Chapter 2
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mga mata niya. Nagiwas kaagad ako ng tingin sa takot na baka makilala niya ako kahit na may suot akong maskara.
I pulled my arm away from his hold and walked away from him. Nang makarating ako sa backstage ay nagbihis kaagad ako at naghanda na para umalis. Bahala na'ng hindi siya nakapagbayad.
Malakas ang ulan pag-labas ko ng club kaya pumara kaagad ako ng masasakyan.
To Tyler:
Ty, Pasundo naman.Hindi ko alam kung gising pa ba 'yon pero nagbabaka sakali ako na masusundo niya ako. Nang nasa kanto na ay wala si Tyler doon, kaya sumilong muna ako sa isa sa mga saradong tindahan para maghintay sa pagtila.
Umusog ako ng konti sa may pinakadulo ng tindahan dahil isang lakaki din ang sumilong kagaya ko. Hindi ako nakatingin sa kaniya pero sa peripheral vision ko ay ramdam kong nakatitig siya. Unti-unti akong umuusog dahil ganoon din siya.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang konting-konti na lang ay magkakadikit na kami. Naaamoy ko na ang alak sa katawan.
"Ate!"
Napabuntong hinga ako at lumuwag ang dibdib ko nang makita ang kapatid ko. Nakapayong siya habang sa kaliwang kamay niya ay hawak niya ang isa pang payong para sa akin. Hingal na hingal pa siya.
Sa takot sa lalaking katabi ko ay agad akong lumapit kay Tyler para makaalis na.
"Sorry, ngayon ko lang nabasa yung text mo. Nakaidlip ako. Kanina ka pa?" Sabi niya habang binubuksan ang payong na gagamitin ko.
"Hindi naman, balak ko na nga lang sanang magpatila. Buti pumunta ka, nakakatakot yung lalaki doon." Sabi ko habang naglalakad kami at itinuro ang tindahang pinanggalingan ko.
Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya at binalikan ng tingin ang tinuro ko.
"Bakit ate? May ginawa ba sa'yo?" Tanong niya na may bahid na ng galit.
"Buti nga at dumating ka kaagad. Bilisan na natin." Sabi ko at mas nalakihan pa ang bawat hakbang ko.
"Akala ko may ginawa sa'yo. Alam mo namang ayaw ko nang nababastos ka."
Parang may kung anong kirot akong naramdaman. Ano kaya ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ang tungkol sa trabaho ko gabi-gabi. Sa trabaho kong 'yon, gabi gabi akong nakakaramdam ng pagkabastos.
"Kumain ka na?" Tanong niya nang makarating kami sa apartment.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya.
"Magpahinga ka na."
Pinatay niya ang ilaw sa study table niya bago siya pumasok sa kwarto para matulog na.
Ako naman ay sinubukang kontakin si Matt pero wala talaga akong natanggap na kahit anong reply. Inilagay ko ang kamay ko sa mukha ko. Hindi ko na dapat siya iniisip. He fooled me. Wala siyang kwenta ibinigay ko lahat sa kaniya pero nagawa niya pa ding maghanap ng iba. Hindi niya man lang ako inintindi.
Binura ko ang conversation namin at blinock ko din ang number niya sa cellphone ko. I should have listened to my brother. Matt is an asshole! Pinunasan ko ang luhang hindi ko namalayan na tumutulo na pala. Tulad ng mga nauna kong naging relasiyon, masakit din.
Nang mahubad ko ang uniform ko ay nalaglag mula dito ang calling card na ibinigay sa akin ni mrs. Roque. Siguro dapat ko munang malaman kung malaki ba ang su-swelduhin ko bago ko to tanggapin.
Tuluyan nang hindi nagparamdam si Matt, ni hindi man lang ako binisita sa ospital o kaya sa bahay. Ano pa bang aasahan ko? Halos lahat ng mga lalaking dumaan sa buhay ko, matapos makuha ang gusto iiwan na lang ako.
BINABASA MO ANG
Unexpected Romance
RomanceRonniel was trying to build his life again. He's trying to move on from the heart ache that the woman he loved has brought him. Akala niya ay kaya niyang magsimula ulit nang walang babae sa tabi niya. But Lorrie suddenly came, and she makes him hap...