Chapter 8: Won't Forget

84 5 2
                                    

Chapter 8

I chose to go back downstairs to calm my fast beating heart. Babalik na sana ako sa taas pero nakarinig ako ng mga yabag na papalapit. Si Ronniel at nakasunod naman sa kaniya si mr. Rey.

"We're going to the office today. Don't worry I won't overwork my self." He assured me.

Tumango ako dahil hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang narinig ko.

"Inumin mo muna tong gamot mo bago kayo umalis." Tinuro ko ang mga gamot sa tray.

Lumapit siya doon. Hindi ko napansin na hawak ko pala ang baso kaya nakita ko ang pagdadalawang isip niya. Mabilis ko iyong binitawan. Nakangiti siya at nakatingin sa akin habang umiinom para bang nasisiyahan siya sa naging reaksiyon ko.

"Uuwi kami bago magtanghalian." Sabi niya bago sila lumabas ng kusina.

Nang mawala sila sa paningin ko ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Napahawak pa ako sa dibdib ko at pinakiramdaman at malakas na pintig doon.

Tama pa ba to? Normal pa ba to? Ibig bang sabihin totoo yung sinabi niya sa akin noon sa club? Hindi niya ako dapat magustuhan. Hindi niya ako kilala at natatakot akong baka sa oras na malaman niyang ang maruming pagkatao ko ay bigla niya na lang akong paalisin. Trabaho ang ipinunta ko dito. Kailangan ko ang trabahong ito at ayaw kong mawala to.

Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Ron-Ron na naglalaro sa madamong bakuran. Kinuha ko ang maliit niyang bola at pinapahabol ito sa kaniya. Pinilit kong iwala sa isip ko ang narinig ko kanina. Nilaro ko nalang ng nilaro si Ron-ron hanggang sa mapagod siya.

Nang malapit ng magtanghalian ay tumulong ako kay aling Mimi sa pagluluto. Pagkatapos ay parehas naming pinuntahan ang bakuran para tingnan ang mga halaman.

"Maganda talaga kapag may halaman sa bahay ano?" Nakangiting tanong ni aling Mimi. "Nakakapagbigay ng buhay."

"Oo nga po, ang gandang tingnan lalo na itong mga bulaklak." Sabi ko sabay hawak sa halaman na merong iba't ibang kulay na bulaklak.

"Naku! Noong araw pag nagbibigay ang mga manliligaw ko ng mga bulaklak sa akin.. Aba'y inilalagay ko kaagad 'yon sa plorera para hindi malanta." Ani aling Mimi na parang kinikilig pa. "Ikaw nurse Lorrie siguro marami ka na ring natanggap na bulaklak no?" Nagulat ako sa tanong niya.

Yumuko ako. "Medyo po. Nahilig ako sa mga halaman kasi yung boyfriend ko po dati mahilig akong dalhin sa mga botanical garden. Mahilig kasi 'yong mag-aral ng mga ganito."

"Hay naku kaya naman pala." Mahina niyang hinampas ang braso ko. "Sigurado hindi mo na makakalimutan ang lalaking 'yon." Parang kilig na kilig siya sa kwento ko.

"Nakahanda na ba ang tanghalian?"

Narinig ko ang mababang boses ni Ronniel sa likod ko. Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang salubong niyang kilay at iritadong mga mata. Nagkaproblema kaya sa opisina?

"Oo ser, nakahanda na. Tara pumasok na tayo." Ani aling Mimi

Sumunod ako sa kanila. Kinuha ko si Ron-ron at binuhat para isama siya sa loob. Gusto ko siyang isabay sa pagkain.

"Mr. Rey, may problema ba?" Pabulong kong tanong habang naglalakad kami papuntang kusina.

"Nurse Lorrie, sa opisina wala naman. Ewan ko kung bakit biglang sumama ang timpla niyan."

Sabay sabay kaming kumain. Inilapag ko si Ron-ron sa harap ng kainan niya. Nasa kabisera si Ronniel at ako naman sa gilid niya. Sa kabila ay si mr. Rey at si aling Mimi ang magkatabi.

Inilapit ko ang ulam kay Ronniel. Galit pa din ang ekspresyon niya pero kinuha niya ang ulam sa kamay ko at naglagay siya sa plato niya. Pagkatapos niya ay bumaling siya sa akin na parang inaalok ako. Nakita kong nakatingin sa amin sila mr. Rey pero parang hindi man lang siya nahihiya.

Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon