01

19 0 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons. Living or dead, or actual events are purely coincidental.

I apologize for the letter errors and spacing errors, I will edit this one more. Thank you for waiting

And please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, violence, maturity, suicides, and many more that are not suitable for young readers so read at your risk more.

.......

"Bitch, gising na"

Binuksan ko mata ko at muntikan ko na masapak yung tao nasa harapan ko.

"Uy gago, chill lang! alam mo bang late na tayo?" he said in an annoyed tone

"Wag ka nga mag-pagising nang nilalapit mukha mo, akala ko tuloy binangungot ako!" pikon ko'ng nireklamo sa kaniya, habang nag-uunat-unat ako.

"Cyst, mahiya ka naman at maligo ka! Ba't ka ba na late gumising?! Nag puyat ka noh? Kaka-ML mo yan e'! Nagawa mo na ba yung mga pinapagawa sayo ng prof mo? Hindi? Ayan kaka-ML mo yan eh!" habang inaayos yung kama ko sabay din akong sinesermonan.

Suot na ni Lucas ang white polo niya at black slacks niya na medyo bitin, kaya nakikita ang ankle niya. sabi niya ayos lang daw 'yon. Style lang daw 'yon.

Ginulo-gulo ko na lang muna buhok ko dahil sumasakit ang ulo ko. Nanood kasi ako kanina ng Gintama, malay ko ba'ng maadik ako, dahil andaming mga nakakatuwa na scenes.

"Less staring and maligo ka na," rinig ko siya'ng ngumisi bago siya lumabas sa kwarto ko.

I gonna admit, pumogi bestfriend ko. Noong bata pa kami mukha siya'ng ewan, dahil lagi siya tinutukso ng mga bata roon dahil sa trabaho ng magulang niya. Ang trabaho ng magulang niya ay sila ang may-ari ng Brothel na nakalocate lamang malapit sa Quiapo City.

"Good morning, Big Bo!" maligaya ko'ng binati si Big Bo bago ako umupo sa tabi ni Lucas. Magaling mag-luto si Big bo, kaya minsan dito madalas bumibisita si Lucas para kumain ng inumagahan at hapunan.

"Ano? puyat ka ngayon. hanggang sa kwarto ko rinig na rinig ko ang kakatawa mo. May jowa ka no'?" tinaasan ako ng kilay ni Big Bo bago siya umupo sa harapan ko.

"Ako? may jowa?" while pointing at myself. Tumawa na lang ako habang kinakain yung pancakes. "Study first ako."

"Study first mo mukha mo, mamaya may lalandiin ka nanaman 'jan na kung sino-sino," inirapan na lang ako ni Lucas.

"Bakit, selos ka?" pang-aasar ko sa kaniya, bigla na lang siya naging estatwa at nagpatuloy na lang sa pag-kain.

"Manahimik ka nga, babae. Konti na lang 'yung pancakes na 'to, itatapon ko na sa mukha mo." habang tinuturo niya sa'kin ang tinidor.

Tumawa na lang ako at kumain, "gawa ka kaya ng sarili mong restaurant, Big Bo." mungkahi ko sa kaniya habang nginunguya ko ang pagkain ko.

"Mahal ang mga pwesto ngayon. Tsaka marami naman din akong hinahandle na trabaho," sabi ni Big Bo sa'kin habang may binabasa siya sa newspaper.

"Anong oras ka uuwi, Big Bo?" 

"Hmm, pang-umaga ako ngayon sa flowershop, tapos may night shift din ako sa call center," tinignan ni Big Bo ang schedule niya, "mukhang malalate nga ako ng uwi. Mag-luluto na ako ngayon, tapos init mo na lang."

"Okieee," agree ko sa kaniya.

"Sige, alis na kami, bye!" sabi ko at kumaway na ako sa kaniya.

"Ingat kayo!" 

Wrath Of AzuraWhere stories live. Discover now