Chapter 17: Pain

80 3 2
                                    

Chapter 17

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang yakap niya noong gabing iyon. Nagising ako at nakitang wala na siya sa tabi ko. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at napansin kong nakasuot na ako ng jogging pants at t-shirt niya. Ang laki pa sa akin.

Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang malinis na. Wala na doon ang mga hinanda ko kagabi. Bumukas ang pinto mula doon ay pumasok si Ronniel na may dalang tray ng pagkain. Napangiti ako nang magtama ang mga mata namin. Bumangon ako nang umupo siya sa tabi ko at inilapag ang tray sa harapan ko.

"Ikaw nagluto? Bakit hindi mo ako ginising? Ako na lang sana naghanda ng almusal." Sabi ko habang nagpupunas ng mata ko.

"It's okay. Sanay ako sa mga ganitong bagay. Noon mag-isa lang ako dito sa bahay ako ang gumagawa ng lahat para sa sarili ko."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin hindi pa rin gano'n katagal si aling Mimi dito?

"Kain na." Hinalikan niya muna ako sa noo bago inihanda ang kakainin ko. "Anong gusto mong gawin ngayon?"

"Ipasyal natin si Ron-ron. Wala kang pasok?"

"I told Rey that I will take this day as my day off."

Tumango ako. "Uh... May damit ako." Tanong ko at alam kong alam niya ang tinutukoy ko.

"Yeah, malamig dito sa kwarto ko. Don't worry I didn't do anything."

Natawa ako sa sinabi niya.

Matapos naming mag-agahan ay naghanda na kaming mamasiyal. Ilang araw pa lang wala sila aling Mimi parang sobrang tahimik na ng buong bahay.

Kinuha ni Ronniel ang kadena na binili niya din kasama ni Ron-ron. Hindi pa ako nakakalibot sa buong village pero ang sabi ni Ronniel may park daw dito sa malapit.

Nang maisarado niya ang gate ng bahay ay kinuha niya sa akin ang kadena ni Ron-ron siya ang naghawak no'n sa kanang kamay niya habang sa kaliwa naman ay hinawakan niya ang kamay ko. Pinagsalikop niya pa ang mga daliri namin habang naglalakad.

"Anong gusto mong gawin buong araw?" Tanong niya nang makaupo kami sa isa sa mga bench.

Tinanggal namin ang kadena ni Ron-ron ay hinayaan siya maglakad sa buong park. Kakaunti lang ang tao at may iilan ding dala ang mga alagang aso nila.

"Ikaw? It's your day off. Gawin natin yung nga bagay na gusto mo." Sagot ko habang pinaglalaruan ang kamay niya na nakapatong sa mga hita ko.

"Kung ako lang... Gusto kong mag-stay na lang tayo sa bahay at humiga sa kama ng magkatabi. But I don't want you to get bored so..."

"Nakakainip nga doon sa bahay mo. Tsaka baka kapag ginawa natin yung gusto mo.... Alam mo na." Nangingiti kong sabi.

"I'm not like that. When I told you that I respect you, I meant it. Ayokong maging katulad ng mga naging karelasiyon mo." Diretso ang tingin niya sa mga mata ko habang sinasabi niya 'yon.

Pilitin ko man na huwag mangiti ay hindi ko magawa. Masasabi ko na hindi talaga siya katulad ng iba.

"W-wala rin akong maisip na gawin. Biglaan din ang pag da-day off mo."

"Actually... It's my birthday today. That's why."

Nanlaki ang mata ko nang tingnan ko siya. Birthday niya ngayon? At hindi ko man lang alam.

"Bakit hindi mo sinabi?! Nakakainis ka. Sana ako ang nag-handa ng almusal para sa ating dalawa."

Parang nahiya agad ako sa sarili ko dahil siya... Willing siyang mas kilalanin pa ako samantalang ako, kaunti lang ang alam ko tungkol sa kaniya. At parang wala rin akong balak na kilalanin siya.

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon