Chapter 12
"Y-you know, you can say something." Sabi niya na parang tinatantiya ang reaksiyon ko.
Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na totoo ang sinabi niya. Yung pag-aalala niya alam kong totoo 'yon. Pero hindi ako sigurado sa sarili ko. Sobrang daming pag-aalinlangan sa isip ko. Sobrang takot din ang nararamdaman ko. Natatakot akong sumugal kasi alam kong hindi ko kayang maging totoo sa kaniya.
"I'm sorry."
Tanging lumabas sa bibig ko matapos ang pag-amin niya. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin.
"Why?" He asked without looking at me.
"T-trabaho lang po talaga ang dahilan ng paglapit ko sa inyo. Tsaka baka nasasabi niyo lang 'yan kasi ako yung nag-aalaga sa inyo?"
Yumuko siya. "I'm sure that I really like you. No, maybe I love you. I'm sure that this is not just like and this is not just because you're taking care of me."
"Hindi pa po ako nagtatagal sa inyo paano niyo ako magugustuhan?" Pinilit kong tumawa pero naging peke ang dating no'n.
Pinipilit kong ipamukha sa kaniya na hindi totoo ang nararamdaman niya. Pero nararamdaman kong konting-konti na lang ay mapipigtas na ang pagpipigil ko sa nararamdaman ko.
"Gaano ba dapat katagal bago mo magustuhan ang isang tao? Hindi ba pwedeng bigla na lang kitang nagustuhan?"
"Si Cynthia? Di ba siya yung matagal mo nang gusto? Pinakasalan mo pa siya."
"Hindi ako pupunta sa kasal nila ng kapatid ko kung may nararamdaman pa ako para sa kaniya. Hindi ka ba naniniwala sa'kin?" Ngayon ay hinagilap niya ang aking mata.
"B-bakit ako?"
Bakit nga ba ako ang nagustuhan niya? Gwapo siya, mabait, at mayaman. Maimpluwensiya silang tao kaya alam ko na marami siyang kilalang babae na kapantay ng estado niya.
"I like you because you are you. As simple as that. I don't need anymore reasons." Nanatili siyang nakatingin sa mga mata ko at parang pilit na ipinapaintindi sa akin ang sinasabi niya. "At the hospital, when I first saw you... I don't why but I suddenly got the feeling that I want to know you."
Nanatili akong tahimik at hindi na alam ang sasabihin.
"Hindi naman kita pipilitin na gustuhin din ako. Hindi ko gustong sabihin sa'yo agad to pero hindi ko na napigilan. Sana walang magbago. I hope you will still continue what you're doing."
Kahit pa sinabi niya 'yon ay alam ko na meron pa ding magbabago. Ayaw kong mapalapit pa sa kaniya pero kailangan ko ang trabahong ito kaya mas gugustuhin ko na gawin na lang ng mas maayos ang trabaho ko.
Nanatiling nakayuko ang ulo ko. Natatakot na baka pag nagtama ulit ang mga mata namin ay bumigay na ako. Mula sa sahig ay nakita ko ang paglapit niya. Nasa harap ko na siya nang mag angat ako ng tingin.
Ngumiti siya sa akin at tiningnan ako ng diretso sa aking mga mata. "I won't accept your sorry miss Santiago. I like you and your sorry is not the answer for that."
"Sinabi ko 'yon kasi hindi tayo parehas ng nararamdaman." Sabi ko sa mahinang boses.
"Even if you're not feeling the same way, don't apologize. Wala ka namang ginawang masama bakit ka hihingi ng tawad? Gusto kita e'di panatilihin nating gano'n." Huminga siya ng malalim bago lumayo ng bahagya. "Maghanda ka na, babalik na tayo ng Manila. Bababa lang ako para kausapin sila mama."
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nanatiling nakatayo doon. Lumabas na si Ronniel at dumating na din ang kumuha ng mga pinagkainan namin. Nang matauhan ako ay para akong nanghina. I admit I like him too pero paano? Paano ko sasabihing hindi pwede kasi pwedeng ako ang makasira sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Unexpected Romance
Roman d'amourRonniel was trying to build his life again. He's trying to move on from the heart ache that the woman he loved has brought him. Akala niya ay kaya niyang magsimula ulit nang walang babae sa tabi niya. But Lorrie suddenly came, and she makes him hap...