Prologue
"Lorrie, nandiyan na naman sila."
Agad nanlaki ang mata ko at nataranta. Hindi ko alam ang gagawin. Alam nilang wala pa akong pambayad pero bakit ba pabalik balik sila dito?
"Ikaw na munang bahala dito. Kapag tinanong ka nila sabihin mo hindi ako pumasok." Bilin ko kay Alice.
Tumango naman siya sa akin kaya nagsimula na akong umalis sa pwesto namin. Liliko pa lang ako sa isang pasilyo nang makita ko ang dalawa sa mga tauhan ng lalaking pinagkakautangan ko. Hindi nila ako napansin kaya agad akong tumalikod. Pero maging doon ay meron din siyang tauhan. Hindi talaga nila ako titigilan. Hindi ko na alam kung saan ako magtatago.
Nabigyan ako ng pag-asa nang bumukas ang pinto ng isang kwarto ng ospital. Mula doon ay lumabas ang isang lalaking naka wheelchair at may benda pa sa braso. Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano. Mula sa pagkakatali ay nilugay ko ang buhok ko at mabilis na nilapitan ang pasiyenteng naka wheelchair. Hinawakan ko ang likudan ng wheelchair niya at sinimulan ko siyang itulak. Itinago ko ang mukha ko sa mahaba kong buhok para hindi ako mapansin ng mga maniningil.
"Hoy! sandali, sino ka?" Natatarantang tanong ng lalaking itinutulak ko.
Nang malapit na kami sa mga naghahanap sa akin ay inilapit ko ang mukha ko sa pasiyente para mas lalo kong maitago ang mukha ko.
"Huwag ka nang maingay, makisama ka na lang." Sabi ko sa mahina pero mariin na tono.
Naramdaman ko ang pag-ayos niya sa pag-upo habang tinutulak ko siya hanggang sa malampasan namin ang nga tauhan ng pinagkakautangan ko. Dumaan kami sa daanan na para sa mga PWDs. Halos malibot na namin ang buong ospital huwag ko lang makasalubong ang mga pating na 'yon.
"Hay sa wakas!" Nakarating na kami ng garden ng ospital kung saan naroroon ang iba pang pasiyente. Abot tenga ang ngiti ko pero napansin ko ang titig ng pasiyente sa harap ko.
"Who are you? I was suppose to go to the comfort room and you suddenly came and brought me here." Nakakunot noong sabi niya.
Taray! spokening dollars. Hindi ko siya dapat patulan. After all, siya ang dahilan kung bakit ako nakapagtago sa mga maniningil.
I gave him my very sweet smile. "Mister, you don't have to know my name."
"Then don't say it. Malalaman ko din naman yan." He said.
Hinawakan ko siya sa balikat. Pero bahagya siyang napadaing na parang nakaramdam ng sakit kaya agad ko ding inalis ang kamay ko.
Inikot niya ang wheelchair paharap sa akin kaya mas nakita ko ang hitsura niya. Hindi na masama. Kaya naman pala English speaking... Mukhang may lahi. Nakita ko ang pagsuri niya sa buong katawan ko.
"So, you're a nurse, huh."
Kahit sa boses niya ay mahahalata mong may hitsura ang nag-mamay ari. Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. May mga pasa siya sa mukha pero hindi no'n magawang maitago gandang lalaki niya.
"You brought me here, because...?"
Hindi ko alam ang isasagot ayokong malaman niya na ginamit ko siya para makapagtago sa mga pinagkakautangan ko.
"Sir Ronniel!"
Sabay kaming napalingon sa lalaking sumigaw sa tingin ko ay ang lalaking ito ang tinawag niya. Habang nakatingin siya sa tumawag sa kaniya ay ginawa kong paraan 'yon para iwanan siya. And I succeed!
I go back inside the hospital to finish my duty. Isang oras na lang naman at pwede na akong lumabas. Inasikaso ko ang ibang pasiyente habang ginagawa ko 'yon ay hindi mawala sa isip ko ang lalaking ginawa kong pantakas kanina. Ronniel. That's what I heard when the guy came, looking for him.
"Bukas na lang Alice, salamat ulit." Kumaway kami sa isa't isa bago naghiwalay ng daan.
Bumagsak ang balikat ko dahil papasok nanaman ako sa isa ko pang trabaho. Alam kong hindi ilegal ang trabaho ko, pero ikinahihiya ko 'yon.
Pagdating ko sa apartment ay naligo kaagad ako at nag lagay ng make-up. Isinuot ko ang pinaka sexy kong damit at dinala na ang mga kakailanganin ko. Hindi ko kinalimutan ang maskara na magtatago sa mukha ko. Ang maskarang magsisilbing pantago ko sa marumi kong pagkatao.
"Kanina ka pa hinihintay ni Madam." Salubong sa akin ni Brix isa sa mga baklang nagpasok sa akin dito.
"Lorrie, ikaw na ang susunod doon, magbihis ka na." Utos sa akin ni Madam Sonya. Yon ang tawag sa kaniya ng lahat kaya 'yon din ang tawag ko sa kaniya.
Halos maluha ako nang makita ko ang isusuot ko ngayong gabi. Konting-konti na lang ay mailalantad na nito ang pribadong parte ng katawan ko. Hindi ko gusto ang ganitong trabaho, pero wala akong magagawa. Alam kong kailangan ko itong gawin at kahit kailan ay hindi ko na magagawa pang makawala.
Labag sa loob kong isinuot ang 'yon pati na rin ang boots na abot hanggang tuhod. Isinuot ko rin ang aking maskara. Nang makarinig ako ng panibagong tugtog ay alam kong 'yon na ang hudyat ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas sa isang manipis na kurtina. Naglalaro ang patay sinding mga ilaw na may iba't ibang kulay. Punong puno ng pag-nanasa ang mga mata ng mga kalalakihan habang nasa akin ang kanilang mga tingin.
Sinabayan ko ang ritmo ng tugtog sa pamamagitan ng paggiling sa sensuwal na paraan. Gusto kong masuka sa tuwing nakikita ko ang tingin nila habang sinusuyod ang aking katawan.
Siguro nga ay sa ganitong paraan na masasayang ang buhay ko. Naglilingkod ako sa ospital sa umaga at sa pagsapit ng dilim ay nagbibigay ng ligaya.
Patuloy ako sa pagsasayaw nang dumako ang tingin ko sa pinaka dulong bahagi ng club. Nakaupo doon ang isang lalaking may benda sa braso. May hawak siyang baso ng alak habang mariing nakatitig sa akin. Alam kong hindi niya ako makikilala pero kanina ko lamang siya nakita kaya tandang tanda ko ang mukha niya.
Bahagya akong nakaramdam ng hiya. Parang gusto ko nang tumigil lalo na nang tumayo ang lalaki at lumipat sa mas malapit na pwesto. Ang kaniyang mga tingin ay nagpabilis ng tibok ng aking puso at nagpatindig sa aking balahibo.
Hindi nga ako nagkamali. Siya si Ronniel. Ang lalaking ginawa kong pantakas sa ospital kanina. Nagpupunta siya dito? Bakit ngayon ko lang siya nakita?
...
BINABASA MO ANG
Unexpected Romance
RomanceRonniel was trying to build his life again. He's trying to move on from the heart ache that the woman he loved has brought him. Akala niya ay kaya niyang magsimula ulit nang walang babae sa tabi niya. But Lorrie suddenly came, and she makes him hap...