Chapter 19
Warning: Explicit Content
Tumingin ulit ako sa lalaki at nakita kong duguan na ang mukha niya. Natatarantang pumasok sila madame at Brix sa loob ng kwarto. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko pero hindi nagtagal ay kumalma din ito.
"Anong nangyari?!" Si madame nang makita ang lagay ng nakahandusay na lalaki.
"I'll pay for the damages." Sabi ni Ronniel sa mababang tono.
Lumapit siya sa akin at hinigit ako sa palapulsuhan. "She's done for tonight. I will take her out of this place."
Pagkasabi niya no'n hinila niya ako palabas ng kwarto hanggang sa makalabas na kami ng club.
"S-sandali lang Ro-Roniel." Kinakabahan ako dahil base sa hitsura siya alam kong galit siya.
"Bakit? Balak mo pang bumalik sa lugar na 'yon?"
Napayuko ako at natahimik. Hindi rin siya nagsalita at nang tingnan ko siya ay nasa katawan ko na ang tingin niya. Narinig ko siyang bumuntong hininga tsaka niya hinubad ang ang long sleeves niya. Naka suot siya ng t-shirt sa loob.
Isinuot niya sa akin ang long sleeves niya pagkatapos ay dumapo ang kamay niya sa likod ng ulo ko at tinanggal ang pagkakatali ng maskara doon.
Wala siyang sinabing kahit ano. Maraming lumalabas na tao sa club kaya hinatak niya ako papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto tsaka siya sumunod sa driver's seat. Kahit noong nasa loob na kami ng kotse ay kakaiba ang katahimikan niya. Hindi ako naglakas ng loob na magsabi ng kahit ano dahil ayokong magsabi sa kaniya ng tungkol sa mga problema ko.
Nasa unahan ang tingin ko pero sa peripheral vision ko ay alam kong nakatitig siya sa akin. Matagal bago niya nagawang magsalita.
"Hindi ako magtatanong ng kahit ano Lorrie Jane. I won't ask for explanation pero sana... Sana huwag naman nang maulit na hindi ka nagpakita. Hindi mo alam kung anong naramdaman ko noong hindi ka man lang nagparamdam." Halos pumiyok na siya habang nagsasalita.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kitang kita ko ang pagod sa kaniyang mga mata.
"A-ayokong umuwi sa apartment... Dumiretso tayo sa bahay mo." Tanging nasabi ko dahil pinipigilan kong huwag maiyak habang nakatingin sa kaniya.
Wala siyang sinabi bagkus ay tinitigan niya lang ako na para bang tinatantiya niya ang reaksiyon ko.
Sumang-ayon naman siya at agad na pinaandar ang sasakyan niya paalis sa lugar na 'yon. Buong biyahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sobrang daming gumugulo sa akin. Dapat si Tyler ang iniisip ko ngayon at hindi ang sarili ko. Hindi ako dapat sumama kay Ronniel kasi kailangan ako ng kapatid ko pero hindi ko magawang pigilan ang sarili ko.
Importante din si Ronniel sa akin kaya hindi ko magawang idamay siya sa mga kinakaharap ko. Alam kong malalagpasan ko din lahat to pero ngayong gabi, gusto ko munang sulitin ang gabing ito kasama ang lalaking mahal ko at hindi ko muna iisipin ang bukas. Gusto kong palayain muna ngayong gabi ang sarili ko mula sa mga problemang kakaharapin ko.
"May mga natira ka pang damit sa kwarto mo. Mauna ka nang pumasok para makapagbihis ka susunod ako."
Hindi na ako umapila pa. Lumabas ako ng kotse niya at nagtuloy tuloy sa pagpasok sa loob. Muli ko siyang tiningnan at nakita kong nasa akin din ang tingin niya nang magtama ang mga mata namin ay nag-iwas siya at yumuko sa steering wheel.
Tahimik ang buong bahay. Siguradong tulog na si aling Mimi dahil anong oras na din. Umakyat ako sa kwarto ko sa bahay ni Ronniel at nakita kong ganoon pa din ang ayos no'n. Nandoon pa din nga ang mga gamit at damit ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Romance
Любовные романыRonniel was trying to build his life again. He's trying to move on from the heart ache that the woman he loved has brought him. Akala niya ay kaya niyang magsimula ulit nang walang babae sa tabi niya. But Lorrie suddenly came, and she makes him hap...