why is that? Huh? Anong sinabi ni Gabriella sa'yo?"
"Hindi mo ba siya tinanong? Hindi ba kayo nag-usap? Kung tungkol diyan ang gusto mong pag-usapan natin... Siya na lang ang tanungin mo. Ayoko na din maging nurse mo."
Sinikap kong lagpasan siya pero humarang siya sa dadaanan ko.
"Bakit ko siya kakausapin kung ikaw ang gusto kong makausap? At mag reresign ka? Aalis ka na lang kaagad nang hindi ako kinakausap? Hindi mo man lang ako papakinggan? Papaano tayo mag-tatagal kung ganiyan ka? Simpleng bagay lang ayaw mong pag-usapan." Ramdam ko ang pagpipigil niya sa galit niya pero ako, hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan.
"Kaya nga sinasabi ko sa'yo ngayon! Ayoko na! Aalis na 'ko!" Itinulak ko siya pero dahil sa lakas niya hindi man lang siya natinag.
"Pakinggan ko naman muna ako! Don't you trust me?" Frustrated niyang sabi.
Hindi lang naman ang tungkol kay Gabriella ang dahilan ng pag-aalinlangan ko sa kaniya. Kanina nang makita kong hawak niya ang maskara ko. Parang hindi ko alam ang dapat gawin. Natatakot akong bigla niya na lang akong layuan kapag nalaman niyang maruming babae ako.
"Pinaalis ko kaagad si Gabriella nang sinabi ni nana na umalis ka dahil sa kaniya. I'm your boyfriend kaya bakit ka nakikinig sa sinasabi ng iba? Sana hinintay mo muna ako."
BINABASA MO ANG
Unexpected Romance
RomanceRonniel was trying to build his life again. He's trying to move on from the heart ache that the woman he loved has brought him. Akala niya ay kaya niyang magsimula ulit nang walang babae sa tabi niya. But Lorrie suddenly came, and she makes him hap...